REGINALD DAEWOON...Pagkatapos n'yang makipag-usap kay Braxx ay sumugod na s'ya sa loob. At tama ang kan'yang anak. Nakaabang na ang mga kalaban sa pagbukas ng pinto at agad na pinaulanan s'ya ng mga bala mula sa M16 na hawak ng mga ito.Mabilis s'yang nagtago sa isang pader habang ang mga kalaban ay nagpapaulan pa rin ng bala. Hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang mga manliligaw ni Goldy at dahil doon ay mas lalo pang nadagdagan ang galit n'ya.Kaya para mailabas ang lahat ng iyon ay walang takot n'yang hinarap ang mga kalaban at gamit ang kan'yang laser tech ring ay inisa-isa n'yang pinadaanan ng laser light na kulay pula ang mga katawan ng mga ito na agad na ikinabuglagta sa sahig dahil sa pagka paralyzed ng mga ugat sa katawan at maya-maya pa ay nag-umpisa ng maagnas ang mga katawan hanggang sa buto na lang ang natira.Nakakadiri sa totoo lang at napaka brutal ng pagkamatay ng mga ito ngunit wala s'yang choice dahil kailangan n'yang mabuhay para mailigtas ang kan'yang mommy.Nang
REGINALD DAEWOON...Wala s'yang sagot na nakuha mula sa pagtawag sa ina kaya inulit n'ya iyon ng ilang beses habang maingat na naglalakad patungo sa kabilang bahagi. Malakas ang pakiramdam n'ya na nandito sa lugar na ito ang kan'yang mommy.Puno ng matataas na mga shelf at mga boxes ang buong lugar kaya hindi n'ya masyadong makita ang sa kabilang dako kung may tao o wala."Mom!" tawag n'ya ulit sa ina at sa pagkakataong ito ay may narinig s'yang ungol mula sa kung saan."Shit! Mom!" pag-uulit n'ya sa pagtawag sa ina at isang ungol ulit ang narinig n'ya kaya mas lalong lumakas ang kan'yang pakiramdam na nasa loob ng lugar na ito ang kan'yang mommy.Malalaki ang kan'yang mga hakbang na tinungo ang dulo ng daan na tinatahak n'ya ngunit ng malapit na s'ya sa dulo ay sunod-sunod na bala ang lumipad sa ere at ang isa ay naligaw at tumama sa kan'yang balikat."Fvck! Damn it!" malutong na mura n'ya ng maramdaman ang hapdi dulot ng pagbaon ng bala sa kan'yang balat. Nagtago s'ya sa likuran ng
REGINALD DAEWOON..."Fvck you! Huwag kang mamatay na gago ka dahil marami ka pang misyon sa lupa. Huwag ka munang umakyat kay san Pedro dahil pababalikin ka pa rin n'ya dito!" singhal ng babae sa kan'ya habang nakikipag palitan ng putok sa lalaki kanina. Palapit ito sa kan'ya habang nakikipagbarilan at sa nanlalabong mga mata ay nakita n'ya itong may hawak na parang injection sa isang kamay at ng makalapit ito sa kan'yang kinaroroonan ay walang paalam na itinarak nito ang karayom sa kan'yang hita."Fvck! A-Ano yan?" nanghihina na tanong n'ya sa babae."It's an antidote para sa lason na nasa katawan mo. Makakatulong yan sa katawan mo lalo na sa mga parti na na paralyzed dahil sa lason. C'mon Red, get up and help yourself. Ako na ang bahala sa gagong iyon at sa mommy mo," pasigaw na utos nito sa kan'ya habang hawak ang baril at hindi tumitigil sa pagpapaputok sa lalaking kalaban kahit pa nakikipag-usap sa kan'ya."W-Why are you helping me?" nanghihina na tanong n'ya rito."Gago! Mamaya
