ILANG sandaling tulala lang si Elise habang nakatitig kay Thrasius. Tumahip nang husto ang kaniyang dibdib at hindi mawari ang kabang pinapahiwatig nito. Nilamon siya ng takot, sa halip na dapat ay masabik siya. Lumuklok sa tabi niya si Thrasius, sa gawing kaliwa. “How are you?” kaswal nitong tanong. Umayos naman siya ng upo ngunit hindi nag-abalang sipatin ang binata. “Ayos lang ako,” walang buhay niyang tugon. “I hope it’s not too late to talk to you, Elise.” Humarap siya rito. “May dapat pa ba tayong pag-usapan?” Pilit niyang nilalabanan ang emosyong bumibigat sa kaniyang dibdib. “I canceled my wedding.” Hindi na siya nagulat. “I know. Ano’ng problema?” Mangha itong napatitig sa kaniya. “Alam mo na pala.” “I hope hindi mo pagsisihan ang desisyon mo, Thrasius. You broke a promise again to someone important to you.” “I thought about it many times, Elise. Since the last time we talked, I had a hard time deciding. But I can’t refuse my heart’s desire.” “Tama na!” asik niya, a
Huling Na-update : 2023-09-25 Magbasa pa