Home / Urban / Realistic / Living With My Lady Boss / Chapter 391 - Chapter 400

All Chapters of Living With My Lady Boss: Chapter 391 - Chapter 400

439 Chapters

Kabanata 391

Tumingin si Wilbur kay Eileen. Bigla siyang ngumitin makalipas ang ilang sandali at sinabi niya, “Pasok ka.”Pagkatapos, pumasok sila sa kwarto ni Wilbur. Sumandal si Eileen sa sofa at sinabi niya, “Ang sariwa naman ng hangin dito!”“Salamat. So, ano ang sikreto na gusto mong sabihin sa akin?” Gumawa ng tsaa si Wilbur para kay Eileen at umupo siya sa tabi nito.Uminom ng tsaa si Eileen at tumango siya bago niya sinabi, “Maganda ang kapaligiran dito. Nandito rin ang mga magulang mo, tama ba?”“Hindi. Nawala ang mga magulang ko noong bata pa lang ako. Lumaki ako kasama ang lolo ko,” Ang sagot ni Wilbur.“Ah, pasensya na at nabanggit ko,” Ang sabi ni Eileen.Tumawa lang si Wilbur at sinabi niya, “Sa tingin ko ay hindi naman ito isang sikreto.”Sinabi niya, “Wag mo na masyadong pag isipan ang tanong. Basta, may nag espiya sa atin nitong nakaraan. Alam mo naman na siguro yun, tama?”“Tinutukoy mo ba ang taong gumamit ng Time Reverse?” Ang tanong ni Wilbur.“Tama.”Sinabi niya ng w
Read more

Kabanata 392

Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Eileen at sinabi niya, “Sayang, pero tutuparin ko ang layunin nila at magpapatuloy ako sa pakikipaglaban.”Wala nang sinabi na iba pa si Wilbur, uminom lang siya ng tsaa.“Base sa sitwasyon, baka makipaglaban tayo ng magkasama. Pwede ba ako manatili dito ng pansamantala? Tutal, mahal ang magpatuloy sa isang hotel,” Ang tanong ni Eileen ng nakangiti.Tumingin si Wilbur kay Eileen at sinabi niya, “Sige, pero ang lahat ay mananatiling isang sikreto dito.”“Syempre. Susunod ako ng seryoso sa mga patakaran dito,” Ang sagot ni Eileen.Tumango si Wilbur at sinabi niya, “Marami akong mga kwarto dito. Pwede kang pumili mismo ng isa.”“Salamat. Kailangan ko ng beauty sleep, kung hindi ay magiging pangit ang itsura ng kutis ko. Goodbye.” Tumayo si Eileen at dumiretso sa labas para maghanap ng isang kwarto.Huminga siya ng malalim at pinanood niyang umalis si Eileen. Binulong niya sa sarili niya, “Ang kulit nilang lahat. Ano ba ang gusto ni
Read more

Kabanata 393

“Salamat po, sir. Hihintayin ko po kayo.” Ang sabi ni Gage ng halatang may magaan na loob.Ibinaba ni Wilbur ang phone at suminghal. Sino ang may lakas ng loob para i-confiscate ang ari-arian niya?Pagkatapos, lumabas siya at nag drive patungo sa Eastern Sun District.Ang Eastern Sun District ay isang district na malapit sa Seechertown na may layo na hindi aabot sa one hundred kilometers, kaya mabilis niyang mararating ang lugar.Tumawag si Wilbur kay Gage nang makarating sa district at nagtanong siya sa lokasyon, pagkatapos ay sumunod siya sa direksyon nito hanggang sa destinasyon.Dumating siya sa gate ng chemical factory sa Eastern Sun District at nakita niya ang higit sa sampung mga lalaki na nakasuot ng security uniform. Magkakasama sila sa gate, nag uusap at tumatawa.Bumaba si Wilbur ng sasakyan at lumapit siya sa mga ito.“Sandali lang. Ano ang kailangan mo?” May security guard na nasa kanyang thirties na lumapit at sumigaw kay Wilbur.Sumagot si Wilbur, “Ako ang may ar
Read more

