"DADDY!" malakas na tawag ng batang babae na nasa edad sampu pa lamang."Baby,don't run! Baka madapa ka!" Natatawa namang salubong ng ama nitong si Don Miguel habang nakadipa ang magkabilang bisig."Dad, I'm no longer a baby, ok!" nakalabing sagot ng bata bago ito lubusang yumakap sa ama.Siya si Alanis Esmeralda, ang nag-iisang anak ni Don Miguel Esmeralda, lumaking tanging ama lamang ang nakagisnan dahil maagang namayapa ang kanyang Ina sa sakit na cancer, pero kahit na ganoon pa man ay hindi nagkulang sa atensyon ang kanyang Ama, bagkus ay mas naging malapit sila sa isa't-isa. "Well, for me you'll always be my one and only baby." nakangiting sagot ng kanyang ama na kinurot pa siya sa magkabilang pisngi na ikinabusangot ng kanyang maliit at mamula-mulang mukha."Sir, excuse po." mahinang sabi ng katulong nila na bahagya pang yumukod bilang pag galang."Yes, Matilde? May kailangan ka?" tanong naman nito na pansamantalang itinigil ang paglalambing sa anak."Ah. Sir, nandyan na po yun
Last Updated : 2023-11-06 Read more