Home / Romance / Longing for my Ex-Wife's Return / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Longing for my Ex-Wife's Return: Kabanata 41 - Kabanata 50

91 Kabanata

Kabanata 39

Kabanata 39 “Ma’am Arya, may bisita po kayo.” “This early? Sino raw?” Busy si Arya sa paglilinis ng kaniyang table. Nakalagay na rin sa mga kahon ang kaniyang mga gamit sa opisina. Magsasalita na sana ang secretary ni Arya nang biglang inuluwa ng pinto si Divina. “Ako.” Abot-tainga ang ngiti ni Divina. Napako ang tingin ni Arya sa dala nitong bulaklak at cake. “Iwan mo muna kami,” walang emosyong sabi niya sa kaniyang secretary. Yumuko ang secretary ni Arya bago lumabas ng opisina. Ikinandado rin niya ang pinto bago siya lumabas. Patuloy sa pagliligpit ng kaniyang gamit si Arya. “Hindi mo man lang ba ako aanyayahang umupo?” Iniikot ni Divina ang kaniyang mga mata sa opisina ni Arya. “Kailangan bang imbitahan muna kitang umupo bago ka umupo? Hindi mo ba nakikitang busy ako?” Ipinagpag nang malakas ni Arya ang hawak niyang mga papel. “Ang aga-aga ang sungit mo na agad. Alam mo bang malas ‘yan sa isang negosyo? Ikaw rin. Baka alisin ka ni Don Fridman sa posisyon mo.” Ipinatong n
Magbasa pa

Kabanata 40

Kabanata 40 “Peste talaga ang babaeng impaktang ‘yon. Wala na ngang saysay ang naka-print sa mga papel, wala pang laman itong USB. Bwisit!” Itinapon ni Greta ang USB sa basurahan. Inayos niya ang kaniyang buhok at huminga nang malalim. Biglang may kumatok sa pinto ng opisina ni Greta. “Come in,” inis na sambit ni Greta. Mas lalo siyang nainis nang makita niya ang mukha ng head ng sales and marketing department na si Ms. Park. “Bakit ka nandito?” tanong niya habang abala na sa pagtitipa sa kaniyang laptop. “Ma’am may problema po tayo,” bungad ni Ms. Park. Nag-angat ng tingin si Greta. “Is this about our recent project?” Tumango si Ms. Park. “What about it?” Ini-shutdown muna ni Greta ang kaniyang laptop. “Eh kasi ma’am bigla na lang pong nag-pull out ang mga big investors natin nang mabalitaan nilang hindi na itutuloy ng mga Gray ang pag-iinvest sa project. Mismong secretary po ni Mr. Gray po ang tumawag kani—” Napatayo si Greta. Hinampas niya nang malakas ang mesa habang nanli
Magbasa pa

Kabanata 41

Kabanata 41 “Mga wala talaga kayong silbi! Paano kayo natakasan ng isang babae? Ang dami-dami niyo, nag-iisa lang siya! Ginagawa niyo ba talaga ang trabaho niyo?” sigaw ni Damon sa kaniyang mga tauhan. “Pasensya na po, boss,” ani ng isang tauhan habang nagkakamot ng kaniyang ulo. “Pasensya. Pasensya. Ilang beses ko nang naririnig ang salitang ‘yan buhat sa inyo! Paano ba kayo magta-tanda?” Nagpipigil ng inis si Damon habang halinhinan niyang tinitingnan ang kaniyang mga tauhan. “Boss, hindi po nag-iisa si Dra. Santos. May mga lalaki pong biglang tumulong sa kaniya. Hindi po namin nakilala dahil nakasuot po silang lahat ng itim na maskara,” ulat ng isa pang tauhan. “May tumulong sa kaniya?” bulong ni Damon. “Napaka walang kuwenta ng palusot niyong ‘yan! Sa tingin niyo maniniwala ako sa inyo? Humahanap lang kayo ng butas para hindi ako magalit!” “Boss, hindi po kami nagsisinungaling. Ang totoo po niyang mayroong pare-parehong tattoo ang mga lalaking nakasuot ng itim na maskara.” “
Magbasa pa

