Pagkadala nila kay Elmhurst sa hospital ay dumating ang mga kapatid niya. Sinabi rin nila na ibinalita nila sa magulang nito ang nangyari sa binata at parating na rin ang ama nito. Hindi raw kasi makapunta ang ina nito dahil naka-cast pa ang paa nito na nakuha nito sa aksidente.Hindi siya kinabahan o natakot na maghaharap sila ama nito. Mas gusto pa nga niya dahil gusto niyang marinig ang sasabihin nito. Her brother can't see her future but Arlon saw some parts of his past. Masyadong strikto ang ama nito at sa isang mali lamang ng binata ay nagagalit ito. At dahil pa sa isang babae kaya pinaaral nito ang binata sa Alta Tiero. At kung maghaharap man sila ngayon at magpapakita ito ng hindi maganda ay hindi siya nangingiming ilayo si Elmhurst sa pamilya nito.Tinignan niya ang binata na nakahiga sa kama. Pagkadating nila rito kanina ay inasikaso agad ito ng doctor. Maganda lahat ang vital signs nito at wala silang makitang mali sa katawan nito. Nang tanungin sila kung bakit nawalan ito
Elmhurst was tied up in a stone bed at the basement of the menowa mansion. He's still unconscious but any minute and he'll wake up. May nakasaksak na dugo rin sa binata na nanggaling din sa kaniya. It will help him relieve the pain he's feeling right now. Paulit-ulit na naririnig nila ang pag-crack ng mga buto nito at muling umaayos. It was as if he was being rebirth again and again. Nagbabago na rin ang kulay ng balat nito.Natural na ang pagiging maputi ng binata pero sa oras na ito ay nagiging maputla na ito. His features became distinct. At mas tumangkad pa ito ng ilang centimeters.“If he doesn't wake up after an hour, you have to feed him your blood,” wika ni Roland na tinitignan ang kalahating dugo sa bag.“No! I can't let him drink any kind of blood!” mataas ang boses na asik niya sa kapatid. “Dugo ko man iyan o dugo ng mga mortal, that's not possible!”“Eh ‘di sana ay inisip mo iyan bago mo siya ginawang katulad natin,” sarkastikong asik din nito.“Bakit ba lagi niyong pinagd
Pagkatapos na tumakbo si Elmhurst paalis ng menowa ay sumakay siya sa barko na lalabas ng isla. Nagtago siya para hindi siya makita ng mga taong uuwi rin sa kani-kanilang sariling pamilya. Nataon pa kasi na weekend ngayon kaya karamihan sa mga estyudante ay gustong umuwi para lumanghap ng mainit na hangin sa labas ng isla. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagiging normal ang mga kuko niya. Okay pa sa mukha dahil kapag hindi siya magsasalita ay hindi mapapansin ang pangil niya.Sinubukan niyang kumalma pero hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ay kumukulo ang dugo niya at umaakyat sa kaniyang ulo. Pinipigilan pa niya ang sariling lumabas sa pinagtataguan niya dahil naaakit siya. Iba't ibang mababangong amoy ng pagkain na nagpapakalam ng sikmura niya ang dahilan. Gutom na gutom na siya at gusto niyang kumain. Hanapin ang pinagmumulan ng mabangong pagkain para kainin ang mga ito. Pero natatakot siyang lumabas.He gritted his teeth until he tasted his own blood. At bahagyang naning
Akala ni Selena ay minuto lamang ang itinulog niya dahil agad siyang ginising ng kaniyang ina. Nang magmulat siya ay ang seryosong mukha nito ang sumalubong sa kaniya. Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang dismayado ito sa kaniya. Sa tingin pa lamang nito ay hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Katulad noon ay naging malamig ang pagtrato nito sa kaniya dahil sa mga kasalanan niya. Ni hindi ito komontra sa ama niya sa naging parusa niya. Sinang-ayunan agad nito at baka kung hindi siya matuto sa mga nagawa niya ay baka mas matindi na naman ang mga susunod pa.Naaalala niya noon na siya lagi ang pinapaboran nito at tinatawanan lamang ang mga pagsisintir niya. Pero nang tumagal na at lumaki ang sungay niya ay hindi na nito itinago ang disappointment na nararamdaman nito. Sa tuwina ay deadma lang siya sa mga sermon nito pero sa pagkakataon na ito ay hindi siya makapagsalita at masalubong ang mata nito. Dahil kung sana ay kinuha niya ang suhestiyon ng magulang niya ay dapat natulungan s