REGINALD DAEWOON..."Hmmmmm," napangiwi na ungol n'ya habang dahan-dahan na iminulat ang kan'yang mga mata. Bumungad sa kan'ya ang purong puti na silid ay nagtataka s'ya kung nasaan s'ya ngayon. Hindi ito ang kwarto n'ya at alam n'ya na nasa ibang lugar s'ya naroon."Fvck!" mura n'ya ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Dahan-dahan n'yang inilibot ulit ang tingin sa paligid at napanganga s'ya ng mapagtanto kung nasaan s'ya. Nasa basement s'ya ng bahay nila sa Belgium kung saan ay may malaking pagamotan at para na ring hospital dahil sa sobrang laki nito na s'yang ginagamit na pagamotan ng kanilang buong angkan at mga taohan."Argghhhhh! Bakit ako nandito? Fvck! Ang anak ko," igting ang mga panga na sabi n'ya sa sarili ng maalala si Braxx na naiwan sa kan'yang bahay sa Pilipinas. Kahit na sabihin na nandoon ang mommy nito ay hindi pa rin s'ya mapapanatag na maiwan ang dalawa na sila lang."Damn it! I need to go home!" may diin na sabi n'ya at dahan-dahan na bumangon. Hindi pa s'ya nan
SOMEONE'S POV..."Stupid! Idiot!" nangangalaiti sa galit ang isang matanda habang nakaupo ito sa kan'yang swivel chair. Sa kan'yang harapan ay nakatayo ang kan'yang mga taohan na inutosan n'yang patayin si Reginald Daewoon Cole.Ilang beses n'ya ng pinagtangkaan ang buhay ng naturang agent ngunit palagi na lang itong swerte sa buhay dahil hindi n'ya ito mapatay-patay. Napakadulas ng lalaki at pakiramdam n'ya ay may pumoprotekta dito dahil kahit anong gawin n'ya ay hindi n'ya pa rin ito matyempohan hanggang ngayon.Akala n'ya dahil pina kidnapped n'ya ang ina ito at ginamit laban sa lalaki ay magagawa n'ya na ang matagal n'ya ng gustong gawin kay Red ngunit swerte pa rin ito dahil may biglang dumating para tulongan ang lalaki.Nangangalaiti ito sa galit lalo na ng maisip ang ina ni Reginald Daewoon Cole na s'yang pumatay sa pamangkin nito na naatasan para patayin ang lalaki. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang ina ng hayop na yon na kahit may edad na at hindi na ganon kalak
REGINALD DAEWOON..."I need to go home mom! Naiwan ko ang mag-ina ko sa Pilipinas. I need to keep them safe lalo na ngayon na sobrang gulo ng lahat," paalam n'ya sa kan'yang ina pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga.Nag-aalala na s'ya sa kan'yang mag-ina na baka madamay ang mga ito sa gulo na kinakaharap n'ya ngayon.Ayon kay Tobias at Michelle ay hindi pa s'ya ganon kagaling at kailangan n'ya pa ng pahinga. Kailangan n'ya din ng detoxification sa katawan para mawala ang mga natitirang lason sa kan'yang dugo.Masyadong matapang ang lason na nasa bala na bumaon sa kan'yang katawan at ang epekto nito ay hindi basta-basta nawawala. It takes time ngunit makukuha naman sa gamot na binigay sa kan'ya ng mga kaibigan."Red, hindi ka pa masyadong magaling at isa pa nandoon naman ang mga kaibigan mo. Hindi nila pababayaan ang mag-ina mo. At kung gusto mo talaga silang makasama, I will ask Drake to pick your family and send them here," sagot ng ina sa kan'ya ngunit umiling s'ya bilang tugon.
