REGINALD DAEWOON..."Damn! After how many years ngayon na naman tayo ulit nakapag exercise ng ganito," sabi ni Nicollai at tuwang-tuwa na kinasa ang baril na hawak."Putang'ina ka Nicollai, huwag mong ikasa yang baril mo at baka makalabit mo ang gatilyo!" singhal ni Spike sa kaibigan nila na parang timang at walang alam sa ginagawa."Gago! Tanga ang pota!" dagdag na mura ni Ashton at masama ang tingin na pinukol si Nicollai at nakangisi lang sa kanilang mga kaibigan."Ano ang pag-aakala mo sa akin Spike? Hindi alam kung paano humawak ng baril? Gusto mo bang sampolan kita?" nakangising sagot ni Nicollai kay Spike."Gago! Tatadyakan kita d'yan eh! Umayos kang gago ka!" inis na singhal ji Spike kay Nicollai. Nagkagulo na sila sa sinasakyan na van dahil sa kalokohan ni Nicollai. Dati s'ya ang madalas na gumagawa ng ganito sa mga kaibigan ngunit sa sitwasyon n'ya ngayon kahit ang pagngiti ay parang hindi n'ya magawa. Nag-aalala s'ya sa kalagayan ng kan'yang ina sa mga kamay ng kumuha dito.
REGINALD DAEWOON..."We use our helicopter para mas mapadali ang pagdating natin sa lugar," suhestyon ni Drake matapos makumpirma ni Braxx at Cassidy na nasa lokasyon ng tumawag sa kan'ya na may hawak sa kan'yang ina.Mas mapadali ang kanilang byahe kung helicopter ang gagamitin nila at hindi pa sila pagod sa byahe kaya naman ay hindi na sila umalma sa gusto ni Drake.Na hack ng dalawang bata ang cctv and its confirmed na nandoon nga ang mommy n'ya. Nasa tagong lugar ang kinaroroonan nito at nakatago ito sa isang chinese garden sa harapan ngunit sa likod nito ay kota ng mga masasamang nilalang. May nakita ding basement ang dalawang bata kung saan ay may malaking factory ng mga droga. Sa tinagal-tagal n'ya sa serbisyo bilang isang agent ay hindi nakarating sa kanila ang ganitong klase ng lugar. Naniniwala s'ya na maraming connection ang tao sa likod ng factory ng mga droga na natuklasan ng dalawang bata.At may hinala na s'ya sa mga ganitong pangyayari. Talamak na talaga ang mga ga
REGINALD DAEWOON...Sumakay sila sa van patungo sa lugar kung nasaan ang kan'yang ina. Naka konekta pa rin si Braxx sa kan'ya at ito ang nagbibigay ng instruction sa kanila kung saan sila liliko. Malaki ang tulong na naiambag ni Braxx sa kanilang lakad lalo na sa pagligtas sa lola nito.He is a proud dad of Braxx at ngayon pa lang ay nakikita n'ya na ang magiging future nito. Alam n'ya na mas magiging magaling ang anak kaysa sa kan'ya paglaki nito. At alam n'ya din na ito ang susunod sa yapak n'ya at baka mas masahol pa ito sa kan'ya. Nakikita n'ya na magiging magaling na leader ito at hindi n'ya maitatanggi sa kan'yang sarili na sa kanilang angkan ay sa kan'ya manggagaling ang susunod na successor ng kanilang pamilya.Nag-iisang anak lang din s'ya at kung maibabalik n'ya man ng buhay at ligtas ang kapatid na si Laurice ay may choice ito kung tatanggapin ang posisyon o ibibigay na lang sa iba. Pero sigurado s'ya na si Braxx ang susunod na magiging successor pagdating ng tamang oras."
