All Chapters of The Sleeping Vampire Princess Series #1: Chapter 41 - Chapter 50

79 Chapters

Chapter 41. Max's death!

Madaling araw na nang bumalik si Clark at Arjoe habang hila-hila ng una ang magulong buhok ni Max. Umaangil ito at pilit na pumapalag ngunit hindi man lang makawala sa mahigpit na pagkakahawak ng kambal niya rito. Nang itulak nito ang babae sa may paanan niya ay rinig niya ang pagtama ng tuhod at noo nito sa sahig. Sabi na nga ba niya na sa dalawa ay ito ang unang mahuhuli nila. Hindi ito magaling magtago para protektahan ang sarili.She icily looked down at the woman who was still growling. She narrowed her eyes and watch her crawled. At bago pa itong mag-angat ng mukha ay malakas na sinipa niya ang mukha nito dahilan para bumulugta na naman ito sa sahig.“Nakita namin siya na nagtatago sa ibaba ng falls,” wika ni Clark at naupo sa armrest ng sofa, “hiding there like a rat!” dugtong nito.“Gusto niyang tumakbo para takasan kami pero sino ba kami? Ah… right! We treated her like a hopping rabbit before we catch her,” nakangising pagkukuwento ni Arjoe. “But she's not fun to play with. A
last updateLast Updated : 2024-01-12
Read more

Chapter 42. Catch me!

Wala pa ring bumabalik sa magulang ni Arjoe at sa mga kuya niya kahit nang lumiwanag na sa labas. Ngunit hindi man lang sila nakaramdam ng pangamba na baka may nangyari na sa kanila. Hindi sila naging prinsipe ng Havilland kung agad silang mapapatumba ni Dante. Their bloodline cannot be underestimated. Their father was the King and their mother was an elves who's protecting the Havilland. Katulad ng Alta Tiero na nasa mundo ng mga tao ngunit dahil sa spell ng kaniyang ina ay hindi agad ito makikita ng iba. Isa rin ito sa dahilan kung bakit malamig at hindi nasisikatan ng araw ang isla.Kaya nga kahit na lumipas na ang libong taon ay hindi pa rin nagagawang talunin ng mga Colle ang pamilya nila. The Colle clan has been their family's rival. From the beginning they wanted to covet Havilland. They sought to be the ruler, not only of the mystical world of Havilland but also the world of mortals. Matagal na nila itong inaasam at pinagpaplanuhan pero hindi sila nagtatagumpay. Namuhay noon n
last updateLast Updated : 2024-01-14
Read more

Chapter 43

“Sino ang mag-aakalang siya pa ang susugod dito sa villa,” ani Diego pagkatapos na i-seal ang ulo ni Dante sa box. Ang katawan ng lalaki ay kanina pa nila sinunog at naging abo. Ang ulo naman nito ay iuuwi nila ng pilipinas bago nila ito ipapadala kay Fenrir. “Maybe he wants to prove something to his father but he's powerless.”“He's not even my match,” naka-cross arms na sabi ni Selena. “Pero magaling din siyang magtago. Ni hindi niyo siya nahanap sa palibot ng buong bundok na ‘to.”“Sa pagtago lang naman pero sa actual combat ay wala siyang binatbat.” Ngumisi si Arjoe pagkatapos at binitbit na ang box. Ngayon ang balik nila ng pilipinas dahil hindi sila puwedeng magtagal dito. Isa pa ay halos tatlong araw din na absent sila sa school. Hindi naman ibig sabihin na dahil sila ang may-ari ng unibersidad ay aabusuhin na nila ang ito. Hindi naman yata ito tama at baka sabihin nilang masyado silang mayabang.“Babalik kami ng Havilland at gigisingin ang inyong magulang. Ibabalita namin na h
last updateLast Updated : 2024-01-15
Read more

