"Ano ba gusto mo sa mga lalaki?" Tanong sa akin ni Xia habang kumakain kami ng kwek-kwek."Wala gusto ko lang ng mabait, maalaga, tapos responsable, gano'n lang." Mahinahon ko naman na saad ko kay Xia habang ipinagpatuloy ko ang pagkain."Alam mo ba Tin, may kilala akong pogi." Hirit pa ni Xia sa akin, at alam na alam ko na kung saan ito patungo. "Mabait, maalaga, at responsable rin siya, tapos bonus na rin yung fact na mayaman siya!" Tumitiling saad pa nito habang nagkukuwento."Gusto mong ipakilala kita?" Tanong nito sa akin.Umiling ako. Ayoko."Ayoko." Pagtanggi ko kaagad na ikinaawang ng kaniyang mga labi dahil sa gulat."Marami pa akong dapat unahin kaysa makipaglandian sa mga lalaki ngayon. Ayoko munang pumasok sa dating o magkaroon ng love life. Ayaw kong makipaglaro lang, gusto ko ng kasalan agad." Seryosong aniya ko na mahinang ikinatawa ni Xia.Right.Gusto ko ng kasalan agad.At kung puwede, ay sana ang magiging first boyfriend ko ang magiging asawa ko.Alam kong assumer
Magbasa pa