REGINALD DAEWOON...Matapos makapag paalam sa kan'yang mga magulang ay agad s'yang nagpahatid sa airport para umuwi ng Pilipinas. Bago s'ya umalis ay sinigurado muna ng mga ito na maayos na talaga ang kan'yang pakiramdam at kaya n'ya na ang magbyahe. Sa totoo lang ay nakaramdam pa rin s'ya ng panghihina ng katawan ngunit hindi n'ya na iniinda iyon dahil ang mahalaga sa kan'ya ay ang makita at makasama ang kan'yang mag-ina. Ilang araw pa lang s'yang nawalay sa mga ito ngunit pakiramdam n'ya ay sobrang tagal n'ya ng hindi nakikita ang dalawa. Iba pala talaga ang pakiramdam kung alam mo na may naghihintay sa pag-uwi mo. Ngunit sa kan'yang pag-uwi ay dala n'ya ang maraming iniisip tungkol sa totoong pagkatao ng kan'yang ina. Hindi sinabi ng kan'yang daddy ang gusto n'yang malaman kanina dahil hindi pa daw ito ang tamang oras para sa lahat.Hindi na din s'ya nagpumilit pa dahil nakikita n'ya sa ama na seryoso ito na hindi sasabihin sa kan'ya ang lahat. Hihintayin n'ya na lang ang taman
REGINALD DAEWOON...Nang makuntento sa pagtingin sa babae habang nagluluto ito ay lumapit s'ya rito at agad na ipinulupot ang mga braso sa bewang nito at idinantay ang baba sa balikat ni Goldy.He can smell the aroma of the dish she is cooking at humalo ito sa natural na amoy ni Goldy kaya hindi n'ya napigilan ang kan'yang sarili na idikit ang kan'yang ilong sa maputing leeg nito at inamoy ang parti ng katawan na iyon ng babae."R-Red, stop it! Malapit na tong maluto, makakakain ka na, hmmm!" saway sa kan'ya ni Goldy ngunit hindi s'ya nakinig dito."I'm hungry pero iba ang gusto kong kainin babe," nang-aakit na sagot n'ya sa dalaga habang inaamoy ang balat sa leeg nito. Hindi n'ya rin napigilan na ilabas ang kan'yang dila at dilaan ang leeg ni Goldy causing his woman to moan na lihim n'yang ikinangisi.Gusto n'ya pa sana itong landiin ngunit inawat s'ya nito at pinatigil sa ginagawa. Wala s'yang nagawa kundi ang sundin ang gusto ni Goldy dahil baka mabatokan s'ya nito kapag nagpumilit
REGINALD DAEWOON... "Whooohhhh! That was awesome!" bulalas ng halos karamihan ng makabawi sa pagkagulat. "More! More! More!" sigaw naman ng iba na parang natutuwa sa nakikitang laban ng dalawa. Matandang babae na nakatungkod at isang malakas, malaki ang katawan, bata at mayabang na lalaki ang kalaban. Sino ang hindi ma excite lalo na ng makita ng lahat ang duguan at namamaga na mukha ng lalaki habang ang hinamon nitong matanda ay hindi man lang nahahawakan ng kalaban. "Fvck!" malutong na mura n'ya ng biglang sumugod ang lalaki kay Black Lily. Ngunit ang inakala n'ya na madadali na ito ng lalaki ay hindi nangyari. Kung bibilangin n'ya ay tatlong hakbang lang paatras ang ginawa ni Black Lily para mailagan ang ataki ng lalaki. Ngunit hindi nito binigyan ng pagkakataon na makabawi ang kalaban. Hindi pa ito nakakabalik sa maayos na posisyon ay bumagsak ulit ito sa sahig dahil sa paghataw ng matanda ng hawak na baston sa maselan na parti ng katawan nito. Makikita na hindi naman kalakas
REGINALD DAEWOON... Naghiyawan ang lahat ng e-anunsyo ni Cassandra ang nakagawiang duel sa mga bagong opisyal na myembro ng underworld. Kung gaano kalakas ang hiyawan ng lahat ay ganon naman ang pagkalabog ng kan'yang puso dahil sa sobrang kaba. Hindi n'ya alam kung bakit ganito ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Kinakabahan s'ya na hindi mawari. Siguro ay dahil napakatanda na nito para sumubok pa sa dwelo. Rules sa underworld na ang lahat ng bagohan na pillar ay kailangan na sasabak sa dwelo para malaman ang kakayahan ng mga ito. Kung makitaan ba ito ng kakayahan na protektahan ang underworld kung sakaling may gustong sumira at magpabagsak dito. Kung kaya ba nitong protektahan at ilaban ang underworld against the enemy. Kailangan na malakas at marunong makipaglaban ang lahat ng nasa taas. At para malaman ito ng lahat ay kailangan na makikipag dwelo ang bagong opisyal at ito ang pinakamahalagang pangyayari sa pagtitipon na iyon. "Whooooohhh! No offense pero kaya mo pa