Kabanata 394

Tumingin sila kay Wilbur at umupo siya ng nag aatubili.Uminom ng tsaa si Buff bago niya ipinaliwanag ng kalmado, “Iho, hindi mo siguro alam ito. Naglalaban kami para umakyat sa tuktok, pero ngayon at matanda na ako, ayaw ko nang pumatay ng kahit sino. Kaya, dapat kang magpakabait. Pwede natin itong pag usapan sa mapayapang paraan. Wag mo akong pilitin na gumamit ng karahasan.”Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Sige. Pero humihingi ka sa akin ng ten million dollars bilang kabayaran. Hindi ba’t sobra ito?”“Sobra?” Tumawa si Buff at sinabi niya, “Bayad lang ito. Hindi ko sinasabi sayo na bilhin ang factory. Nagiging mabait lang ako dahil hindi ka makakaalis ng hindi nagbabayad ng at least thirty million dollars kung ito ay nangyari noon.”Tumahimik ng ilang sandali si Wilbur bago niya sinabi ng mabagal, “Mukhang isa kang malupit na boss dito.”“Hindi naman, pero nirerespeto ng mga tao ang pangalan na Buff, hindi ba?”Sinabi ni Wilbur, “Tingnan ko muna ang mga tauhan ko. Pwede tayo
Read more

Kabanata 395

Hindi nagtagal, may isang sports car na mabagal na lumapit sa chemical factory. May isang middle-aged na lalaki na nasa kanyang thirties ang lumabas ng kotse.Mukhang parisukat at nakakatakot ang mukha niya kapag hindi siya nakangiti.Si Buff at ang dalawang kasama niya ay agad na binati ang lalaki noong lumabas ito ng kotse.“Mr. Denmark, kailangan niyo po akong tulungan. Sinaktan po nila ako sa teritoryo natin. Isa po itong pambabastos sa inyo,” Ang sabi ni Buff ng may umiiyak na tono.Ang lalaki na tinatawag na Mr. Denmark ay tila naiirita. Tinanong niya, “Bakit hindi mo kayang gawin ng maayos ang trabaho mo? Kailangan ko bang linisin ang gulo mo lagi?”“Mr. Denmark, sinira po nila ang factory room at equipment ko, pero ayaw po nila magbayad, at binugbog pa po nila kami. Paano po kami maghahanap-buhay kung hindi po kayo makikialam?” Ang nakakaawa na reklamo ni Buff.Kumunot ang noo ni Mr. Denmark at sinabi niya, “Sobra na yun. Tara. Ipakita mo sa akin kung sino siya.”Si Buff
Read more

Kabanata 396

Tumingin si Wilbur kay Zimmer at kumunot ang noo niya. Tinanong niya, “Kilala ba natin ang isa’t isa?”“Sir, dumalo po ako sa party na hinost ng Owens clan, kaya nasaksihan ko po ang kadakilaan niyo,” Ang maingat na sinabi ni Zimmer.Isa itong laban na hindi makakalimutan ni Zimmer.Si Wilbur ay parang isang diyos na pumatay ng isang malademonyo na Saint level cultivator, si Jeremy Owens. Makapangyarihan talaga siya.Nahirapan si Zimmer na abutin ang tagumpay ng ganitong makapangyarihang indibidwal. Hindi niya makakamit ang ganitong level ng kapangyarihan sa buong buhay niya, at buong buhay lang siyang titingala kay Wilbur.Tumango ng mabagal si Wilbur. May daan-daang mga tao noon, kaya hindi niya maalala ang lahat.“Mukhang pinapunta ka ni Buff Lestrade.”Mabilis na sinabi ni Zimmer, “Hindi po! Nabalitaan ko lang po mula kay Buff na may taong sumira sa factory equipment at nanakit sa kanya. Humingi po siya ng tulong sa akin, kaya pumunta po ako para alamin kung ano ang nangyari
Read more

Kabanata 397

“Isa ka bang miyembro ng Cultivators Association?” Ang tanong ni Wilbur.Mabilis na sumagot si Zimmer, “Opo, sir.”Mabagal na sinabi ni Wilbur, “Mabuti. Ang Eastern Sun District ay may isang bully na ganito sa pangangalaga mo, kaya responsable ka din. Paparusahan kita na pag isipan mo ang mga pagkakamali mo ng isang buwan. May problema ka ba tungkol dito?”“Wala po, sir. Responsable po ako doon at papayag po akong tumanggap ng kahit anong parusa,” Ang sabi ni Zimmer habang nakaluhod.Tumango si Wilbur at sinabi niya, “Bibigyan kita ng magaan na parusa dahil hindi ito isang malaking bagay, pero kapag may sinumang tao na tulad niya na nagpakita ulit sa Eastern Sun District, paparusahan kita sa paraan na sa tingin ko ay nararapat.”“Opo, sir. Tatandaan ko po ang leksyon na ito at pag iisipan ko po ang mga pagkakamali ko. Pangako na hindi na po ito mauulit,” Ang sabi ni Zimmer.Tumayo si Wilbur at sinabi niya kay Gage, “Kumuha ka ng tao para sa delivery at dalhin ang mga ore sa Seala
Read more

