Home / Romance / One Wildest Night With The Hot Actor / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng One Wildest Night With The Hot Actor : Kabanata 21 - Kabanata 30

39 Kabanata

CHAPTER 20

KASALUKUYAN kaming naglalabanan ng tingin ni Elias. Nakaangat ang isang kilay niya na para bang nanghahamon pero hindi ko siya inurungan at pinagtaasan din ng kilay. "Hello? Sandra, nariyan ka ba?" Doon ko napagtanto na may kausap pala ako sa cellphone. "Para namang sira 'to, may nangyari bang masama? Bakit hindi ka makapagsalita?" Sunod-sunod niyang tanong. "W-Wala naman, ayos lang kami rito..." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Elias na parang batang nagmi-make face at umirap. "Nga pala, napatawag ka!" Umingos ang nasa kabilang linya. "Anong klaseng tanong naman iyan, Maxine? Siyempre, nag-aalala! Ikaw ba naman na magtatatlong araw nang walang paramdam ay talagang mag-aalala kami! Lalo na sina nanay at tatay, gusto ka raw makausap at makumusta ang lagay ng apo nila." Umirap ako at saka ngumisi. "Aysus, ang sabihin mo, namimiss mo lang ako!" Nag-iwas ako ng tingin sa kaharap nang gawaran niya ako ng matalim na tingin. "Kunyari ka pang nag-aalala ang nanay at tatay, ah!"
last updateHuling Na-update : 2023-12-19
Magbasa pa

CHAPTER 21

IYON nga ang naging set up namin sa sumunod na dalawang araw. Hangga't maaari ay hindi kami nag-uusap o kahit man lang magdapo ang mga tingin. Maliban na lang kapag kasama namin si Inez. Pero kahit ganoon ay umiiwas talaga akong makipag-eye-to-eye contact sa kanya. Iyon nga lang, nakalimutan kong observant itong supling namin at kung anong unusual na nagaganap ay napapansin niya. Katulad ngayon, kasalukuyan kaming nasa food court ng mall at kumakain ng ice cream. Hindi sumama si Elias dahil may iba raw gagawin. Pero ang totoo ay hindi siya pwedeng lumabas sa matataong lugar dahil baka kuyugin siya. "Sandra, hindi kayo bati ni Papa?" Tanong ni Inez nang malunok ang kasusubo lang na ice cream. Sumalok muna ako sa kinakain kong halo-halo bago siya sagutin. "Hindi ah," defensive kong sagot na ikinabusangot ng bilog niyang mukha. Hindi naniniwala. Natawa naman ako. "Bakit mo naman naitatanong? Ano ba ang napapansin mo at nakapagsabi kang hindi kami bati?" Usisa ko. Sandaling nangunot a
last updateHuling Na-update : 2023-12-19
Magbasa pa

CHAPTER 22

NATULOS ako sa aking kinatatayuan sa sobrang gulat. The four of them were hugging me tightly that I lost the sight of Elias in front of us, watching. Ang huling nahapit na lamang ng mata ko ay ang pagkarga niya sa anak namin bago ko narinig ang sunud-sunod na mga katanungan nila. "GOODNESS gracious! It's really you!" Bulalas ng binabaeng si Ariel at tumalon-talon pa. "Ang tagal mong nawala! Hanap kami nang hanap sa'yo pati roon sa dati mong tinitirhan ay wala ka! We missed you so bad, our badass girl!" "Ikaw ba talaga ito? Hindi ba kami nananaginip? God! We missed you our Maxi-maxy!" Ani Alora at humiwalay saglit sa akin, tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka bumalik sa pagkakayakap sa akin. "What happened to you all these years, huh? Where have you been? I thought dito ka na mamamalagi after your graduation! May offer na agad na naghihintay sayo since graduate ka ng Mass Com!" Dexter said and even flipped his imaginary bangs and he wiped his tears. "Bakla ka, after everything,
last updateHuling Na-update : 2023-12-30
Magbasa pa

