WARNING MATURED CONTENT! SKIP IF YOU'RE NOT COMFORTABLE READING A BEDSCENE.BHELLE:MASAYA kaming nagsalo-salo sa hapunan kasabay sina Nanay, Tatay at Bettina na nakikipagkulitan na rin kay Tyrone. Kahit simple lang ang pagkaing nakahain sa hapag ay walang pag-aalangan na kumain si Tyrone at nagpaturo pa kung paano magkamay na kumain. May parte sa puso ko na nahihiya sa kanya dahil alam naman naming hindi siya sanay sa gantong simpleng buhay pero kakatuwang magiliw itong nakikisabay at handang yakapin ang simpleng buhay dito sa probinsya kasama ako.Matapos naming maghapunan ay magkatulong pa kami nitong naghugas ng pinagkainan. May poso dito sa labas sa gilid ng bahay at katabi nito ang banyo at palikuran. Kaya naman malaya itong nangungulit at nanghaharot lalo na't madilim na ang paligid na wala ng mga matang nakabantay sa amin. "Sabay na tayong maligo, sweetheart," pilyong bulong nito.Kakatapos lang naming maghugas ng pinggan at ngayo'y nag-iigib kaming dalawa ng tubig na panlig
Last Updated : 2023-12-11 Read more