Home / Romance / A Night With A Billionaire / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of A Night With A Billionaire : Chapter 11 - Chapter 20

42 Chapters

Chapter 11

Pakiramdam ni Serrie ay nananaginip siya. Parang nananaginip siyang nakahiga siya sa malambot at mabangong kama. Hindi niya alam kung ang panaginip ba ay iyong pagtulog niya sa storage room kagabi o itong paghiga sa malambot na higaan. Nagmulat siya ng mata at napag-alamang nakahiga siya sa pamilyar na kama. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa katawan at bumangon. Gulat na pinagmasdan niya ang paligid. Nasa silid siya ni Hidan. Papaano siya nakarating dito? Nag-sleep walk ba siya? Tinapik tapik niya ang pisngi at agad kumilos para makaalis na. .....Kulang sa tulog si Serrie at inaantok pa rin nang makapasok na siya sa trabaho. Halatang puyat ang mukha niya na sa tingin niya'y napansin ni Owen.“Ayos ka lang?” Siniko siya ni Owen. Tumango siya at ngumiti. Panay pa rin ang sulyap ni Owen sa kaniya hanggang sa lunch. Hindi na nga siya kumain ng maayos na tanghalian dahil kumain na lang ng burger at inilaan niya na lang sa pagtulog ang buong break time niya. At nagtungo ulit siya s
last updateLast Updated : 2023-12-10
Read more

Kabanata 12

“Na-late ka?” tanong ni Owen.“Ah, oo. Nag-aayos pa ako ng kwarto ko.” aniya at tipid na ngumiti kay Owen.Iyong storage room kasi ay nilinisan niya pa ng maaga para lang kumportable siyang makatulog doon mamayang gabi.“Ayos lang ba ang trabaho mo sa kariderya?” Tumango siya. “Oo naman. Mababait sila sa akin. Lalo na si Nanay Linda.”Tumangu-tango si Owen. “Mabuti naman kung ganoon. Mabuti na lang at hindi pa nakarating si Talula. Baka mapag-initan ka na naman.”Napalunok siya. “Hindi na ako male-late sa susunod. Pangako!"Nang mag-break time na ay agad lumapit ang mga office mates nila sa table nila.“Hoy, Serrie! Dapat mainit pa ang kape ko pagdating dito, ha. Kaya dalian mo paakyat dito.” ani kasamahan niya.“Hoy, ako rin. Pakibilisan. Huwag kasi kayo pabagal-bagal. Huwag mo na kayang isama itong si Owen? Babakla-bakla, e. Kaya kayo natatagalan sa baba.” dagdag pa ng isa.Tumango lang siya habang tahimik lang si Owen. Pero sumama pa rin si Owen sa kaniya pababa.“Baka mapag-inita
last updateLast Updated : 2024-04-01
Read more

Kabanata 13

Bumaba si Serrie sa sasakyan at napatingin sa sasakyan sa malayo. Ngumiti siya doon at tumango. Kahit distansiya siya sa sasakyan ni Sandro ay alam niyang nakita nito ang pagtango niya.Saka lang umalis si Sandro sa kinapaparadahan nito nang makitang nakapasok na siya.Pagkapasok niya ay naalala niyang wala na nga pala siyang refrigerator. May bitbit pa man din siyang grapes.Naalala niyang may refrigerator sa baba, sa kusina. Doon niya na lang ilalagay ang grapes na dala. Nagpapasalamat siyang tahimik ang buong bahay pagkapasok niya.Hinugasan niya muna ang prutas bago niya inilagay sa plato at binuksan niya ang refrigerator. Napanganga siya nang makitang fresh milk, can beer at kung anu-anong inumin lang ang laman ng refrigerator.“Saan kaya siya kumakain kung gano'n?” napaisip siya.“What are you doing?” Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses ni Hidan sa likuran niya.”Ah, h-hi!” ngumiti siya kahit kinakabahan.Tumingin si Hidan sa refrigerator at sa kaniya.“W
last updateLast Updated : 2024-04-01
Read more