CHAPTER 23

||PAST||"MAG-IINGAT ka roon Sandra, anak, ha? Huwag magpapasaway, huwag kung saan-saan pupunta dahil ang mga taga-Maynila ay hindi katulad dito sa atin..." Ani Nanay habang tinutulungan akong mag-impake ng mga damit ko. Sa katunayan ay panglimang beses na niyang sinabi ang mga katagang iyon. "Ang tukso ay kaliwa't kanan lamang, parang awa mo na ay lumubay ka kapag pakiramdam mo'y kakaiba na. Ikaw lang ang nag-iisa naming anak kaya pinaka-iingatan ka namin." Itinigil ko ang aking ginagawa at hinarap si Nanay. Ngumiti ako upang ipakitang ayos lamang ako ngunit nanginig ang aking mga labi. "Naku, Nanay ko... Hinding-hindi ako papadala sa tuksong iyan, 'no!" Mayabang kong saad at umirap pa. "Pag-aaral ang ipinunta ko roon at hanggang doon lamang po iyon, Nanay. Para po sa inyo ng Tatay ay magpupursige ho ako. Mahal na mahal ko po kayong dalawa at talagang mamimiss ko kayo!" Bahagyang nanginig ang aking boses, nagiging emosyonal. "At kapag nakatapos na ako, hindi ninyo na kailangang mag
last updateHuling Na-update : 2024-01-08
Magbasa pa

CHAPTER 24

NAPABUGA na lamang ako ng hangin at walang magawang sinundan siya. Bitbit ang naglalakihang maleta at bag, dagdag pa ang aking mga gamit. Tuloy ay hindi na halos ako makakita ng maayos sa dinadaanan ko dahilan upang makabunggo ako ng kung sino. "Ouch! How stupid could you be to just crash into me?" Anang antipatikong boses ng lalaki. "Pasensya na po pasensya na," sinabi ko habang hindi man lang siya tinitingnan. Wala na akong panahon pang intindihin ang taong ito dahil maiiwanan na ako ni Tiffany! "What the hell..." Anang boses ng lalaki na para bang sinusundan ako. "Hey, hey stupid girl!" Malakas niyang pagtawag dahilan upang mapatigil ako at harapin siya.Agad na umusok ang ilong ko sa narinig. Pambihira, tinawag lang ba niya akong stupid?! Sa ganda kong 'to, tatawagin lang stupid ng isang bakulaw?! Ibinaba ko ang mga bag na dala at ipinatayo ang mga maleta upang harapin ang talipandas na nang insulto sa akin. "Teka, teka, anong karapatan mong tawagin akong stupid, ha? Ikaw ba
last updateHuling Na-update : 2024-01-08
Magbasa pa

CHAPTER 25

UMAWANG ang aking labi sa pagkamangha sa laki ng bahay ng Tiya Liza... Nasa labas pa lang kami ng gate ay kitang-kita na sa labas kung gaano kaganda ang kanilang bahay. Pero nang makapasok ako ay hindi ko mapigilang pumalibot ang tingin sa labis na pagkamangha. Balang araw ay mapagagawan ko rin ang Nanay at Tatay ng ganitong kagandang bahay. Iyong hindi na nila kailangang magtrabahon at ang tanging iintindihin na lamang nila ay ang kanilang mga sarili. Balang araw, magagawa ko rin iyan. Sa ngayon ay mag-aaral muna ako. "Huwag kang kukupad-kupad, Sandra! Bilisan mo!" Bumalik ang katawang lupa ko sa reyalidad nang bulyawan ako ni Tifanny. Hila-hila ko pa rin ang kanyang mga maleta at gamit kahit pa sinabi ng kanilang driver na ito na raw ang magdadala ng mga ito papasok ngunit pinigilan siya ito ni Tifanny dahil kaya ko naman na raw. Ay, talaga ba? Kaya ko ang mga 'yo eh halos matae na nga ako sa kakahila sa mga bagahe niyang parang may lamang hollow blocks sa sobrang bigat! "Opo, h
last updateHuling Na-update : 2024-01-13
Magbasa pa

CHAPTER 26

"PAGKATAPOS mong mag-enroll ay umuwi ka kaagad, ha?" Ani Tiya Liza nang magpaalam akong pupunta ng eskwelahan para mag-enroll. "Hindi na kita sasamahan, ipahahatid na lang kita sa driver at may gagawin kami ni Tifanny. Ito ang enrollment fee mo, ingatan mo ha?"Nakangiti kong tinanggap ang inabot ni Tiya. "Salamat po, Tiya. Ingat po kayo ni Miss Tifanny." Tanging tango lang ang isinagot niya. Nakakakaba pero kakayanin ko 'to. Malaki na ako kaya dapat ay kaya ko na ang mga bagay-bagay. Sinasabi ko iyon sa aking sarili pero ang totoo ay naiiyak na ako. "Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni ng family driver nilang si Manong Dante. "Opo, ayos lang ako. Medyo kinakabahan po kasi ako." Pagsasabi ko ng totoo. "First time ko po kasing pumunta ng eskwelahan mag-isa," napalabi pa ako at bahagyang nag-init ang mukha. Tumawa si Manong Dante. "Naku, ayos lang iyan! Iyong isa ko ngang anak noong unang araw niya sa kolehiyo ay umiyak kasi gusto niya kami kasama ng Mama niya at natatakot nga
last updateHuling Na-update : 2024-01-14
Magbasa pa

