Tatlong araw na ang nakalipas mula no’ng prenatal, balik ulit ako sa boarding house. No signs of Rod. Hindi ko mapigilang isipin kung nasaan na siya. Gusto ko na siyang makita. Hindi ko alam bakit. Naiiyak tuloy ako dahil miss na miss ko na siya. “Carbonara?” si Euclid na kumatok pa sa kwarto ko para lang bigyan ako ng pagkain. Hindi ko alam bakit pero lagi nalang niya akong binibigyan ng pagkain. Sa labas kami kumain kasi hindi siya pwede sa kwarto ko. Mahigpit iyon pinagbabawal ng landlady. “Salamt Yu,” nakangiting sabi ko. “Kamusta ang baby?” aniya “Maayos naman,” nakangiti ako ngayon. “Pwede ba ako maging ninong nila?” tanong niya. Natawa ako at tumango. Oo naman, bakit hindi? “Oo naman, Yu,” sabi ko at kumain. “Ang sarap. Saan mo nabili ito?” “Niluto ko,” aniya sabay ngiti. Nagulat ako. “Marunong ka pala magluto. Naku pwede ka na mag-asawa,” “May hinihintay ako,” “Sino?” tanong ko sabay subo. “Secret,” sabi niya at ngumiti, tuloy kita ko ang dimple sa pisngi niya. “M
Last Updated : 2023-10-10 Read more