Kabanata 42

Kabanata 42 “Babe, sigurado ka bang darating ang bug0k mong ex-husband? Kanina pa tayo rito. Mag-date na lang kaya tayo? What do you think?” Humigop ng milktea si Jett. “You can stop calling me like that. Wala pa naman si Damon dito.” Kumuha si Arya ng isa pang milktea sa cooler. “You want more?” Ngumiti si Jett. “Sapat na sa akin ang isa pero dahil inalok mo ulit ako, sige. Hindi ko ‘yan ta-tanggihan.” Kinuha niya ang milktea buhat sa kamay ni Arya, dahilan para magkahawak ang kanilang mga kamay. “Nakakamiss ‘yong highschool life natin ‘no?” Inalis ni Arya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni Jett. “Medyo nakakamiss nga lalo na ‘yong mga extra curricular activities like camping, ou–” “Mas namiss kita kumpara sa mga bagay na ‘yan,” seryosong turan ni Jett. Napatawa si Arya. “Huwag mo nga akong mabola-bola, Jam. Alam ko namang isa kang cassanova at ni isang babae eh wala kang sineryoso. Jack told me na hanggang ngayon eh kung sino-sino ang inaaya mong lumabas.” “Hindi naman ako
Magbasa pa

Kabanata 43

Kabanata 43 Malapit na si Damon sa site nang biglang tumunog ang cell phone niya. Pinatay ng caller ang tawag dahil hindi niya iyon sinagot at nagpatuloy siya sa pag-da-drive. Matapos ang dalawang minuto ay tumunog na naman ang kaniyang cell phone. “Who the fuCk is calling me? I’m driving!” Damon yelled while he focused on the road. The call ended because again, he ignored it. Sa pangatlong pagkakataon, muli na namang tumunog ang cell phone niya. “Fuck!” Napilitan si Damon na itabi sa kalsada ang kaniyang big bike. Galit na galit niyang sinagot ang tawag. “May mamamatay ba? Bakit ka tawag nang tawag?” gigil na gigil na tanong niya. Tiningnan niya ang kaniyang rolex watch. Dalawang minuto na lang at mag-te-ten minutes na siya sa kalsada. [“Boss, confirmed. Nagpakasal po kayo sa isang huwad. Wala pong Arya Villanueva na naka-registered sa lugar kung saan ipinanganak si Aiven.”] “B0b0! Alam ko na ‘yan! Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na alamin mo ang totoong pagkatao ni Arya? Kung sin
Magbasa pa

Kabanata 44

Kabanata 44 “Arya.” “Tumayo ka na. Late ka na nga, lampa ka pa. Paki-linis ng kaluluwa mo, ibig kong sabihin, ng damit mo. Nakakahiya sa major investor ng project natin kung haharap kang madungis sa kaniya. Okay?” Nginitian ni Arya si Damon. “Major investor? Te-Teka. Si Don Fridman ang major investor ng venture na ito, hindi ba?” nagtatakang tanong ni Damon. Dahan-dahan siyang tumayo. Halata pa rin sa mukha niya na masakit ang kaniyang katawan. Umaktong gulat na gulat si Arya. “Hindi ba naulit sa’yo ng mama mo? Anyway, sumunod ka na lang sa loob. Kung may spare clothes kang dala, please, magpalit ka muna. Paki-bilisan ha? Ang dami ng minutong nasayang.” Tumalikod na siya sa ex-husband niya at naglakad na patungo sa gusali. “Ibig sabihin, hindi ko ma-so-solo si Arya ngayong araw?” dismayadong sambit ni Damon. Naalala niya ang lalaking tumawag ng babe sa kaniyang dating asawa kanina habang magkausap sila sa cell phone. “Hindi maaari.” Umiling siya. Tinanaw niya ang building kung saa
Magbasa pa

Kabanata 45

Kabanata 45 “Ma’am Greta, may bisit—” “Good morning, hija!” Sinagi ni Divina ang secretary ni Greta at tuloy-tuloy na pumasok sa opisina nito. Malapad ang ngiti niya habang nakadipa ang kaniyang mga kamay. Hinihintay niyang tumayo mula sa pagkakaupo ang kaniyang bagong ma-manugangin. “Tita, what brought you here?” Greta plastered a fake smile. Namomroblema na nga siya dahil kay Mr. Gray at sa iba pang investors na nag-pull out sa kaniyang i-lau-launch na project, tapos may bumisita pa sa kaniyang hindi niya inaasahan. Kailangan na naman niyang magsuot ng maskara para makipag-plastikan sa kaniyang soon to be mother-in-law. Sumimangot si Divina. Ibinaba na niya ang kaniyang mga kamay. ‘Mukhang minasama ni tita ang tanong ko ah o nagtatampo siya dahil hindi ko agad siya sinalubong at niyakap? Damn! I have no time for this kind of shiT!’ Ngumiti si Greta. “Tita, bakit bigla ka yatang nalungkot?” tanong niya. “I told you to call me, mama , not tita. You also looked disappointed when y
Magbasa pa

