CHAPTER 23⚠️Mature scene ahead⚠️"Alexa! Hoy, gumising ka!""Ano na naman ba Kyla?" reklamo niya."Breakfast na tayo!""Mauna kana!""Aba! Bakit ba mukhang puyat na puyat ka? Hindi ka naman naglasing? Hindi ka naman gumimik mag-isa? Siguro, sa kakaisip ng halik ni Edrick no? Alexandra ha!"Naitakip niya ang unan sa tenga dahil sa ingay ng kanyang pinsan. Wala siyang magagawa kundi ang hayaan na lang itong pumutak ng pumutak.Pero tama ito, napuyat nga siya kakaisip sa lalaki. Hindi niya kasi alam kung ano ang gagawin niya, kung hahayaan niya na lang bang mahalin niya ito o pipigilan niya na naman ang nararamdaman.Natatakot siya na baka kung saan naman umabot ito. Na baka sa bandang huli ay siya naman ang talunan. Besides, hindi niya pa rin naman nakakalimutan ang kanyang prinsipyo pagdating sa mga gwapong lalaki."Kapag hindi ka pa diyan bumangon, tatawagan ko si Edrick at sasabihin kong pumarito dahil may sakit ka. Kailangan mo ng mag-aalaga."Sige, tawagan mo. Akala mo naman matat
Magbasa pa