Strawberry's POVMALAPAD ang ngiti sa labi ko habang sinusukat ang gown sa harap ng salamin. Sabi ni Sir Seven, uuwi siya nang maaga ngayon at magdadala na rin siya ng taong mag-aayos sa akin.Malapad akong ngumiti. Ngayon ko lang mararanasan ang ganito, dumalo sa pangmayamang party, magbihis ng mamahalin at magandang gown, magpaganda. Excited na ako!Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, tapos na akong maligo at hinihintay na lang si Sir Seven sa living area. Ang sabi niya kasi, alas-kuwatro ang labas niya, pero matagal akong naghintay, hindi siya dumating. Muntikan ko na ngang tawagan sa cellphone, mabuti na lang dahil pagsapit ng alas-cinco, dumating na ito."Sir! Kanina ko pa kayo hinihintay. Akala ko, hindi na naman kayo darating. "Malaki ang ngiti sa mga labi ko habang sinasabi ang mga iyon, pero pansin kong tahimik siya at seryoso ang mukha."Bakit, sir, may problema ba kayo?" Marahan niya akong inilingan. "I'm sorry, Strawberry,nagkaayos kami ni Elizabeth, and she wanted to com
Huling Na-update : 2024-03-23 Magbasa pa