KANINA PA NAKATITIG sa hawak niyang cellphone si Alvaro. Natutukso siyang tawagan si Riko. Alam niyang pupunta ang babae sa soft opening ng bagong branch ng nerds’ sa Makati. Hindi mahilig makihalubilo sa maraming tao si Riko pero alam niyang hindi rin ito makakatanggi kay Reign.Bumuga ng hangin si Alvaro. Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang hawak niyang cellphone. Somehow, lihim niyang inasam na sana ay si Riko ang tumatawag. At nang tingnan niya ang screen ay bumakas sa kanyang anyo ang hindi maitagong pagkadismaya. Si Tanya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alvaro bago niya pinindot ang answer button.“Hello,” matamlay ang tinig na bungad niya.“Hi, love,” malambing na turan ni Tanya mula sa kabilang linya. “pick me up na lang mamaya, ha.” aniya. Bakas din sa tinig ang saya.Natigilan si Alvaro, hindi dahil sa sinabi ni Tanya kundi dahil sa salitang “love”. “Love,” wala sa loob na usal niya kasabay ng pagbalik sa alala niya niya kung paanong
Magbasa pa