Jazer's POV Andito ako ngayon sa labas ng hotel, naglakad pa ako pababa para maghanap ng masasakyan papunta sa bahay ampunan na nasa litrato. May huminto sa harap ko na isang pedicab kaya agad akong pumasok sa loob nun." Do you know this place? " tanong ko sa driver sabay ipinakita 'yung litrato. Tumango siya saka nag ok sign, ginaya ko yung laging ginagawa ng mga taga rito pag nag papasalamat, nagpapaumanhin at pag bago umalis. pinagdikit ko ang dalawang palad ko saka nag bow, tuluyan ng umandar itong pedicab paalis. Habang nasa byahe ay kumukuha din ako ng letrato gamit ang kamera kong naka sukbit sa leeg ko." Matutuwa si Mommy pag pinakita ko 'to sa kanya "Nakangiti ako habang kinukunan ng mga litrato yung mga istatwa ng buda na nadadaanan namin, may mga bata din kumakaway sakin habang naka suot ng traditional attire kaya hindi ako nag dadalawang isip na kuhanan din sila ng litrato, pati rin ang mga nagbebenta ng mga prutas at exotic foods na nakangiti habang nag tatawag ng mg
Magbasa pa