He felt her!Her presence, her smell, her deep and longing stares. Nararamdaman niyang nasa paligid lamang si Selena. At sa tuwing lilinga siya kung saan niya nararamdaman ang mga tingin nito ay hindi niya ito makita. Kahit na naging matalas na ang kaniyang paningin at kahit napakaliit na bagay ay nakikita niya pero ni anino ng dalaga ay hindi niya makita. Bigla ring maglalaho ang presensya nito na parang guni-guni lamang niya ang lahat. Subalit kapag magbabawi naman siya ng tingin ay babalik uli ang nakasunod na tingin nito.Inignora lamang niya ito at hindi na binigyang pansin. Kung natatakot man ito na magpakita sa kaniya ppara harapin ang galit niya kaya ito nagtatago ay wala siyang pakialam. Dahil ang tanging nangingibabaw na lamang sa kaniya ay pagkapoot niya rito. At kapag nagharap na sila ay isusumbat lamang niya ang lahat. Sa halip na sumaya siya dahil nagkaroon siya ng buhay na tinatawag na immortality ay namuhi pa siya.Hindi ito regalo na katulaf ng sinabi ni Max. Isa iton
Malakas ang pagbagsak ng ulan pero nakatayo pa rin si Elmhurst sa harap ng puntod ng kaniyang ina. Katatapos lamang ng libing nito at naiwan lamang siyang mag-isa rito. Ayaw niyang umuwi at iwan ang kaniyang ina na mapag-isa rito. At sa ilalim ng malakas na ulan ay tumutulo rin ang luha niya. Animo pinipilipit ang puso niya dahil alam niya kung ano ang kinamatay ng kaniyang ina.Pagkatapos ng araw na iyon ay na nawalan siya ng malay. Nang magmulat siya ng kaniyang mata ay hindi pa siya tuluyang nahimasmasan. Kaya naupo siya at hinilot ang kaniyang ulo. Pero natigil siya nang makaamoy ng masangsang na amoy. Kaya nagtaas siya ng ulo at inilibot ang tingin sa buong kuwarto niya. And he was horrified when he saw who was lying beside the cabinet. It was his mother.Hindi agad siya nakahuma at tulalang nakatitig lamang siya sa kaniyang ina. Kahit man lang tinig ay wala ring lumabas sa kaniyang bibig. He was just there staring at his mother's dead body. Natuyo na rin ang dugo sa sahig at ito
Mariing kumuyom ang kamao ni Elmhurst nang makalabas na siya ng gusali ng kanilang family company. Hindi niya dapat na gugulin ang oras sa paghihinagpis dahil marami siyang kailangan na asikasuhin. Pilit niyang pinatigas ang damdamin niya. Sa problemang kinakaharap ng kompanya ay dapat niyang isantabi ang ano mang personal na nararamdaman niya. He ignored the emptiness he felt inside his heart.Pero pagkarating niya rito kanina ay nagulat siya nang isa sa mga tauhan ng Madrid ang naghihintay sa kaniya sa conference room. Pinadala raw ito ni Rolphf para makipag-negotiate sa kaniya. At sa totoo lang ay ayaw niyang humingi ng tulong sa pamilya ni Selena. Pero iginiit ng lalaki na hindi dahil sa dalaga kung bakit siya tinutulungan ni Rolphf. Kaya pinag-isipan niyang mabuti ang alok nito.Ang gusto nila ay bilhin nila ang kompanya at kapag kaya na niya ay hindi sila magdadalawang isip na ibalik sa kaniya. Pinag-isipan niya itong mabuti. Hindi pa siya nakatapos ng kolehyo. Yes, kaya niyang
“Pang ilang Colle na ang nahuli mo ngayon na hinayaan mong masunog sa ilalim ng araw?” tanong ni Clark sa kambal nang pumasok ito sa hotel room.Inalis ni Selena ang hood ng suot niyang jacket at sinulyapan ito habang hinuhubad ang gloves. Inihagis lang niya ito sa kung saan at naupo. Sa halip na ang hotel na pag-aari ng kanilang pamilya sila tumira ay sa isang warehouse na pag-aari rin nila. At lahat ng mga bintana ay tinakpan nila para hindi makapasok ang araw sa loob.Katunayan ay hindi sila bumalik ng Havilland. Lumuwas sila ng kaniyang kambal at si Arjoe. They have been hunting the Colle family for days. Ngunit ang head ng family ay hindi pa rin nila nahuhuli at nalalaman kung saan ang lungga nila. Ang mga nahuli at namatay na sa kamay niya ay mga mababang uri ng half-blood at hindi alam kung saan nagtatago ang pinuno nila. Palipat-lipat ang mga ito ng tirahan kaya ang huling kuta nila na alam ni Clark ay hindi na roon.Ngunit sa araw na ito ay nagbunga ang pag-iimbistiga nila. A
Ang malaking kastilyo ng mga Madrid sa Havilland ay ngayon ay napapalamutin ng mga bulaklak na tinatawag nilang vermilion flower. Ang mga utusan ay abala sa pag-aasista ng iba pang mga bisita at pag-aayos ng mga gamit sa labas at loob ng malawak na bulwagan. Habang ang mga bisita ay nagkumpol-kumpol at nag-uusap ukol sa kasal ng nag-iisang babaeng anak ng kanilang pinunong si Lukas at ang reyna na si Maxine. Ang dalawang mag-asawa ay kahapon pa gumising sa kanilang mahimbing na pagtulog upang basbasan at saksihan ang kasal ng kanilang anak.Ang priestess na siyang magkakasal kay Selena at ai Elmhurst ay wala ring iba kundi si Maxine. Dahil siya lamang ang nag-iisang naiwan na elves mula sa kanyang angkan. Ang kanyang ina na si Daeia ang dating may mataas na katungkulan bilang priestess ng Havilland. Ngunit nang ito'y pumanaw at piniling maging hangin ng Havilland para bantayan ang nasabing lugar ay akala nila'y naputol na ang angkan nito. Pero dumating si Maxine noon na siyang nag-iis
