CONTINUATION...." Jazer? "Biglang usal ni Iyesha habang idinuduyan nito ang parehong paa na naka laylay dito sa gilid ng kama, ako naman ay abala sa pagpapatuyo ng buhok niya, bale naka upo ito sa pagitan ng dalawang hita ko." Hmm? " " Wag kana ulit magalit sakin ah, ayaw ko na magalit ka sakin ulit kasi ayaw mo ko pansinin, eh. Tapos lagi ka umaalis... Ayaw mo ko kasama. E, ako gusto ko palagi ka kasama " Mahabang lintayan nito na nakapag patigil sakin." Saka, 'wag mona ulit ako iiwan... Kundi, iiyak talaga ako hanggang sa wala na 'kong makita "Dugtong pa nito bago ako lingunin. Nakasimangot ito habang naka tingin sa'kin." Wag ka rin papayag kapag gusto na akong kuhanin ni ate Hazel ha... Kasi alam mo ba... Ayaw ka talaga ni ate Hazel ... Kunwari lang yun na gusto ka niya kasi para may taga hugas kami at taga linis, pero ang totoo gusto ka talaga niyang paalisin " Kwento pa nito na ani mo'y batang nagsusumbong bago niya muling ibinalik ang tingin sa sahig. " Baka pag kinuha
Magbasa pa