REGINALD DAEWOON...Nasa underworld sila ng araw na iyon. Kasama ang kan'yang mga kaibigan at mga asawa nito ngunit hindi sila nag-uusap. Kapag nasa underworld sila ay parang hindi sila magkakilala at nag-uusap lang sila gamit ang kanilang mga mata.Kanina pa s'ya hindi mapakali sa kan'yang kinauupoan sa paghihintay kay Black Lily na ipakilala. Ngayong araw ipapakilala sa lahat ang mga bagong pillar ng underworld kaya halos lahat ng myembro ay nasa underworld.Lahat ng mga malalaking tao ay nandoon kaya sobrang higpit ng seguridad ng bawat isa. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga nakakaharap mo sa lugar na ito dahil bawat isa ay may mga lihim na agenda.Nakatayo s'ya sa sulok habang may hawak na isang baso ng whiskey na kinuha n'ya sa mga waiter na naglilibot para magbigay ng mga inumin. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin sa paligid para magmanman.Namataan n'ya ang ibang kaibigan na kan'ya-kan'ya ng pwesto sa mga sulok ng lugar. Hindi pa nagsisimula ang assembly at hindi pa rin lumalaba
REGINALD DAEWOON... Dalawang linggo na ang nakalipas ng matapos silang mag-usap ni Goldy. Marami s'yang gustong malaman tungkol sa kan'yang ina at gusto n'ya itong tawagan ngunit naisip n'ya ang sinabi ng kan'yang daddy sa kan'ya noon. Pagdating ng tamang oras ay sasabihin ng mga ito sa kan'ya ang lahat. Marami din s'yang iniisip na iba sa ngayon kaya ipinagpaliban n'ya na lang muna ito. Naalala n'ya din na kailangan n'ya pa palang hanapin si Laurice. Naunsyami na ang paghahanap n'ya sa kan'yang kapatid dahil sa sunod-sunod at hindi inaasahang pangyayari sa kan'yang buhay. Pero kahit ganon ay hindi n'ya naman kinakalimutan ang kan'yang paghahanap dito kahit ilang dekada na ang dumaan sa kan'yang paghahanap. Hindi pa rin s'ya nawawalan ng pag-asa at malakas ang kan'yang paniniwala na buhay pa ito. Nagpatong-patong na ang kan'yang mga kailangan gawin at mga iniisip at kailangan n'ya ng magbawas para naman gumagaan-gaan naman ang kan'yang trabaho. Nagmamaneho s'ya patungo sa secre
REGINALD DAEWOON... "What is our plan now?" tanong n'ya kay Goldy habang nagmamaneho sila pauwi. Matapos ang mahabang pag-uusap nila ay mas pinili n'yang intindihin ito kaysa magalit sa dalaga. Dahil kung tutuusin ay mas malaki ang sinakripisyo ni Goldy kaysa sa kan'ya kaya wala s'yang karapatan na magalit dito. Naipaliwanag na nito ang side nito at kahit alam n'ya na marami pang mga bagay na tinatago si Goldy sa kan'ya ay ipinagwalang bahala n'ya na lang muna ito. Katulad sa nangyari ngayon kapag dumating ang araw na magsasabi na ito sa kan'ya ay pipiliin n'ya pa rin na intindihin ito kaysa magalit sa kasintahan. Siguro ay ganon lang katindi ang pagmamahal n'ya kay Goldy kaya nasasapawan ng pagmamahal ang mga tampo n'ya sa dalaga. Tunay nga ang kasabihan na love works in mysterious ways at isa na s'ya sa nakaranas ng ganon. Kahit ano pa ang tampo, galit at inis n'ya ngunit nasasapawan lang ito palagi ng pagmamahal n'ya kay Goldy. Pero kahit ganon ay wala s'yang kahit na katiting