Pagkalapag ng aircraft sa helipad ng gusali sa Alta Tiero ay agad na bumaba silang lahat. Pagtapak pa lamang ni Selena ng kanyang paa sa sahig ay mahigpit na hinawakan ni Elmhurst ang kamay niya. Pagkatapos ay mqlakas siyang hinila at iniwan na ang mga kapatid niya sa rooftop.Natatawang napasunod siya sa binata. Nabibirong tinanong pa niya ito kung bakit ito nagmamadali.“I'm going to punish you for scaring me,” ang sagot nito.Humagikgik siya sa sinabi nito bago pilyang bumulong, “what kind of punishment?”Wala siyang narinig na sagot mula sa binata at mas bumilis na ang takbo nila noong nasa may mountain range na sila at wala ng taong nakakakita sa kanila. Ang tinahak nilang daan ay ang papunta sa kweba.Ang ginawa pa nito ay bigla siya nitong binuhat at pinasakay sa likod nito para mag-piggy back ride siya rito. Hindi sa cliff sila humantong kundi sa ibaba ‘nun. At nang sapitin nila ito ay para itong unggoy na umakyat papunta sa kweba.Pagkarating nila sa bungad ng kweba ay binaba
Sa bahaging tunaw na tunaw ang ice ang lumusong si Elmhurst. Kahit na hindi tuluyang bumalik ang buong lakas niya ay kailangan niyang gawin ito para makita ang dalaga. Agad siyang lumangoy para hanapin ang kanyang kasintahan. Ngayong tapos ang gulo at hindi na nakokontrol ni Fenrir si Selena ay nararamdaman na niya ito sa koneksyon nilang dalawa. Pero napakahina nito tanda na hindi maayos ang kalagayan ng dalaga. Dahil sa totoo lang kanina ay labis siyang natakot nang hindi niya ito maramdaman. Iba yung takot ang naramdaman niya kanina kaysa noong nag-away silang dalawa at naputol ang kanilang koneksyon. Mas palagay ang loob niya dahil alam niyang buhay pa rin ito at nakatanaw sa kanya sa malayo. Binabantayan at kung sakaling may mangyari sa kanya ay agad itong susulpot. Ibang sitwasyon kasi ang meron sa kanila ngayon. Mula nang sinabi nito na kayang isakripisyo ng dalaga ang buhay nito para sa kanila ay hindi na siya mapakali. Hindi siya mapalagay sapagkat anumang oras ay bigla iton
“Where is Selena?” ang malakas na tanong niya kay Clark matapos na dispatsahin ang kalaban niya. Hindi niya napansin ang pag-alis nito kanina. Abala siya sa pakikipag-away at akala niya ay nasa malapit lamang ito. Pero nang paglinga niya ay wala na ang dalaga sa pwesto nito kanina.At habang nakikipaglaban siya ay hinahanap din ito ng kanyang mata. Ginagamit din niya ang koneksyon nila pero hindi niya ito maramdaman. Na parang pinutol iyon ng dalaga upang hindi niya ito masundan.Malakas na sinuntok niya ang isang sumugod sa kanya at pagkatapos ay kinagat ito sa leeg. Ang sumunod naman na ginawa niya ay inihambalos niya ito sa lupa bago tinapakan ang ulo nito. His reamins splattered at the ground. Pati na rin ang suot niyang combat shoes ay may dugo na rin.“Hindi ko siya napansin,” ang tugon ni Clark at tumanaw sa pinto ng gusali.Mukhang nagkaintindihan silang dalawa dahil sabay silang tumakbo papasok sa loob. Nakita nila ang pana ni Selena na nakalapag lamang sa sahig. Agad niya pi
“Fvck!!” malutong na mura ni Selena nang marinig sa link nila ang sinabi ng kanyang kapatid na si Roland. Habang naghihintay sila ng balita sa kanilang kapatid ay biglang narinig nila ang tinig nito sa kanilang koneksyon. At kumulo yata ang dugo niya sa sinabi nito.Parehong nahuli ang dalawa nang makapasok sila sa entrance ng palasyo ni Fenrir. Si Halen na mismong anak niya ay kasama ng kanilang kapatid sa iisang selda na nasa may underground. It was all made from silver. At nanghihina na raw si Halen. Habang si Roland ay palihim na ininom ang dugong tinago niya sa mismong katawan niya. Pero kahit bumalik ang lakas nito ay hindi naman nito magawang iwan si Halen sa loob. She's her thiramin after all.Wala pang sinabi ang kapatid nila kung anong gagawin sa kanila ng tauhan ni Fenrir pero ang sabi nito ay hintayin nila sandali na makita nito ng personal ang nasabing lalaki. Dahil simula nang mahuli at ikulong sila ay wala pang pumunta sa kanilang kulungan para magpakilalang si Fenrir.