Kabanata 14

Hindi niya na matingnan ngayon si Hidan. Tapos nitong maabutan siya sa loob ng clinic, hindi niya na alam kung anong iaakto.“K-Kakain ako pagkatapos nito.” basag niya sa katahimikan.Nasa sasakyan na silang pareho. Habang hawak ni Hidan ang fetus picture.“Diyan! Ibaba mo na lang ako diyan. Diyan ako kakain!” agad niyang tinuro ang fast food na nadaan.Kunyari, kakain lang siya. Pero ang totoo ay tatakasan niya lang si Hidan. Kahit pa sabihin niyang hindi siya handang aminin kay Hidan ang lahat ay alam niyang hindi siya makakatakas ngayon.Huminto ang sasakyan. Pero nagulat siya nang makitang bumaba rin si Hidan.“Saan ka pupunta?” gulat na tanong niya.Kumunot ang noo nito. “Sasamahan ka sa loob.”Napanganga siya. “Wala kang ibang gagawin?”Bumaling ito sa kaniya gamit ang seryosong tingin. Napalunok siya at agad kinabahan.Alanganin siyang nagbitiw ng tawa. “Kasi ano-”“Let's go.” putol nito sa sasabihin niya.Problemadong sinundan niya ng tingin si Hidan. Hindi niya alam kung papa
last updateLast Updated : 2024-04-02
Read more

Kabanata 15

Nahihirapan nang sagutin ni Serrie ang cellphone niya habang hawak ang mga kape sa kamay. Mahaba pa ang pila sa coffee shop na iyon kanina kaya natagalan siya. May ibang coffee shop pero malayo na iyon at hindi siya pwedeng magtungo pa doon. Mas lalo lang siyang matatagalan.“Sorry, sorry, parating na ako. Kunti na lang. Nagbabayad lang ako.”natataranta niyang sabi.“T*ngina mo talaga. Matatapos na ang break, malamig na yata ang kape di ka pa nakakarating.” bulalas ng office mate niya sa kabilang linya.“Sorry talaga. Mahaba kasi ang pila-”“Kapag iyan malamig na. Bayaran mo 'yan, ha! Kairita!”putol nito.Napakurap kurap siya sa gulat.“Parating na ako. Pasensiya na.” Nagmamadali na siyang umalis ng coffee shop nang matapos siyang makapagbayad.Patakbo na siyang nagtungo sa elevator. Kaya lang nagulat siya nang pagbukas ng elevator ay si Hidan ang bumungad sa kaniya.Nang matauhan siya ay agad siyang pumasok. Nahihirapan na siyang pumindot sa button ng elevator. Sinikap niyang abutin
last updateLast Updated : 2024-04-02
Read more

Kabanata 16

Hindi na magawang tingnan ni Serrie ang mga kasamahan matapos iyon sabihin ni Hidan. Hindi niya rin alam kung bakit sinabi iyon ng lalaki. Akala niya ay dapat niya iyon isekreto. Pero si Hidan na mismo ang nagbunyag no’n. Hindi niya lang maintindihan. “Ikaw pala ang asawa ng CEO?” Ani John at nakangiti na ngayong lumapit sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti. Bumaling siya sa iba niyang kasama sa office. Kita ang takot sa mga mata ng iba sa mga ito. Tila may nagbago bigla. “Sana sinabi mo agad. Ikaw talaga,” ani Jhon at pabiro pa siyang hinampas sa balikat. Bakla si Jhon. After ng isang buwan ay ito ang agad na naging malupit sa kaniya. Ito ang pumalit kay Rex sa pagka-bully. Ngayo’ng narinig na nito ang lahat tungkol sa kaniya, hindi niya alam kung anong magiging trato nito sa kaniya. “Sorry, Serrie! Pasensiya na talaga!” si Vern ang lumapit sa kaniya at agad humawak sa braso niya. “Medyo mean ako sa’yo nitong mga nagdaang araw. Pero hindi ko iyon sinasadya. Talagang stress lang
last updateLast Updated : 2024-04-03
Read more

Kabanata 17

Kahit late siya ay nagtaka siya nang hindi siya napagalitan niya Talula. Tiningnan lang siya ni Talula at ibinalik ang tingin sa laptop nito. Napansin niyang nagbulungan agad ang mga katrabaho niya nang mapansing dumating na siya. Nagulat nalang siya paglapit niya sa upuan niya ay may kape na sa desk niya. May note pang nakalagay sa cup ng kape. 'Keep it up. Kaya mo 'yan.' Iyon ang nakasulat sa cup ng kape na nasa desk niya."Sa'kin galing 'yan." ani isa sa katrabaho niya na agad lumapit sa kaniya. Napanganga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Isa kasi ang lalaking ito na nanguutos sa kaniya noon ng kape. Nakakagulat na biglang ganito na ito sa kaniya ngayon. Ito pa mismo ang nagbibigay sa kaniya ng kape. Ngumisi ito. "Naisip ko lang na baka hindi ka pa nagkape. No'ng bumaba ako para magkape, naisip agad kita."Alanganing ngiti ang ginawad niya dito. Naninibago pa rin siya. "Aysus, napaka sipsip talaga," ani isa pang lalaki na dumaan sa likod. Pinaparinggan nito itong nagbigay
last updateLast Updated : 2024-04-04
Read more

