ARAW ng miyerkules, hapon na akong sumaglit sa condo ni Seniorito Aries dahil maaga ang klase ko.Suot pa ang uniporme ay bumaba ako ng taxi. Kailangan ko pang magtaxi dahil pribado ang condominium na pag-aari ng amo ko.Napangiwi akong inabot kay manong driver ang one hundred fifty. Halos hindi ko mabitawan eh, sobrang nanghihinayang ako sa pera ko. Tatlong ulam na ang pwede kong mabili sa karinderya."Ano ba ineng, ibibigay mo ba ang pera o hindi, baka mapunit to'," si manong na nakataas ang kilay. Mahigpit ding nakahawak sa 'sang daan at singkwentang inabot ko.Napahugot ako ng malalim na hininga. "Eto na po, manong," bakas sa mukha ko ang panghihinayang. One hundred forty-nine nga kasi ang charge ng taxi. Sobrang mahal na.Makalipas ang saglit ay hindi binigay ng driver ang sukli na isang piso kaya siningil ko talaga."Ang kuripot!" turan nito bago ako iniw
Last Updated : 2023-09-17 Read more