Hindi ba’t ito ang kotse na ginagamit ni Wilbur, ang kotse na mula sa Department of Paranormal Research and Defense?Tumalikod si Ronan. “Sigurado ka ba na ang salarin ay nasa loob ng kotseng ito ngayon?”“Yan nga, Captain. Tingnan niyo, ang lahat ng mga baril na inagaw niya ay nasa tabi nito,” Ang agad na sagot ni Burt.Seryoso ang ekspresyon ni Gordo. “Sa tingin ko ay hayaan na lang natin ang mga officer na sugurin siya, Captain. Ang lalaking ito ay may sapat na kakayahan para patumbahin ang maraming mga officer. Mapanganib talaga siya.”“Tama, Uncle Ronan, barilin niyo na lang siya! Hindi niyo dapat ipahamak ang sarili niyo o ang kahit sino.” Ngumisi si Jonah.Nakita na ni Ronan ang mukha ng lalaking naninigarilyo sa kotse sa oras na yun.Alam niya na ito ay si Wilbur. Ibig sabihin ay malamang na si Ryder ay nasa backseat.Sila ay nakipag hamon ng away sa Department of Paranormal Research and Defense. Nababaliw na ba sila?Pagkatapos itong pag isipan, tumalikod si Ronan para
Ginawa ni Ronan na klaro ang sitwasyon.Pinapahiwatig niya kay Jonah na ang lalaking ito ay hindi dapat awayin at ang sitwasyon ay maliligtas pa basta’t humingi ng tawad si Jonah.Gayunpaman, sana si Jonah na masunod ang gusto niya at hindi niya naintindihan ang hint.Matagal na tahimik si Jonah bago niya sinabi ng galit, “Wala akong pakialam kung kilala niyo ang isa’t isa. Kapag hindi niyo siya inaresto ngayong araw, lagot ka sa huli.”Hindi mapigilan ni Ronan na magbuntong hininga. Mukhang wala pa ring alam si Jonah na tulad ng dati.Tumingin si Ronan kay Jonah. “Ang lalaking ito ay mula sa Department of Paranormal Research and Defense. Hindi na natin kontrolado ito. Naiintindihan mo ba?”Gustong subukan ni Ronan na iligtas si Jonah, dahil mula sila sa parehong lungsod.Gayunpaman, hindi pa rin ito maintindihan ni Jonah at sumigaw siya, “Wala pa akong naririnig na ganung klase ng department noon! Lagot ka kapag prinotektahan mo ang lalaking ito, Ronan Black.”Tumigil na si Ro
Sa oras na yun, nawala ang kalooban ni Jonah habang nakaluhod siya sa sahig.Tumawa si Wilbur. “Dapat kang magbantay ng mabuti sa department mo, Captain Black. Wag mo hayaan mapunta ka sa gulo na hindi mo sinimulan.”Nanginig sina Gordo at Burt sa mga salitang yun. Halata na sila ang tinutukoy ni Wilbur.Tumango si Ronan. “Sigurado ako na gagawin ito.”“Aalis na pala ako. Isend mo sa akin ang report na yun kapag tapos na ito.”Pumasok si Wilbur sa kotse niya pagkatapos nito, nag drive siya palayo.Nakahinga ng maluwag si Ronan pagkatapos nito, tumingin siya ng masama kay Jonah. “Wag mong isipin na makakatakas ka dito. Walang makakatulong sayo ngayon, kaya sumuko ka na.”Alam ni Ronan ang kapangyarihan ng Department of Paranormal Research and Defense. Ang mga tao na tulad niya at ni Jonah ay wala lang kumpara sa mga ito. Malaking pagkakamali ang ginawa ni Jonah ngayon.Nararapat ito sa kanya dahil gumawa siya ng gulo sa Rivertune City ng maraming taon.“Arestuhin niyo na siya,”
Lumunok si Walter. Pinaupo siya ni Wilbur habang binigyan siya ng tsaa.Uminom si Walter, huminahon siya bago niya sinabi, “Ako ay isang abogado mula sa Anya City, representing Mr. Ethan Osborn. Kinulong siya ng makapangyarihan mga tao na hindi ko kayang harapin. Sinabi sa akin ni Ethan na hanapin ka. Sinabi niya na siguradong tutulong kayo.”Agad na dumilim ang ekspresyon ni Wilbur.Si Ethan ay isang miyembro ng Abyss Mercernaries noon. Isa siya sa mga tauhan ni Wilbur.Noong na-disband ang Abyss Mercenaries, sinabi ni Wilbur sa lahat na pwede nilang hanapin siya sa Seechertown kapag may nangyari sa kanila.Mukhang ang ex-teammate niya ay napunta na sa isang gulo.Importanteng malaman na ang lahat sa Abyss Mercenaries ay may mataas na kakayahan sa pakikipaglaban at sila ang magiging top soldier sa kahit anong army na mapunta sila.Nag iwan din si Wilbur ng umaabot sa ten million dollars sa bawat miyembro sa oras na humiwalay siya, kaya siguradong hindi problema ang pera.Mukha