REGINALD DAEWOON..."Holy shit! What was that?" pabulong na tanong ni Ashton sa kan'ya."Shut up Morgan! Alam mo na ngang sibat yong lumipad nagtanong ka pang gago ka!" paanas na singhal ni Sebastian kay Ashton.Igting ang mga panga na nilapitan n'ya ang sibat na bumaon sa isang puno at binunot iyon. Sinipat n'ya ang bakal na sibat mula sa puno hanggang sa dulo ang naturang blade at nakita n'ya na may nakaukit na kataga sa dulo nito. Para itong palantandaan ng may-ari na kahit abutin sa malayo ang paglipad nito ay makikilala agad nito ang pag-aari kapag nakita ang naturang sibat.Tiningnan n'ya ng maigi at binasa ang nakaukit na kataga at ganon na lang ang pagkagulat n'ya ng mabasa iyon."Halimuyak!" mahinang basa n'ya at wala sa sarili na naikuyom ang mga kamao. Isang tao lang na nagngangalang halimuyak ang kilala n'ya. Inulit n'ya ang pagtingin sa salita na nakaukit dahil baka nagkamali lang s'ya ngunit hindi. Tama ang pagkabasa n'ya at totoong "Halimuyak" ang nakaukit na pangalan sa
REGINALD DAEWOON....Matagumpay silang nakapasok sa loob ng walang nakakapansin sa kanila ngunit maingat pa rin sila at kumikilos ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay. Mabuti na lang at lahat silang magkakaibigan ay may ganitong kakayahan.Kikilos ng hindi napapansin ng mga kalaban na nakapasok na pala sa mga balwarte ng mga ito. Malaki ang utang na loob n'ya sa mga kaibigan lalo na kay Drake na s'yang palaging nangunguna sa pag responde sa lahat ng mga problema ng bawat isa.Nakapasok na sila sa loob ng wala pa ring nakakapansin sa kanila. Ngunit nagulat sila ng bigla na lamang umalingawngaw sa labas ang mga putokan ng baril at sigurado s'ya na namataan na ng mga kalaban ang pagpasok ng grupo nila ni Tobias sa loob ng compound."Shit! Nakita na yata sila," si Ashton na agad na kinasa ang baril para maghanda sa mga kalaban na bigla na lamang susulpot. S'ya din ay inihanda na ang sarili sa madugong labanan na magaganap ngayon."Red hanapin mo ang mommy mo, kami na ang bahala dito
REGINALD DAEWOON...Pagkatapos n'yang makipag-usap kay Braxx ay sumugod na s'ya sa loob. At tama ang kan'yang anak. Nakaabang na ang mga kalaban sa pagbukas ng pinto at agad na pinaulanan s'ya ng mga bala mula sa M16 na hawak ng mga ito.Mabilis s'yang nagtago sa isang pader habang ang mga kalaban ay nagpapaulan pa rin ng bala. Hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang mga manliligaw ni Goldy at dahil doon ay mas lalo pang nadagdagan ang galit n'ya.Kaya para mailabas ang lahat ng iyon ay walang takot n'yang hinarap ang mga kalaban at gamit ang kan'yang laser tech ring ay inisa-isa n'yang pinadaanan ng laser light na kulay pula ang mga katawan ng mga ito na agad na ikinabuglagta sa sahig dahil sa pagka paralyzed ng mga ugat sa katawan at maya-maya pa ay nag-umpisa ng maagnas ang mga katawan hanggang sa buto na lang ang natira.Nakakadiri sa totoo lang at napaka brutal ng pagkamatay ng mga ito ngunit wala s'yang choice dahil kailangan n'yang mabuhay para mailigtas ang kan'yang mommy.Nang
REGINALD DAEWOON...Wala s'yang sagot na nakuha mula sa pagtawag sa ina kaya inulit n'ya iyon ng ilang beses habang maingat na naglalakad patungo sa kabilang bahagi. Malakas ang pakiramdam n'ya na nandito sa lugar na ito ang kan'yang mommy.Puno ng matataas na mga shelf at mga boxes ang buong lugar kaya hindi n'ya masyadong makita ang sa kabilang dako kung may tao o wala."Mom!" tawag n'ya ulit sa ina at sa pagkakataong ito ay may narinig s'yang ungol mula sa kung saan."Shit! Mom!" pag-uulit n'ya sa pagtawag sa ina at isang ungol ulit ang narinig n'ya kaya mas lalong lumakas ang kan'yang pakiramdam na nasa loob ng lugar na ito ang kan'yang mommy.Malalaki ang kan'yang mga hakbang na tinungo ang dulo ng daan na tinatahak n'ya ngunit ng malapit na s'ya sa dulo ay sunod-sunod na bala ang lumipad sa ere at ang isa ay naligaw at tumama sa kan'yang balikat."Fvck! Damn it!" malutong na mura n'ya ng maramdaman ang hapdi dulot ng pagbaon ng bala sa kan'yang balat. Nagtago s'ya sa likuran ng
REGINALD DAEWOON..."Fvck you! Huwag kang mamatay na gago ka dahil marami ka pang misyon sa lupa. Huwag ka munang umakyat kay san Pedro dahil pababalikin ka pa rin n'ya dito!" singhal ng babae sa kan'ya habang nakikipag palitan ng putok sa lalaki kanina. Palapit ito sa kan'ya habang nakikipagbarilan at sa nanlalabong mga mata ay nakita n'ya itong may hawak na parang injection sa isang kamay at ng makalapit ito sa kan'yang kinaroroonan ay walang paalam na itinarak nito ang karayom sa kan'yang hita."Fvck! A-Ano yan?" nanghihina na tanong n'ya sa babae."It's an antidote para sa lason na nasa katawan mo. Makakatulong yan sa katawan mo lalo na sa mga parti na na paralyzed dahil sa lason. C'mon Red, get up and help yourself. Ako na ang bahala sa gagong iyon at sa mommy mo," pasigaw na utos nito sa kan'ya habang hawak ang baril at hindi tumitigil sa pagpapaputok sa lalaking kalaban kahit pa nakikipag-usap sa kan'ya."W-Why are you helping me?" nanghihina na tanong n'ya rito."Gago! Mamaya
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento