All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 401 - Chapter 410
439 Chapters
Kabanata 401
Habaang pumikit siya ng mabagal, nagsabi ng ilang chant si Wilbur. Pagkatapos ay pinagdikit niya ang mga palad niya at ginamit niya ang ‘Time Reverse’ spell.Isa itong high-level spell na kailangan ng maraming spiritual energy at lakas para gamitin. Ang mga cultivator lang na higit sa Sanctuary level ang may kayang gumamit nito.Hindi nagtagal pagkatapos nito, may imahe na lumabas sa harap ni Wilbur.Ang imahe ng isang lalaki sa kanyang thirties ang lumabas. May malupit na ekspresyon sa mukha ng lalaki, ang mga damit niya ay punit-punit. Sinira niya ang pinto at pumasok siya sa kwarto.Sa loob ng kwarto ay may isang babae. Sumigaw ang babae sa takot habang tinalon siya ng lalaki. Dinaganan ng lalaki ang babae at kinagat ito ng mabangis.Ang babae ay namatay sa masamang paraan habang ang mga sigaw niya ay dahan-dahang naglaho at ininom ng lalaki ang lahat ng dugo niya.Nang maubos na ang dugo ng babae, may kuntento na ekspresyon sa mukha ng lalaki. Ang katawan ng lalaki ay nagbago
Read more
Kabanata 402
Hindi nagtagal, lumabas sila mula sa makapal na gubat. Ang bakas ng mga yapak ay tila papunta sa taas ng burol.Sa oras na aakyat na lalo sina Wilbur at Ryder ng burol, may tatlong lalaki at dalawang babae na dumating mula sa likod nila.“May ibang mga tao ba dito?” Medyo nabigla si Wilbur habang umakyat na sila ng may distansya.Ang limang tao ay tumingin sa kanila habang lumapit ang mga ito.May mga suot silang designer hiking gear at iba’t ibang mga equipment. Dalawa silang may hawak na hunting rifle.Ang isa sa kanila ay nagsalita. “Wag kayong matakot, nangangaso lang kami.”“Sigurado ako na hindi ito legal, hindi ba?” Ang tanong ni Wilbur.Tumawa ang apat na lalaki, at sinabi ng isa sa mga babae, “Ito si Jonah Jemson. Siya ang namumuno sa Rivertune City. Pwede niyang gawin ang kahit anong gusto niya.”“Ganun ba? Sige, magpatuloy lang kayo.” Tumalikod si Wilbur para umalis.Sa sandaling yun, tinanong ni Jonah, “Ano ang ginagawa niyong dalawa dito?”“Ah, nasa isang hike di
Read more
Kabanata 403
Lumingon si Wilbur habang nakakunot ang noo. “Bakit hindi mo tanggapin ang payo ko?”“Akala ko ay may problema sa inyong dalawa, nandito kayo at parang may masamang binabalak! Dapat niyong sabihin sa amin ang katotohanan kung bakit kayo nandito, kung hindi ay magpapatuloy kami,” Ang malamig na sinabi ni Jonah.Hindi na ito matiis ni Ryder at sumingit siya ng may malamig na boses, “Ang Department of Paranormal Research and Defense ay nag iimbestiga sa burol na ito. At ang mga taong walang awtorisasyon ay dapat umalis.”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya ang kanyang lisensya at pinakita kay Jonah.Tumawa ng malakas si Jonah. “Anong klaseng department yun? Wala pa akong naririnig na ganun dati.”“Ito ay dahil wala kang karapatan na malaman ito,” Ang malamig na sinabi ni Wilbur.Agad na nagalit si Jonah at tinaas niya ang rifle niya. Mukhang babarilin niya si Wilbur.Nataranta ang isa sa mga babae. Mr. Jemson, wag po kayong bumaril! Nandito lang po tayo para magsaya. Hindi po ma
Read more
Kabanata 404