Nag drive si Wilbur at Walter papunta sa freeway.Ang Anya City ay nasa bandang labas ng Kardon Province, may five hundred kilometers ang layo mula sa Sechertown. Kailangan ng at least anim o pitong oras ng pagmamaneho.Walang sinabi si Wilbur habang nagmamaneho. Tahimik din si Walter sa backseat.Higit sa sampung araw nang nasa Seechertown si Walter dahil matagal niyang hindi mahanap si Wilbur.Kahit na tila mayaman talaga si Wilbur, malayo siguro siya kay Joel. Tutal, si Joel ay may bilyon-bilyon at siya ang pinakamayamang lalaki ng Anya City.Bukod pa dito, ang kumpanya ni Joel, ang Viewspring Corp, ay kontrol na maraming industriya at bumuo ito ng reputasyon at koneksyon para sa sarili nito. Dahil dito, hindi alam ni Walter kung ano ang gagawin ni Wilbur.Si Walter mismo ay medyo nahirapan bilang abogado ni Ethan. Ang kapangyarihan ng pamilya William ay higit pa sa kaalaman niya.Binayaran ni Ethan si Walter ng malaking halaga ng pera, kaya sinusubukan ni Walter ang makakaya
Tumingin si Wilbur sa guard, na siyang natakot agad habang napaatras ng dalawang hakbang.Ngumisi si Wilbur, tumalikod siya kay Ethan. “Wag kang mag alala, malapit ka nang makalaya. May utang pa rin ni Joel ang buhay niya sayo at magbabayad siya.”“Nagtitiwala ako sayo, Boss. Kaya nga lang ay nag aalala ako sa babaeng kapatid ko ngayon. Natatakot ako na baka saktan siya ni Joel para lang maghiganti sa akin. Siya na lang ang natitira sa akin,” Ang sabi ni Ethan, problemado.Kumunot ang noo ni Wilbur. “Ano ang pangalan ng kapatid mo at nasaan siya ngayon?”“Ang pangalan niya ay Shelby Mothleen. Pumapasok siya sa Westhand College,” Ang sabi ni Ethan.Ngumiti si Wilbur. “Wag kang mag alala. Magpapadala ako ng tao para protektahan siya agad. Ang kahit sinong may lakas ng loob na saktan siya ay siguradong baliw na.”“Mas magaan na ang loob ko dahil ngayon.”Puno ng pag aalala si Ethan sa nakalipas na mga araw at malapit na siyang mawalan ng pag asa.Huminahon na talaga siya nang maki
Biglang hinagis ni Wilbur ang baso ng beer sa sahig. Nabasag ito nang tumama sa sahig, tumalsik ang mga bubog kung saan-saan.Agad na lumapit ang supervisor. “May problema po ba, Sir?”“Pekeng alak ito. Nakikipag lokohan ba kayo sa akin?” Ang malamig na tanong ni Wilbur.Huminto ang supervisor bago nito sinabi, “Sir, mag ingat kayo sa sinasabi niyo. Ang lahat ng alak namin ay binili namin ng legal at sinunod ang lahat ng mga procedure.”“Wala akong pakialam! Peke ito dahil sinabi kong peke ito. Magbabayad kayo sa akin ng ten million dollar, kung hindi ay magpaalam kayo sa club niyo.” Umupo si Wilbur, humithit siya ng mahaba sa kanyang sigarilyo.Nabigla ang supervisor, bumalik lang siya sa sarili niya pagkatapos lumipas ang ilang sandali.Pagkatapos ay tumawa siya. “Hindi kayo mula dito, tama ba, Sir?”“Hindi nga. Ano naman?”“Ganun pala. Kasi, malas niyo lang at pumunta kayo sa isang lugar kung saan mamamatay lang kayo kapag ganito ang ugali niyo,” Ang panlalait ng supervisor.
Ang mukha ng supervisor ay agad na namutla at mabilis siyang tumawag kay Manny.Ang magsimula ng gulo sa club ni Manny at hipuan pa ang kasintahan niya sa harap ng lahat? Talagang gusto mamatay ng tangang ito.Tumawa lang si Wilbur, umupo siya at ngumiti kay Haley. “Sige na, matanda na tayong lahat dito. Bakit kailangan mo maging seryoso?”“Walang hiya ka. Talagang wala pa akong nakita na kahit sinong tulad mo na may lakas ng loob.” Umupo si Haley sa harap ni Wilbur, nagsindi siya ng sigarilyo at humithit siya ng mahaba.Tumawa si Wilbur. “First time para sa lahat, siguro.”“Ang first time na may kabayaran ng buhay mo. Sa totoo lang, naaawa ako para sayo.”Bumalik sa sarili si Haley sa sandaling yun at tumitig siya kay Wilbur ng nanunuya.Marami na siyang nakilala na bastos na tulad ni Wilbur. Madalas ay patay na sila bago pa sila kumurap ng dalawang beses.Si Wilbur ay kalmado lang sa mga panlalait ni Haley, hindi siya nagsalita.Walang kahit sino sa kanila ang nagsalita, ngu
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf