Third person point of viewInabala ni Leslie ang sarili sa pagtapos ng mga papeles na kakailanganin para bukas sa board meeting na ni-set nilang magkapatid. Nang ibaba ng anak niya ang cellphone sa kandungan niya."Kakausapin ka daw po ni Daddy," sambit nito at tumalikod na para maglaro.Kinuha niya ang cellphone at inalis niya ang pagkaka-speaker phone bago itinutok sa kaliwang tainga niya."Gusto mo daw akong makausap?" Tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa monitor ng laptop niya."I'm sorry about Dad," panimula nito.Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, "wala iyon," sambit niya rito.Gusto niyang magtanong kung ano yung desisyon ng mga magulang nito na tinanggihan ni Alisson, pero nahihiya naman siyang magtanong."Gusto ko ng makita si Alliyah, lalo ka na, sa bawat araw na lumilipas na hindi ko kayo kasama, pakiramdam ko ay mababaliw na ako," sambit nito.Chapter 32 ContinuesThird person point of viewKakaibang kilig ang naramdaman niya sa mga binitawan nitong sa
Huling Na-update : 2023-12-31 Magbasa pa