Chapter 44

Nakatanaw si Selena sa bintana at malalim ang iniisip. Pinapakiramdaman niya ang koneksyon nila ni Elmhurst. Dalawang araw na niya itong ginagawa at so far naman ay kalmado pa rin ang lahat. Wala siyang maramdaman na mali kaya palagay ang kaniyang loob. Pero magkaganun pa man ay hindi pa rin siya naging panatag. Gusto niyang puntahan ito para makita kung maayos ba ang kalagayan ng pamilya nito. Miss pa niya ang binata at ito talaga ang gusto niyang puntahan para makasama.Nasanay siya na palaging magkasama sila kaya nababahala siya na malayo ito sa kaniya. Lalo pa at hindi man lang ito tumawag simula noong umuwi ito. Kung wala ang koneksyon nilang dalawa ay hindi na talaga siya mapapakali. She will worry to death.Naputol ang pagmumuni-muni niya nang makarinig siya ng katok sa labas ng gate. Umarko ang kilay niya dahil sa amoy ng taong kumakatok ang alam na niyang bagong salta ito ng isla. Tumalon siya mula sa bintana bago naglakad palapit sa gate at binuksan iyon. Umarko agad ang kil
last updateLast Updated : 2024-01-16
Read more

Chapter 45

Pagkadala nila kay Elmhurst sa hospital ay dumating ang mga kapatid niya. Sinabi rin nila na ibinalita nila sa magulang nito ang nangyari sa binata at parating na rin ang ama nito. Hindi raw kasi makapunta ang ina nito dahil naka-cast pa ang paa nito na nakuha nito sa aksidente.Hindi siya kinabahan o natakot na maghaharap sila ama nito. Mas gusto pa nga niya dahil gusto niyang marinig ang sasabihin nito. Her brother can't see her future but Arlon saw some parts of his past. Masyadong strikto ang ama nito at sa isang mali lamang ng binata ay nagagalit ito. At dahil pa sa isang babae kaya pinaaral nito ang binata sa Alta Tiero. At kung maghaharap man sila ngayon at magpapakita ito ng hindi maganda ay hindi siya nangingiming ilayo si Elmhurst sa pamilya nito.Tinignan niya ang binata na nakahiga sa kama. Pagkadating nila rito kanina ay inasikaso agad ito ng doctor. Maganda lahat ang vital signs nito at wala silang makitang mali sa katawan nito. Nang tanungin sila kung bakit nawalan ito
last updateLast Updated : 2024-01-17
Read more

Chapter 46

Elmhurst was tied up in a stone bed at the basement of the menowa mansion. He's still unconscious but any minute and he'll wake up. May nakasaksak na dugo rin sa binata na nanggaling din sa kaniya. It will help him relieve the pain he's feeling right now. Paulit-ulit na naririnig nila ang pag-crack ng mga buto nito at muling umaayos. It was as if he was being rebirth again and again. Nagbabago na rin ang kulay ng balat nito.Natural na ang pagiging maputi ng binata pero sa oras na ito ay nagiging maputla na ito. His features became distinct. At mas tumangkad pa ito ng ilang centimeters.“If he doesn't wake up after an hour, you have to feed him your blood,” wika ni Roland na tinitignan ang kalahating dugo sa bag.“No! I can't let him drink any kind of blood!” mataas ang boses na asik niya sa kapatid. “Dugo ko man iyan o dugo ng mga mortal, that's not possible!”“Eh ‘di sana ay inisip mo iyan bago mo siya ginawang katulad natin,” sarkastikong asik din nito.“Bakit ba lagi niyong pinagd
last updateLast Updated : 2024-01-18
Read more

Chapter 47

Pagkatapos na tumakbo si Elmhurst paalis ng menowa ay sumakay siya sa barko na lalabas ng isla. Nagtago siya para hindi siya makita ng mga taong uuwi rin sa kani-kanilang sariling pamilya. Nataon pa kasi na weekend ngayon kaya karamihan sa mga estyudante ay gustong umuwi para lumanghap ng mainit na hangin sa labas ng isla. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagiging normal ang mga kuko niya. Okay pa sa mukha dahil kapag hindi siya magsasalita ay hindi mapapansin ang pangil niya.Sinubukan niyang kumalma pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ay kumukulo ang dugo niya at umaakyat sa kaniyang ulo. Pinipigilan pa niya ang sariling lumabas sa pinagtataguan niya dahil naaakit siya. Iba't ibang mababangong amoy ng pagkain na nagpapakalam ng sikmura niya ang dahilan. Gutom na gutom na siya at gusto niyang kumain. Hanapin ang pinagmumulan ng mabangong pagkain para kainin ang mga ito. Pero natatakot siyang lumabas.He gritted his teeth until he tasted his own blood. At bahagyang naning
last updateLast Updated : 2024-01-19
Read more