CHAPTER 27

"MAGANDANG umaga po, Tiya!" Magiliw kong bati sa Tiyahin kong pababa ng hagdan, suot-suot pa nito ang mahabang bestidang pantulog habang humihikab. Alas kwatro y media pa lang ng umaga ay nasabihan na ako ni Ate Irine na madalas daw na nagigising ng ganitong oras si Tiya kaya naman mas maaga akong gumising. Maaga naman na akong nagigising nitong mga nakaraang araw pero mas maaga ako ngayon dahil nga unang araw sa klase. Excited ako."Oh, gising ka na, Sandra?" Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata. "Opo, Tiya. Unang araw na po kasi ng pasukan ngayon kaya maaga po ako," sambit ko. "Gusto ninyo po ng kape? Ipagtitimpla ko po kayo!" "Naku, halata ngang excited kang pumasok, huh..." Natatawang ani Tiya. "Gusto ko iyang ganyan ka, maganda kapag maaga kang nagigising at paminsan-minsa'y tutulong sa gawaing bahay." "Opo, walang problema, Tiya. Maaga po talaga akong nagigising!" Sanay na ako sa probinsyang nagigising ng madaling araw dahil bukod sa tilaok ng mga manok ay ang bunganga ri
last updateHuling Na-update : 2024-01-27
Magbasa pa

CHAPTER 28

TATLONG oras ang makalipas bago ako tuluyang natapos sa pinapagawa ni Tifanny sa akin. Hindi naman iyon ganoon karami pero sa tuwing sumisilip siya at nakikitang malapit na akong matapos ay papasok saka guguluhin lahat.Mariin na lamang akong napapapikit sa kawalang magagawa. Gustuhin ko mang magalit at maglabas ng sama ng loob sa kanya pero alam kong wala naman akong karapatan at nasisiguro akong mas malupit pa ang gagawin niya sa akin. "Oh, you're done?" Nanunuyang tanong ni Tifanny nang Tifanny nang matapos ako sa mga damitan niya, ganoon din pati ang kanyang sahig na ilang beses kong minop. Isinarado ko ng maayos ang kanyang kabinet bago siya hinarap. "Opo, Miss... Pwede na po ba akong umalis?" Magalang kong sinabi. Naningkit ang kanyang mga mata at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ng kanyang kwarto, nakalapat pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba na animong nag-iisip ng malalim.Diyos ko... Sana ay huwag na siyang mag-isip pa ng sunod na ipagagawa sa akin dahil marami pa ako
last updateHuling Na-update : 2024-02-03
Magbasa pa

CHAPTER 29

TAHIMIK ako sa buong byahe pa-eskwelahan. Abala ang isipan ko sa kaiisip sa mga katagang sinabi ni ate Irine. Maaari ko naman sana iyong huwag ng pansinin dahil baka pinagtitripan lamang ako ngunit sa nakita kong takot sa kanyang mga mata at sa panginginig ng kanyang kamay ay natitiyak kong hindi lamang ito isang biro. Bakit naman magbibiro ng ganoon si ate Irine? Hindi naman magandang biro iyon gayong ang nakatira sa bahay na iyon ang tinutukoy niya. Mas mabuting sundin na nga lang ang sinabi niyang dobleng pag-iingat...Nang makarating ako sa aming classroom ay may iilan ng tao roon, lumingon-lingon ako upang hanapin si Danice ngunit nang mapansing wala pa siya ay naupo na lamang ako sa kinauupuan namin kaninang umaga. "You're really an early bird, Cassandra!" Anang boses sa aking likod sabay sundot sa aking braso. Napalingon ako roon at gumuhit ang ngiti sa labi nang makitang si Danice iyon. May hawak siyang plastic cups sa kanyang isang kamay na may logo ng isang kilalang coff
last updateHuling Na-update : 2024-02-19
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status