Home / Romance / My Ugly Husband is a Billionaire / Chapter 161 - Chapter 170

All Chapters of My Ugly Husband is a Billionaire : Chapter 161 - Chapter 170

181 Chapters

Chapter 26

Strawberry's POVKUMALAS ako sa yakap ni Rico at naguguluhang tinitigan siya. "Anong ibig mong sabihin, Rico?"Mataman kong tinitigan ang mukha niya. Hinahanap ko ang bakas ng pagbibiro pero wala akong ibang nakita kundi ang seryoso niyang mga mata."Gamitin mo ako, para makalimutan mo si Sir Seven."Nagpahid ako ng mga luha. "Bakit ko naman gagawin iyon? At saka, bakit mo iyan sinasabi—""Dahil gusto kita."Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Nagugulumihanang tiningnan ko siya. Tama ba ako ng pagkakarinig?"Strawberry."Ilang beses akong napaatras. "A-ano bang pinagsasabi mo, Rico?"Tinawid niya ang espasyo sa pagitan namin at hinawakan ako sa mga kamay. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata, na parang ayaw niyang mabaling sa iba ang paningin ko kundi sa kaniya lang."You don't deserve to be hurt like this, Strawberry. Ayaw kong nakikitang nasasaktan ka.""Bakit?" tanong ko habang nakatuon sa lupa ang paningin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.Aaminin ko, hindi ako
last updateLast Updated : 2024-03-25
Read more

Chapter 27

Strawberry's POVMATAGAL na nagsukatan ng tingin sina Sir Seven at Rico. Gusto ko silang pigilan pero wala akong magawa dahil sa takot. Napasinghap ako nang biglang kwelyuhan ni Sir Seven si Rico."What did you just fucking said? Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang pakialaman ako? Kailan pa!"Hindi sumagot si Rico at nanatili lang nakatingin sa kaniya. Doon na ako pumagitna at pilit pinakakalma si Sir Seven."At ikaw naman!" Binalingan niya ako. Natigilan ako sa takot nang makita ang galit niyang mukha. "Baka nakakalimutan mo na ang usapan natin? Bawal kang lumandi sa iba habang tayo pa!"Hinila niya ako sa buhok at binitiwan si Rico. Gusto sana siyang pigilan nito pero matalim niya itong binalingan ng tingin."Huwag kang makikialam dito kung ayaw mong matanggal sa trabaho!"Inilingan ko siya, pilit nagmamakaawa ang mga mata ko na huwag na siyang sumagot pa. Walang nagawa si Rico kundi lumabas ng kuwarto."Sir Seven, nasasaktan po ako.""Anong ginawa n'yo!""Wala!" hindi ko na napigi
last updateLast Updated : 2024-03-25
Read more

Chapter 28

Seven's POVHALATA ang pagkaaburido sa mukha ko nang makapasok ako ng opisina. Nakasunod sa likuran ko si Elizabeth at walang tigil sa kakadada. Naiirita lang ako lalo dito."Aminin mo na kasi, if you like Strawberry, just say it. Hindi mo kailangan itanggi. Sarili mo lang ang papahirapan mo."Hindi ko ito pinansin at itinuon ang buong atensyon sa laptop ko. Tapos ko na lahat ng trabaho pero nandito ako ngayon dahil hindi ko maatim panoorin ang paglalandian nina Strawberry at Rico."Kung ako ang iniisip mo, don't worry about me. I'm not the type to get jealous that easily. Hindi rin ako ang tipo ng naghahabol.""She's just a payment, a sex toy. Nothing more," matigas kong saad nang hindi siya binabalingan ng tingin."Sex toy? Kaya pala halos umusok na ang ilong mo sa selos kanina.""Selos? Ako?" Gusto kong matawa sa narinig. Damn it. Oo, nagseselos ako! Punyeta!"Don't be afraid to admit it, the great womanizer Seven Santiban has now fallen in love."Binalingan ko siya ng matalim na m
last updateLast Updated : 2024-03-26
Read more