Chapter 48

Akala ni Selena ay minuto lamang ang itinulog niya dahil agad siyang ginising ng kaniyang ina. Nang magmulat siya ay ang seryosong mukha nito ang sumalubong sa kaniya. Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang dismayado ito sa kaniya. Sa tingin pa lamang nito ay hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Katulad noon ay naging malamig ang pagtrato nito sa kaniya dahil sa mga kasalanan niya. Ni hindi ito komontra sa ama niya sa naging parusa niya. Sinang-ayunan agad nito at baka kung hindi siya matuto sa mga nagawa niya ay baka mas matindi na naman ang mga susunod pa.Naaalala niya noon na siya lagi ang pinapaboran nito at tinatawanan lamang ang mga pagsisintir niya. Pero nang tumagal na at lumaki ang sungay niya ay hindi na nito itinago ang disappointment na nararamdaman nito. Sa tuwina ay deadma lang siya sa mga sermon nito pero sa pagkakataon na ito ay hindi siya makapagsalita at masalubong ang mata nito. Dahil kung sana ay kinuha niya ang suhestiyon ng magulang niya ay dapat natulungan s
last updateLast Updated : 2024-01-21
Read more

Chapter 49

He felt her!Her presence, her smell, her deep and longing stares. Nararamdaman niyang nasa paligid lamang si Selena. At sa tuwing lilinga siya kung saan niya nararamdaman ang mga tingin nito ay hindi niya ito makita. Kahit na naging matalas na ang kaniyang paningin at kahit napakaliit na bagay ay nakikita niya pero ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Bigla ring maglalaho ang presensya nito na parang guni-guni lamang niya ang lahat. Subalit kapag magbabawi naman siya ng tingin ay babalik uli ang nakasunod na tingin nito.Inignora lamang niya ito at hindi na binigyang pansin. Kung natatakot man ito na magpakita sa kaniya ppara harapin ang galit niya kaya ito nagtatago ay wala siyang pakialam. Dahil ang tanging nangingibabaw na lamang sa kaniya ay pagkapoot niya rito. At kapag nagharap na sila ay isusumbat lamang niya ang lahat. Sa halip na sumaya siya dahil nagkaroon siya ng buhay na tinatawag na immortality ay namuhi pa siya.Hindi ito regalo na katulaf ng sinabi ni Max. Isa iton
last updateLast Updated : 2024-01-22
Read more

Chapter 50

Malakas ang pagbagsak ng ulan pero nakatayo pa rin si Elmhurst sa harap ng puntod ng kaniyang ina. Katatapos lamang ng libing nito at naiwan lamang siyang mag-isa rito. Ayaw niyang umuwi at iwan ang kaniyang ina na mapag-isa rito. At sa ilalim ng malakas na ulan ay tumutulo rin ang luha niya. Animo pinipilipit ang puso niya dahil alam niya kung ano ang kinamatay ng kaniyang ina.Pagkatapos ng araw na iyon ay na nawalan siya ng malay. Nang magmulat siya ng kaniyang mata ay hindi pa siya tuluyang nahimasmasan. Kaya naupo siya at hinilot ang kaniyang ulo. Pero natigil siya nang makaamoy ng masangsang na amoy. Kaya nagtaas siya ng ulo at inilibot ang tingin sa buong kuwarto niya. And he was horrified when he saw who was lying beside the cabinet. It was his mother.Hindi agad siya nakahuma at tulalang nakatitig lamang siya sa kaniyang ina. Kahit man lang tinig ay wala ring lumabas sa kaniyang bibig. He was just there staring at his mother's dead body. Natuyo na rin ang dugo sa sahig at ito
last updateLast Updated : 2024-01-23
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status