Madaling araw na nakarating sa kaniyang destinasyon si Logan. Eksaktong ala-una na ng madaling araw ang isinasaad na oras ng relo sa kaniyang pulsuhan. Nang bumaba siya mula sa yate na naghatid sa kaniya sa isla na iyon ay sinalubong kaagad siya ng isang matandang babae at isang matandang lalaki."Maligayang pagdating ho sa islang ito, Sir Logan," magalang na pagbati sa kaniya ng matandang lalaki."Ako ho si Marita, at ito naman ho ang asawa kong si Saul. Kami ho ang tagapangalaga nitong isla," nakangiti namang sabi ng matandang babae na nagpakilala bilang Marita."Tulungan ko na ho kayo, Sir Logan," muling sabi ng matandang lalaki."Ah, salamat ho," sabi niya nang kunin ni Tatay Saul ang ilan sa mga bitbit niya."Gusto niyo ho bang kumain, Sir?" Muling sabi ni Nanay Marita."No need, Nanay Marita. I'm kinda tired. I just want to sleep," magalang na sagot niya. Mukha namang mabait ang dalawang matanda at makakasundo niya ang mga ito. Huwag lang sana gumana ang kawalang-hiyaang taglay
Huling Na-update : 2023-11-03 Magbasa pa