Kabanata 46

Kabanata 46 “Dionne!” Mas lalong binilisan ni Dionne ang paglalakad. “Dionne, saglit lang!” Huminga nang malalim si Dionne. Nakayuko siya habang humahakbang nang malalaki. “Ano na naman bang kailangan sa akin ng lalaking ‘yon? Naiirita na ako sa kaniya. Kanina pa niya akong sinusundan,” aniya. Nagulat siya nang makita niya ang pamilyar na sapatos na ‘yon. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hinawakan ang kaniyang balikat. “Dionne, bakit mo ba ako iniiwasan?” hinihingal na tanong ni Aiven. “Bitiwan mo nga ako. Kailangan ko nang pumunta sa room ko.” Nag-iba ng direksyon si Dionne pero naharangan siya ulit ni Aiven. “Let’s talk, Dionne. Please.” Pumungay ang mga mata ni Aiven. “We’re talking already. Ano bang pakay mo? Kahapon mo pa akong pine-peste eh.” Tumingala si Dionne kay Aiven. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang nakatitig sa mga mata nito. “Ang pakay ko? I just want us to become friends. May pinagsamahan naman tayo noon, ‘di ba? Huwag mo naman akong
Magbasa pa

Kabanata 47

Kabanata 47 Halinhinang tiningnan ni Arya sina Damon at Jett. Halos sampung minuto na ring nagtititigan nang masama ang dalawa. Tumikhim siya pero wala pa ring kibo ang mga ito. Iwinagayway niya ang kaniyang mga kamay sa pagitan ng dalawa pero wala pa ring pagbabago. “May balak ba kayong magtrabaho o magtititigan na lang kayo buong maghapon?” inis na tanong ni Arya. Mukhang wala silang matatapos sa araw na ito. Damon crossed his arms. “On your knees.” He signaled Jett to kneel. Jett smirked. “Why would I?” Naguguluhan na si Arya sa nangyayari. Ang kaso, kahit anong sabihin niya, hindi siya pinapansin ng dalawa. Tumayo bigla si Damon. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin. “My body aches because of what you did!” Tumawa nang marahan si Jett. “Hindi ko na kasalanan kung MAHINA ka.” He tilted his head in the opposite direction. “Sandali nga. Ano bang pinag-uusapan niyong dalawa? We’re here for business! Para kayong mga bata.” Nasapo ni Arya ang kaniyang noo. “Binugbog ako ng lal
Magbasa pa

Kabanata 48

Kabanata 48 “I heard na close na raw kayo ng apo ni Don Fridman na si Mariz. Totoo ba ‘yon, Arya?” tanong ni Damon habang pinagmamasdan si Arya. Tapos na silang mag-meeting at napagkasunduan na rin nila kung sino-sino ang mga taong ilalagay nila sa bawat departamento. “Yes, we are. Bakit mo naitanong?” walang emosyong tugon ni Arya habang nagtitipa sa kaniyang laptop. “Single pa ba si senyorita?” tanong ni Damon. Kinamot niya ang kaniyang ilong. “Hindi ko alam. Bakit? Liligawan mo siya? Sa tingin mo may pag-asa ka sa kaniya?” natatawang turan ni Arya. ‘Nagsawa na agad siya kay Greta? Mukha namang okay sila eh. Ano kayang naging problema? Teka, bakit ko ba sila iniisip?’ “Pinag-iisipan ko pa,” ani Damon. Natawa si Arya sa kaniyang narinig. “Pinag-iisipan? Paano si Greta? Akala ko ba mahal mo siya?” “Oo, mahal ko siya kaso…” Tumigil sa pagsasalita si Damon. ‘Kaso mas mahal na yata kita. Ano ba itong naiisip ko?’ “Kaso?” Tumigil sa pagtitipa si Arya. Kinuha niya ang kaniyang cell
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
10
DMCA.com Protection Status