Kahit na may mga sugat siya, tila hindi nakaramdam ng sakit si Gobo. Sa halip, sumigaw siya habang nagpatuloy sa pagsugod.Ang super cannon ay hindi na kayang tumama ng eksakto kay Gobo, at nilabas ni Ryder ang kanyang Alloy Dagger at tumakbo siya patungo kay Gobo.Humalukipkip si Wilbur, pinanood niya ang laban.Ang parehong partido ay naglaban habang ang kamao ni Gobo ay ginamit niya para umatake ng walang tigil kay Ryder, may malupit na ekspresyon sa kanyang mukha.Kahit na malaki at walang ingat ang mga atake niya, may sapat na lakas si Gobo sa bawat atake. Dahil dito, walang magawa si Ryder kundi ang umiwas.Gayunpaman, si Ryder mismo ay mahusay makipaglaban. Ang kakayahan niya sa pakikipaglaban ay mahusay din.Ang Alloy Dagger ay humiwa at umatake, at si Ryder ay nasugatan si Gobo kahit na umiwas siya sa ibang mga atake.Ang mga kilos ni Gobo na parang hayop ay lumala dahil sa mga bagong sugat niya. Sumigaw at umungol siya habang nagpatuloy siya sa pag atake kay Ryder.Ma
Read more
Kabanata 405
Umubo ng dalawang beses si Wilbur. “May sapat pa ako para sa ganito.”Dumilim ang ekspresyon ni Ryder. Itinayo niya ang sarili niya sa tabi ng bato, ginamit niya ang natitirang spiritual energy para pigilan ang mga sugat niya.Nagwawala pa rin si Gobo na parang isang mabangis na hayop. Gayunpaman, hindi pinansin ni Wilbur so Gobo habang nagpatuloy siya sa pagsusuri sa katawan ni Gobo.“Paano ka naging ganito, Gobo?” Ang tanong ni Wilbur.Sumigaw lang si Gobo.Suminghal si Wilbur. “Mukhang wala ka na sa katinuan mo.”Makalipas ang ilang sandali, natapos na si wilbur sa pag inspection ng kondisyon ni Gobo at lumapit siya kay Ryder. “So ano ang susunod na hakbang?”“Syempre, ang patayin siya,” Ang sabi ni Ryder.Nagkibit balikat si Wilbur. “Sige pala.”Lumapit siya kay Gobo, tumingin siya sa bungo na nakaukit sa dibdib nito. “Mula ka sa Skull Cult, huh? Alam mo ba na pinatay ko na ang leader niyo?”Sumigaw ulit si Gobo.Tumawa si Wilbur. “Pwede mong gawin ang kahit anong bagay
Read more
Kabanata 406
Walang magawa si Wilbur kundi ang lumabas ng kotse. Tumingin siya kay Jonah. “Ikaw pre, sinabi ko sayo na wag kang magsimula ng gulo.”“Hindi tayo malapit sa isa’t isa para tawagin akong ganun!” Agad na sumigaw si Jonah.“Tanga siya, hindi niya man lang alam kung anong gulo ang pinasok niya.”“Hindi ako makapaniwala na may lakas ng loob pa rin siya para sabihin yun. Isa siyang malaking biro.”“Ang kahit sinong may lakas ng loob na gumalit kay Mr. Jemson ay gustong mamatay. Nakakagulat na hindi niya alam yun.”“Mayabang siya sa Rivertune City, sino ba siya sa tingin niya?”Nilait ng lahat si Wilbur habang malamig ang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Ang dalawang babae ay tinakpan ang kanilang mga bibig dahil sa malakas na pagtawa, umiiling habang nakatingin kay Wilbur.Ang hula ni Wilbur ay lahat sila ay mula sa mga background na mayaman at makapangyarihan. Sanay silang masunod ang mga gusto nila.Tumawa si Jonah. “Pre, nagkaroon lang tayo ng isang maliit na pagtatalo. Sigurad
Read more
Kabanata 407
Nakita ni Jonah na lumapit ang mga officer at agad niyang sinabihan ang mga tauhan niya na tumigil. Tutal, ayaw niyang gawin na masyadong halata ang posisyon ng kapangyarihan niya.Sabik si Jonah tuwing nakikita niya ang nakakaawa na mukha ng mga tao habang nagmamakaawa sila sa kanya. Wala siyang ibang gusto kundi ang gawing susunod na biktima si Wilbur.Sasabihin niya sa mga officer na arestuhin si Wilbur. Pagkatapos, mabagal niyang it-torture si Wilbur sa detention center.Pinigilan ni Jonah ang galit niya, naging ngiti ang simangot sa kanyang mukha.Sa sandaling yun, ang captain ng mga officer ay tumingin kay Wilbur bago lumingon kay Jonah. “Ano ang problema dito?”“Anong pangalan mo?” Ang tanong ni Jonah.Hindi alam ni Jonah kung ano ang pangalan ng team captain. Kakatapos niya lang tawagin ang vice-captain ng Special Forces para magpadala ng isang team, ngunit kilala siguro ng team captain na ito kung sino si Jonah.“Team Captain ng Team Two sa Special Forces, Captain Burt