Chapter 29

Seven's POVNAKANGITI akong umupo sa swivel chair ko at tinitigan ang picture ni Strawberry na kinuha ko kanina habang tulog siya. Ilang ulit ko siyang inangkin kagabi kaya mahimbing ang tulog niya kanina nang umalis ako.I am tempted to call her but I stop myself. I wanna hear her sweet voice already, nami-miss ko na siya agad. Pero mas gusto kong matulog pa siya para makabawi ng lakas sa gagawin namin pag-uwi ko. Damn it. I can't stop myself from smiling. Who would have thought na magkakaganito ako sa isang babae? Nailing na lang ako.Tiningnan ko ang gabundok na papel sa harap ko. Kung noon, salubong na agad ang mga kilay ko kapag ganito, ngayon ay walang makakasira ng mood ko. Kahit pa yata tambakan ako ng trabaho ngayon, kaya ko pa rin tapusin nang walang reklamo.Binaba ko ang cellphone ko, pero bigla rin natigilan nang may bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok si Rico. Nang mag-angat ako ng tingin at sumalubong sa'kin ang mukha ni Rico ay naglaho ang ngiti sa labi ko.
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more

Chapter 30

Strawberry's POV“I have to go,” ani Seven isang umaga. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako sa mga mata. “Magiging abala ako buong maghapon.”Banayad akong ngumiti. “Hindi ka makakauwi sa tanghali?”Nanatili ang mga mata niya sa akin. Kalaunan ay kumunot ang noo niya at ngumisi. “Gusto mo ba?”Agad akong umiling at namilog ang mga mata. Kabisado ko na ang takbo ng isip niya. Baka ano na naman ang magawa namin. “H-hindi naman sa gano’n.”“Don't worry, I'll finish everything as soon as possible. Para makauwi agad ako sa iyo.” Hinapit niya ako sa baywang at pilyong hinagod ang aking pang-upo.Nagpigil ako ng sarili. Ayokong ngumiti o kiligin sa harap niya, panigurado kasing kung ano-anong kapilyuhan na naman ang tatakbo sa kaniyang isip.Umiling ako ulit. “Ayos lang talaga. Uuwi ka rin naman sa gabi.” Tumango-tango si Seven. Nang nasa gate na siya ay bumaling ulit siya sa akin. Tinitigan niya ako gamit ang seryoso niyang tingin bago nagsalita, “Tandaan mo
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more

Chapter 31

Strawberry's POVNASA yate pa lang kami, matatanaw na ang nagliliwanag na mga ilaw na nagmumula sa isla sa unahan. Malamig ang hanging pandagat at parang dyamanteng nagliliwanag ang karagatan sa tuwing tinatamaan ng liwanag ng buwan.Nang dumaong ang yate sa daungan ng isla ay agad kaming sinalubong ng isang lalaki na nakasuot ng pormal na business suit. “Sir, Ma'am, this way please,” anito na agad kong sinunod habang nasa likuran ko si Seven.Halos umawang ang labi ko sa pagkamangha sa isla. Gabi pa lang ngayon, pero sobrang ganda na ng paligid. Excited na akong makita ang isla sa araw. May gusali at kung anu-anong establisyemento. Sa tingin ko ay kumpleto ang islang iyon sa mga kailangan ng mga magbabakasyon.Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay ni Seven na pumulupot sa baywang ko. “Baby. Sa cottage na tayo,” aniya sa malambing na boses.Hindi niya inaalis ang kamay niya sa baywang ko kahit noong sumakay kami ng maliit na electric car na maghahatid sa amin sa cottage namin.*
last updateLast Updated : 2024-03-27
Read more

Chapter 32

Strawberry's POVILANG minuto akong naestatwa bago sila nilapitan at naiiyak na niyakap. Sa kabila ng mga ginawa nila at pagpapahirap sa akin, sila pa rin ang nakagisnan kong magulang. Hindi mawawala ang respeto ko sa kanila.“Saan ba kayo nagpunta, nanay? Bakit iniwan n'yo na naman ako?”Inalis ni Nanay ang pagkakapulupot ng mga kamay ko sa leeg. Ilag ang mga matang bumaling ito kay Seven. Tiningnan ko sila ni Tatay, habang ako ay may luha sa mga mata, sila ay parang wala lang.Umaasa pa rin ako na pakikitaan nila ako ng kaunting pagmamahal. Umaasa pa rin akong maramdaman ang pagkalinga ng isang magulang. Pero kahit matapos ng mga nangyari, wala pa rin silang pakialam sa akin.Natigilan lang ako sa pag-iisip nang marinig ang pagkasa ng baril sa likuran ko. Namimilog ang mga matang nilingon ko si Seven. May hawak siyang baril.“Where's the money?” matigas na tanong ni Seven nang maupo siya sa sofa na kaharap nina Nanay at Tatay. Halos hindi sila makatingin kay Seven. Nananatili lang
last updateLast Updated : 2024-03-28
Read more