Kabanata 398

May isang misteryosong formation na namuo bilang isang hexagram na may maraming rune na konektado sa gitna. Ang pattern ng formation ay umilaw noong nilagyan ito ni Wilbur ng kanyang spirit energy. Ang gitna ng formation ay nagliyab at nagkaroon ng apoy.Ngumiti si Wilbur, at pagkatapos ay nilagay niya ng bawat piraso ng ore papunta sa formation.Ang ore ay natunaw noong dumikit ito sa apoy. Naging abo ang mga ito, ngunit ang gold spirit sa loob nito ay na-filter at nanatili sa formation.Kailangan ng dalawang oras para tunawin ang lahat ng ore para makuha ang gold spirit.Ang sumunod na hakbang ay ang mahalagang parte.Umupo si Wilbur sa tabi ng formation at patuloy siya sa paglagay ng spiritual energy niya dito. Ang apoy sa formation ay patuloy na nagliliyab, natanggal ang mga hindi kailangang dumi mula sa gold spirit.Walang araw o gabi sa demiplane, kaya hindi niya alam kung gaano katagal na ang lumipas na oras. Ang formation ay nagkaroon na ng isang malaking piraso ng metal
Read more

Kabanata 399

Ang thunder cleaver ay gumawa ng koneksyon sa kanyang isipan, at ito ay may kakayahan na defense penetration.Maganda talaga ito.Mahirap para sa mga sandata na magkaroon ng karagdagang attribute. Kadalasan, mga professional alchemist lang ang kayang gumawa nito.Ang sandata na ito ay may karagdagang attribute, at katulad na rin ito ng pagkuha ng karagdagang ability. Halata na ito ay makakapag palakas ng kakayahan niya sa pakikipaglaban.Maganda ang attribute ng defense penetration, at ito ay mapanganib para sa mga kalaban na malakas ang katawan.Makakalamang si Wilbur gamit ang thunder cleaver kapag nakipaglaban siya sa isang taong pareho niya ng level.Kapag natamaan ng thunder cleaver, ang defense ng taong yun ay masisira kahit na gaano pa sila kalakas. Magkakaroon ng malubhang sugat ang isang tao kapag mahina ang depensa nila.Ang mga taong mas mababa sa Saint level cultivator ay siguradong mamamatay.“Maganda ito,” Ang sabi ni Wilbur. Humahanga siya sa nakamit niya.Tutal
Read more

Kabanata 400

Tumango sina Ryder at Skyler. Ang lugar ay talagang puno ng basbas.Biglang nilabas ni Ryder ang phone niya at tumingin siya sa screen. Sinabi niya, “Deacon, merong misyon.”“Anong meron? Pwede ba akong magpahinga?” Ang tanong ni Wilbur ng hindi natutuwa.Tumakbo si Ruder papunta sa opisina. Walang magawa si Wilbur kundi ang sumunod sa kanya.Sina Skyler at Eilen ay tumingin sa isa’t isa at umalis sila.Si Ryder ay nasa harap ng computer nang dumating si Wilbur sa opisina.“Sir, ayon po sa mga utos mula sa headquarters, may mga supernatural na pangyayari sa Rivertune City. Inutusan nila kayo na pumunta doon para harapin yun.”“Ano? Isang supernatural na pangyayari?”“Ayon sa impormasyon, may taong pinatay ang tatlong tao sa pag inom ng dugo nila bago ito tumakas. Ang lokal na pulis at ang mga special agent ay hindi ito kayang harapin, kaya nag apply sila para itransfer ang kaso sa Department Department of Paranormal Research and Defense.”“P*ta,” Nagmura ng mahina si Wilbur. G
Read more
PREV
1
...
3839404142
...
44
DMCA.com Protection Status