Habang lumilipad ang aircraft sa himpapawid ay nakatanaw si Selena sa labas ng bintana. Medyo maulap ang panahon at animo nagbabantang may malakas na bagyong paparating. Ngunit sa kanila ay ganitongg klema ay mas gusto nila noon pa man. Subalit ngayon na hindi na sila matatakot sa sikat ng araw ay parang nakakasira sa magandang view kung nandito ka sa mataas na altitude.Ngunit hindi ang magandang view ang nasa isip niya sa oras na ito kundi ang pupuntahan nilang magkakapatid. At sa tuwina ay sinusulyapan niya ang mga ito. They wore a black overall camouflage and combat boots. They were all expressionless. Hindi man lang kinakabahan na ang pupuntahan nila ay ang hideout ni Fenrir. Dahil sa kanila ay mga mahihinang bampira lamang ang kanilang grupo. At sino ba ang mga kapatid niya? Sila ang mga elite warriors ng kanilang kaharian.Na kahit ang council ay agad na matatakot kapag sila na ang binabanggit sa usapan. Ngunit noong nanatili na sila rito sa mundo ng mga mortal ay maraming nagb
Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Laganap na ang gabi nang bumalik si Selena sa menowa. Sa kuweba lang naman siya nanatili habang kinakalma ang sarili. Dahil sa totoo lang nahihiya siya kay Elmhurst. Lalo pa at nasaktan na naman niya ito. Kung sana lang ay kaya niyang kontrolin ang abilidad niya ay wala siyang masasaktan na mga kapatid niya.Dahil isa ito sa pinag-aalala ng magulang nila noon. Ang darating ang ganitong senaryo na mawawalan siya ng kontrol at masasaktan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya.Nangyari na kasi ito minsan noon. She was still young that time. They were having fun. Nagpapalakasan sila ng kanilang sariling kakayahan. She was proud and unbeatable. Tapos isama pa na siya lamang ang nag-iisang babae at palaging pinuputi ng karamihan. Lumaki ang ulo niya at naging mayabang. Ayaw niya ang natatalo at nauungusan. At kapag may nanghahamon noon sa kanya ay pakiramdam niya'y tinapakan nila ang buntot niya. Kaya kapag ganun ay hindi siya mangingiming pumayag na mapakitang gilas.Kaya nang araw na iyon ay
“What did he say?” tanong ni Selena kay Elmhurst nang makasalubong niya ito. Pababa ito ng hagdan papunta rito sa basement at hawak pa nito ang cellphone na ginamit nitong pangtawag ng police warden sa kulungan.Madilim ang mukha nito at halatang masamang balita ang narinig nito. Hinintay niyang makababa ito ng hagdan bago hinawakan ang kamay nito. Salubong ang kilay nito at taas baba ang dibdib sa pinipigilang galit. Narinig niya ang pag-crack ng nasirang bagay. At ng kanyang tignan ay ang cellphone pala na hawak nito ang nagkapira-piraso.“Kaninang umaga ang sabi ng warden may nagsabi raw na patay na ang aking ama. Kaya naman dinala siya sa morgue. Pero ng kanilang tignan muli ay bakante na iyon at wala na siya. Sinubukan nilang hanapin pero wala silang makita. Selena, alam mo ba kung ano ang agad na pumasok sa utak ko. Pinagtagpi-tagpi ko lahat. Two months ago nangyari ang aksidente ni Mama. Ang buwan din na iyon nag-drop si Reese—”“Si Reese at si Rojas ay iisa,” pagtatapos niya s