Chapter 33

Strawberry's POV“I need to call my boyfriend. Can I borrow your phone?” ani Monday at nakangiti pa.Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko pero nagdadalawang-isip kung ibibigay sa kaniya. Baka kasi makita niya ang picture namin ni Seven, nahihiya ako."Buti na lang saulo ko ang number niya."Iaabot ko na sana sa kaniya ang cellphone ko, kaya lang nagtaka ako nang makitang gulat siyang nakatingin sa likuran ko.“Love?” bulalas ni Monday.Nagtatakang napalingon ako sa likuran ko, pero natigilan na lang nang malaman kung sino ang nasa aking likuran. Si Seven.Naguguluhang tiningnan ko si Monday. Malaki ang ngiting makikita ngayon sa mukha niya bago mabilis na tumakbo palapit kay Seven. Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari. Magkakilala sila? O napagkamalan niya lang si Seven?Si Seven man ay bakas ang gulat at pagtataka sa mukha. Pagtakapos ay tumingin siya sa akin na parang nag-aalala."Love, what are you doing here? Oh my God! Are you here to visit your sister?
last updateLast Updated : 2024-03-28
Read more

Chapter 34

Strawberry's POV UNANG inihatid namin si Monday sa condo nito bago kami dumeretso pauwi. Ayaw nitong magpahatid sa kanilang bahay dahil siguradong mag-o-overreact daw ang mga magulang niya kapag nalaman ang nangyari.Tahimik ako sa sasakyan buong byahe. Panay sulyap naman sa akin si Seven. Maya't maya rin ito kung bumuntonghininga na parang may gustong sabihin, pero hindi naman matuloy-tuloy.Pagkarating namin sa mansion ay agad akong umakyat sa itaas. Hindi ko na siya hinintay na makababa muna sa sasakyan para pagbuksan ako.Alam kong nakasunod sa akin si Seven, pero hindi ko siya binigyan pansin. Pagkapasok pa lang namin sa silid ay nagulat na lang ako nang hawakan niya ako sa braso.“Why did you tell her that, Strawberry? Bakit mo sinabing katulong lang kita?”Nagbitiw ako ng mapait na ngiti nang salubungin ko ang mga mata niya. “Bakit? Gusto mo bang sabihin ko na babae mo ako? Na habang malayo siya ay naglalaro ka ng apoy sa iba? Na ako ang tinutukoy niyang basahan?”Doon na nags
last updateLast Updated : 2024-03-29
Read more

Chapter 35

Strawberry's POVPARA akong nasa loob ng isang balon na walang matakbuhan. Walang sasagip, walang magbibigay ng pisi para kapitan.Mula sa mukha ng mga taong nasa akin ang paningin, nabaling kay Seven ang mga mata ko. Nakita ko ang pag-aalala na nakapaskil sa mukha niya. Lalong nanlambot ang mga tuhod ko, lalo akong napahiya.“S-sorry po, sorry po,” mahinang sambit ko. Natatarantang yumuko ako para sana pulutin ang mga basag na plato, pero dahil sa pagkataranta, kusa na lang akong tumalikod at mabilis na tumakbo.Gusto kong umiyak nang makalabas ako ng mansion. Panay ang punas ko sa mga luha ko sa pisngi, pero para itong bukas na gripo.Muling bumalik sa akin ang eksena kung saan magkatabi sina Seven at Monday, at ang narinig na petsa kung kailan sila ikakasal.“Tumigil ka na, please.” Kausap ko sa sarili. Pinatutungkulan ko ang luhang walang sawang pumapatak mula sa mga mata ko.Huminga ako nang malalim dahil pakiramdam ko ay parang kakapusin ako ng hangin. Hindi ko alam na nakasuno
last updateLast Updated : 2024-03-29
Read more
PREV
1
...
141516171819
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status