REGINALD DAEWOON...Pumasok s'ya sa kan'yang kwarto at nakasunod pa rin si Goldy sa kan'ya. Isinarado n'ya agad ang pinto at ni lock iyon ng nasa loob na silang dalawa, bago hinarap ang babae na tahimik lamang sa kan'yang likuran."R-Red," nauutal na tawag nito sa kan'yang pangalan."Talk! I want an honest answer Goldy and don't give me a bullshit one," matigas na turan n'ya rito. Hindi n'ya naman kayang magalit dito ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan n'yang maging firm sa babae para masagot na ang lahat ng mga katanongan sa kan'yang isip."R-Red I'm sorry, I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo na may anak na ako," mahinang sabi nito sa kan'ya. Halos pabulong na ang pagkakasabi ni Goldy sa kan'ya ngunit malinaw n'ya pa rin na naririnig.Hindi iyan ang gusto n'yang marinig mula sa babae dahil sa totoo lang ay wala naman s'yang pakialam kung may anak na ito o virgin pa. It doesn't matter to him dahil mahal n'ya ang babae at hindi basehan ang kung ano mang karanasan nito sa ibang lal
Read more