Nilagok ni Candice ang whiskey na para bang tubig lang iyon, ngunit ramdam niya ang bahagyang pagpaso ng lalamunan niya sa alak, at nagbigay ng sandaling init sa kanyang katawan.Kaya nga paborito niyang inumin ang alak na iyon, to make her feel something. Ang kanyang isipan ay napunta sa desisyon na ginawa niya kani-kanina lang. Naghihinayang tuloy siya bakit siya pumayag, wala iyon sa plano niya nang umalis siya sa kanyang ama. Malakas ang musika ng club na medyo naiirita sa teynga ni Candice. Kung hindi lang dumating ang lalaki sa harapan niya, hindi niya magagawa iyon. Nagulat siya, at hindi alam ang gagawin. Hindi niya inaasahan na mahahanap kaagad siya ng lalaki.“Are you planning to get wasted?” tanong nito sa kanya, tahimik itong iniinom ang whiskey habang nakatingin sa kanya na may pag-alala, alam nito na she was upset.Matalim na tinitigan ni Candice ang lalaki, kung nakakamatay lang ang tingin, baka namatay na ito. “Alam mo, gusto talaga kitang suntukin,” amin ni Candic
Magbasa pa