TYPHUS:PANAY ang lunok ko na tila pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng babaeng pinakamamahal kong nakaratay sa kama. May mga galos pa rin ito at kitang hindi pa maayos ang kondisyon. Gusto ko sanang mailipat sila sa hospital namin pero tumanggi naman si Isabella. "Um, Typhus, siya ang Nanay Isabelle at Tatay Ian ko. Um. . . Tay, si Typhus po, ang boss ko," ani Isabella na ikinabalik ng ulirat ko."Ahem! Good day po, Sir, I'm Typhus Del Mundo, your daughter's. . . boss," pormal kong pagpapakilala na naglahad ng kamay sa ama nito.Saglit itong napasulyap sa kamay kong nakalahad na halos hindi ko ikahinga. Akmang babawiin ko na ang kamay ko na nahihiya pero inabot nito iyon na mahigpit na hinawakan. "Magandang araw din sa'yo, Sir. Pasensiya na kayo at dito pa tayo nagkakilanlan," magalang saad nitong ikinangiti ko."Wala ho ito, uhm. . . k-kumusta na ho si. . . si Ma'am?" nahihiyang tanong ko na napasulyap sa asawa nito.Napahinga ito ng malalim na hinaplos pa sa ulo a
Huling Na-update : 2024-04-02 Magbasa pa