Kabanata 18

Nagmamadali sa pag-out si Serrie. Male-late na siya sa trabaho sa canteen. Nasa baba na siya ng building nang mapansin na wala ngayon ang driver niya. Sa tuwing bababa siya ang alam niya, nandiyan agad si Manong Arnaldo. Pero ngayon, nakapagtataka na wala.“Baka may pinuntahan lang,” aniya sa sarili. Maghihintay na lang siya doon. Ilang saglit ay may dumating nga. Napangiti siya. Kaya lang naglaho ang ngiti sa labi niya nang bumukas ang bintana ng sasakyan. Si Hidan ang bumulaga sa kaniya.Bumaba ito sa sasakyan at hindi maalis ang tingin sa kaniya. Pinanliitan siya nito ng mata.“You look shock," puna nito.Alanganin siyang nagbitiw ng ngiti. “N-Nasaan si Manong?”“Pinag-leave ko muna,” anito tapos ay binuksan ang pinto sa front seat. Hindi agad siya nakakilos. “Get inside, Serrie,” untag nito sa pagkatulala niya.Saka lang siya natauhan at agad kumilos. Nasa front seat na siya nang yumuko si Hidan. Namilog ang mga mata niya nang lumapit ang mukha nito sa kaniya.“Simula ngayo
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more

Kabanata 19

“Sa susunod na lang siguro. Babalik ako rito.” Bagkus ay iyon ang naging sagot nito.Napasunod ang tingin niya kay Serrie. Hindi talaga ito nagturo ng gusto nito. Hinawakan lang nito ang mga paninda doon at tinitingnan ang presyo. Ilang saglit ay napahinto si Serrie sa may crib.Napatitig na naman ito doon at tila ang lalim ng iniisip. Hinawakan pa nito ang price tag ng crib. Tsaka nito iyon nilampasan at kalaunan ay lumapit sa kaniya.“Tara na, Hidan.” anito. Napakurap kurap siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Nanibago siya nang marinig ang pangalan niya mula pa mismo kay Serrie.Nakalabas na si Serrie sa tindahan bago niya pa namalayan. Lumapit siya sa sales lady na nakasunod kanina kay Serrie. Namula ito nang magtama ang mata nila.“S-Sir, ano pong atin?” anito na namumula pa rin.Binalingan niya ang crib na tinitigan kanina ni Serrie.“Lahat ng hinawakan ng asawa ko kanina. Bibilhin ko.” Napanganga ang babae. “A-Asawa niyo po 'yon? May asawa na po kayo?”Kumunot ang noo
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more

Kabanata 20

Maagang nagtungo si Serrie sa karinderya nang day-off niya. Dati wala siyang day-off. Ngayon, binigyan na siya ng day-off at masayang masaya talaga siya.“Ilang beses ka pang maglilihim sa akin, ha? Alam mo bang pinagtrabaho kita ng gabi dito? Mula ka pa sa trabaho mo sa opisina tapos didiretso ka pa dito.” tila problemadong problemado si Nanay Linda kinaumagahan nang makita ulit siya sa karinderya.“Nay, sorry-”“Huwag mo akong ma-sorry sorry!” putol ng matanda sa sasabihin niya pa sana. “Kung hindi ko pa pinilit si Wen-wen kahapon hindi ko malalaman na buntis ka. Tapos parati ka pang pagod. Nasaan na ba iyang asawa mong mayaman at tila wala namang pakialam sa'yo? Gusto ko siyang turuan ng leksyon. Wala akong pakialam kung mayaman siya!”Akmang lalabas pa si Nanay Linda hawak ang sandok. Hinawakan niya nga lang ito sa braso para hindi na nito ituloy ang binabalak.“Nay, tama na po. Ayos lang naman ako, e.” Napanguso siya.Iritadong binalingan siya ni Nanay Linda at kinurot ang tagili
last updateLast Updated : 2024-04-06
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status