REGINALD DAEWOON... "I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na paghingi n'ya ng tawad sa kasintahan habang pareho nilang sapo ang kani-kanilang pisngi at pareho din na umiiyak. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad Red! Desisyon ko ang lahat at ako ang dapat na humingi ng tawad sayo. Sa pagtago ko kay Braxx mula sayo at sa paglayo ko sa anak natin. Soon, you will understand why I did all of those. Basta ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang anak natin at mailayo sa kapahamakan," sagot ng kasintahan sa kan'ya. Sunod-sunod s'yang tumango dito at mas sinapo pa ng mahigpit ang pisngi ng dalaga. Inilapit n'ya din ang kan'yang sarili para halikan si Goldy sa noo. Mariin itong napapikit ng dumampi sa noo nito ang kan'yang labi. "I love you! Mahal na mahal kita babe," puno ng pagmamahal na sabi n'ya sa kasintahan habang sapo pa rin ang pisngi nito. Alam n'ya sa kan'yang sarili na mahal n'ya si Goldy at totoo ang kan'yang nararamdaman dito. "Mahal na mahal din kita Red! Kayong dalawa ng an
REGINALD DAEWOON..."Fine! Kung ayaw mong sabihin sa akin ang totoo ay ayos lang basta sa susunod na may malalaman pa ako tungkol sayo ay hindi ko maipapangako kung magiging maayos pa rin tayo. I just want you to be honest with me Goldy dahil ganon din ako sayo. Wala akong inilihim at alam mo ang lahat sa akin," matigas na sabi n'ya rito ng hindi ito sumagot sa mga tanong n'ya.Parang may kung anong pumipigil dito na hindi masabi sa kan'ya ang totoo.Nakamata lamang ito sa kan'ya at hindi nagsasalita kaya wala s'yang nagawa kundi ang bumuga ng hangin para alisin ang bigat na nararamdaman sa kan'yang puso. Sa hitsura ng kasintahan ngayon ay malabong mapakwento n'ya ito ng gusto n'yang malaman.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid hanggang sa magawi ang kan'yang tingin sa isang mesa sa sulok kung saan ay may iba't-ibang prosthetic mask na nakapatong. Dali-dali s'yang lumapit dito at isa-isa itong tiningnan ngunit wala sa mga ito ang kan'yang hinahanap."That's Liam's project," narinig n
REGINALD DAEWOON..."I'm sorry, Red," mababa ang boses na paghingi ni Goldy ng paumanhin sa kan'ya. Walang kahit isa sa kan'yang mga tanong ang sinagot ng babae. Napailing s'ya habang mapait na ngumiti dito.Umasa s'ya na sasagutin nito ang kan'yang pakiusap para maayos n'ya ang lahat at makapamuhay na sila ng maayos at tahimik na tatlo ng anak nila ngunit bigo s'ya sa may makuhang sagot mula rito."How can we fix this kung ayaw mong magsalita, Goldy?" puno ng hinanakit na tanong n'ya sa kasintahan. Nagbuga ito ng hangin ngunit hindi pa rin nagsalita. Wala s'yang magawa kung ayaw nitong ibuka ang mga labi para sabihin sa kan'ya ang lahat.Walang mangyayari kung pipilitin n'ya ito. Mas lalo lang magulo ang lahat at mag-aaway lang sila. Mahal n'ya ito at nasaktan s'ya ng malaman ang paglilihim nito sa kan'ya ngunit hindi kabawasan iyon sa kan'yang pagmamahal sa babae.S'ya na lang ang gagawa ng paraan para malaman ang lahat dahil kung hihintayin n'ya ito ay baka abutin na sila ng syam-s
REGINALD DAEWOON..."Ikaw? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong n'ya sa babae ng makabawi mula sa pagkagulat. Hindi n'ya inaasahan ang biglang pagsulpot nito sa lugar kung saan s'ya dinala ni Goldy."This is my house, remember? Dito mo ako sinundan noon," nakataas ang kilay na sagot nito sa kan'ya. Napasapo s'ya sa kan'yang ulo ng marinig ang sagot nito. Hindi ito nagsisinungaling, dito n'ya ito sinundan noon at dito n'ya rin ito naabutan."Got your tongue cut, Red?" tanong ng babae sa kan'ya ng hindi s'ya nakapagsalita na agad n'ya namang ikinatingin dito. Ibang-iba ang tono nito at hindi s'ya pwedeng magkamali.Naririnig n'ya sa babae ang boses ni Goldy ng mga oras na iyon. Mariin n'ya itong pinakatitigan at sinusundan ang bawat galaw ng eyeballs nito at ng labi para malaman ang totoo. At sa bawat galaw ng labi nito at galaw ng mga mata ay may napagtanto s'ya sa kan'yang sarili ngunit gusto n'yang siguraduhin kung tama ang kan'yang hinala.At ng hindi pa s'ya makuntento