Hindi ako umalis sa tabi ni Seya habang ine-examine pa rin siya sa Martini's hospital pagkatapos ng operasyon. Ang mga araw ay mabilis na lumipas at isang linggo na lang ay ita-transfer na si Seya sa Australia para doon ituloy ang gamutan at para masigurado na wala na ang cancer sa kaniyang katawan."Ate, nakakakaban at natatakot rin ako kasi wala ka doon. Ang layo ng Australia. Mabuti sana kung makakasama kita, ate."Katatapos lang paliguan ng nurse si Seya. Ito at sinusuklay ko naman ng dahan-dahan ang kaniyang buhok. Nang mapatingin ako sa nurse sa gilid ay ngumiti ako dito at gumanti rin naman ito ng ngiti sa akin.Siya si Hermi. Tatlumpu at tatlong taong gulang. Isa siya sa mga makakasama ni Seya sa Australia."Huwag kang mag-alala, Seya, hindi mo mamamalayan ang paglipas ng mga araw, kita mo bukas ay uuwi na tayo ulit," sabi ni Hermi nang lumapit ito at hinimas sa braso ang aking kapatid."Naku, Ate Hermi, hindi pa nga tayo nakakaalis!"Sabay-sabay kami na napatawa dahil sa sina
Huling Na-update : 2023-10-18 Magbasa pa