Read more
Kabanata 408
Malamig na sinabi ni Wilbur, “Ang sabi ko ay isa kang kahihiyan! Mali ba ako? Klaro na sila ang gumagawa ng illegal hunting gamit ang mga armas na hindi rin legal, at tinakot pa nila akong patayin! Sa oras na narinig mo ang ilang mga komento nila tungkol sa akin, agad na nagbago ang opinyon mo tungkol dito at wala kang tinanong sa akin. Inaaresto mo pa ako ngayon. Isa kang malaking kahihiyan sa force!”“Walang hiya ka! Arestuhin niyo siya! Barilin niyo siya kapag lumaban siya!” Ang sigaw ni Burt.May dalawang mga officer na lumapit kay Wilbur, sinubukan nilang arestuhin ito. Samantala, ang ibang mga officer ay tinutok ang kanilang mga baril kay Wilbur.May isang kuntento na ngiti sa mukha ni Jonah, at tumawa rin ang mga tauhan niya.Hindi ba? Ang kahit sinong lumaban kay Jonah Jemson sa Rivertune City ay mamamatay, nasa tama man sila o hindi.Gayunpaman, sumipa si Wilbur sa sandaling yun at pinalipad ang dalawang mga officer na lumapit sa kanya.Ang ibang mga officer ay hindi pa
Read more
Kabanata 409
Tila nagkaroon ng kumpiyansa sa Jonah nang makita ang mga kotse habang dumiretso siya ng tayo at lumapit upang ireport ang sitwasyon sa mga officer na kakarating lang.Si Jonah at ang mga kasama niya ay nakangiti. Gusto nila makita kung ano ang magagawa ni Wilbur sa harap ng mga officer na ito.Habang nireport ni Jonah ang sitwasyon, may sandaang Special Forces officers at mga police officer na pumalibot sa kotse ni Wilbur. Armado silang lahat, ang mga baril nila ay nakatutok sa kotse.Lumala na ang sitwasyon, at ang parehong head at mga vice captain ng Special Forces, kasama ang head ng police department, ay nagpakita.Isang malaking bagay kapag ang isang officer ay inagawan ng kanilang baril. Ang lahat ng mga superior ay hindi pwedeng maliitin ang krimen na ito.Lumapit si Burt sa head at mga vice captain ng Special Forces, nireport niya siya mga ito ang lahat ng nangyari.Alam ni vice-captain Gordo Canne ang nangyayari. Siya ang nagpadala kay Burt noong tumawag sa kanya si Bur
Read more
Kabanata 410
Hindi ba’t ito ang kotse na ginagamit ni Wilbur, ang kotse na mula sa Department of Paranormal Research and Defense?Tumalikod si Ronan. “Sigurado ka ba na ang salarin ay nasa loob ng kotseng ito ngayon?”“Yan nga, Captain. Tingnan niyo, ang lahat ng mga baril na inagaw niya ay nasa tabi nito,” Ang agad na sagot ni Burt.Seryoso ang ekspresyon ni Gordo. “Sa tingin ko ay hayaan na lang natin ang mga officer na sugurin siya, Captain. Ang lalaking ito ay may sapat na kakayahan para patumbahin ang maraming mga officer. Mapanganib talaga siya.”“Tama, Uncle Ronan, barilin niyo na lang siya! Hindi niyo dapat ipahamak ang sarili niyo o ang kahit sino.” Ngumisi si Jonah.Nakita na ni Ronan ang mukha ng lalaking naninigarilyo sa kotse sa oras na yun.Alam niya na ito ay si Wilbur. Ibig sabihin ay malamang na si Ryder ay nasa backseat.Sila ay nakipag hamon ng away sa Department of Paranormal Research and Defense. Nababaliw na ba sila?Pagkatapos itong pag isipan, tumalikod si Ronan para
Read more
PREV
1
...
394041424344
DMCA.com Protection Status