Home / Romance / Duty of Love / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Duty of Love: Kabanata 31 - Kabanata 40

52 Kabanata

Chapter 30

AKIPast: ReasonFirst day of burial. . .Ito ang unang araw ng burol ni Kuya Akhill at kaninang umaga naman dumating ang katawan ni Papa. Wala akong pagkakataon makita sila kahit sa huling sandali dahil hindi ako pinayagan ni mama pumunta sa burol nila. Nandito lang ako sa bahay namin mag-isang umiiyak. Halos wala pa akong tulog kakaisip sa mga nangyari kahapon. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon. Galit na galit sa akin si Mama pero wala akong magawa kundi tanggapin ang galit niya dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit wala na si Kuya ngayon. Naka-upo lang ako dito sa labas ng pintuan namin habang nakatanaw sa labas ng gate, nag babakasakali na dumating na si Mama para sunduin ako para maka-dalaw naman ako kay Papa at Kuya. Alas nueve na ng gabi pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Hindi pa ako kumakain at natutulog. Wala na akong lakas pero mas pinili kong mag hintay dahil gustong-gusto ko silang makita. Natigilan ako sa pag-iyak n
last updateHuling Na-update : 2023-09-11
Magbasa pa

Chapter 31

AKI"Welcome home, Love birds!" Iyon agad ang sumalubong sa amin ni Captain nang makarating kami sa bahay ng parents niya. Ngayon kasi yung gabi na pinangako namin na dadalaw kami sa kanila for dinner. "Mabuti at nakapunta kayo!" Tuluyan nang lumapit sa amin si Tita Andrea at ako ang una niyang niyakap bago si Captain. "I'm so excited to see you again, Akesha!" Halatang kinikilig pa siyang sabihin iyon. "Ako din po, Tita. Thank you po for inviting me. . ." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mommy na lang kasi itawag mo sa akin! Magiging asawa ka na ng anak ko kaya parte ka na ng pamilya namin." Aniya at hinila niya na ako sa loob na para bang hindi niya napansin ang anak niya sa gilid ko. "Naghihintay na si Daddy Simon mo sa loob." Pakanta niyang sabi sa akin. "Teka po si Captain po. . ." Nilingon ko si Captain na naiwan sa labas pero nakangiti lang si Captain sa akin at masayang nakatingin sa aming dalawa ng Mama niya. "Love!" Tawag ko nang hindi pa rin siya lumakad papasok ng bahay
last updateHuling Na-update : 2023-09-11
Magbasa pa

Chapter 32

AKINagising ako bigla dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Napanganga ako nang habulin ko ang paghinga ko mula sa lalim ng pag kakatulog. Napansin ko na lang naka-upo ako ngayon sa isang bakal na upuan dito sa isang napakalaking bodega. "Gumising ka na po, Mahal na reyna." Ang boses na iyon ay nag mula sa taong sana nilamon na lang ng lupa kanina pa. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Nang mapansin kong nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ko ganun din ang mga paa ko ay nagpupumiglas ako. "Tangina pakawalan niyo ako!" Sigaw ko kay Pablo. Ngumisi siya sa akin at umupo sa harap ko para malebelan ang tingin ko, "Shhh!" nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Huwag ka nga maingay, Ruiz. Parating na si Master Hunter kaya 'wag ka na mainip." Muli siyang tumayo ng nakapamulsa na. Tumalikod siya at naglakad na palayo sa akin. "Maganda ka pala lalo sa malapitan. Kung hindi lang tayo sa ganitong paraan nag.kasalubong, baka pinakasalan na kita." Mayamaya
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa

Chapter 33

AKI "Anak. . ." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng haplos sa aking mukha. Agad na nakuha ng atensyon ko ang isang babae na naka-upo sa tabi ko habang nakangiti na pinagmamasdan ako. "Ma?" Napabalikwas ako ng upo nang mas malinaw ko siyang nakita. "Ma!" Sa sobrang tuwa nang naramdaman ko ay hindi ko mapigilan mapa-yakap sa kanya. "Mabuti naman at gising ka na. . ." Marahan niyang hinaplos ang likod ko maging ang aking buhok. "Kanina pa ako naghihintay sa paggising mo, Anak." Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ganun din ang sarili ko. Mukang nasa ospital na naman ako dahil sa suot kong hospital gown at dextrose na naka-kabit sa akin."Teka Ma, 'di ba dapat nag papahinga ka din? Pinagbawalan ka ng doctor lumabas-labas hindi ba? Tsaka--" tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan siya. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Maingat kong tanong. Ngumiti siya at umiling, "Your heart is so strong, Anak." Inilapat niya ang kanyang palad sa dibdib ko kung nasaan ang
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa

Chapter 34

AKIR-18"Gusto mo ba dumalaw sa puntod ni Tita Ali, Love?" "Ayoko." Mahinang sagot ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Para saan pa? Ni hindi ko man lang siya naabutan. 'Wag na. Papunta na kami sa Condo ngayon ni Captain dahil nag insist si Lieutenant General Hernandez na mag leave na muna ako hanggang sa tuluyan akong maging okay. Doon na lang sana ako sa bahay namin ni Alex pero sabi ni Captain sa condo na lang daw niya para mabantayan niya ako. "Hey. . ." He reached for my hand and held it softly. "Are you alright?" Nag-aalala na tanong niya. Tumango lang ako nang hindi na siya nilingon. Nakasandal lang ang ulo ko sa salamin ng bintana habang hinahayaan na tumulo ang luha sa mata ko. Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating na lang kami sa condo unit niya. Pakiramdam ko lumulutang lang ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako umiyak sa loob lang ng ilang minuto. Pagpasok namin sa loob ng unit dumiretso na ako sa kwarto at doon nahiga sa kama. Hindi ko
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa

Chapter 35

AKI"Don't worry, Captain. Walang mangyayari masama sa akin." Kalmadong sabi ko sa kanya. Kanina ko pa iyon sinasabi dito kay Captain pero hindi talaga siya nakakampante sa mga sinasabi ko. Simula nung natanggap niya yung tawag hindi na siya mapakali at kulang na lang itali niya ako sa tabi niya para hindi ako mawala sa paningin niya. "Hindi mo maaalis sa akin na hindi ako mag-alala, Aki. Ikaw ang punterya niya. Idadamay niya ang buong pilipinas para lang sa pera na hindi naman natin alam kung saan nakatago!" He looks so angry and frustrated. Padabog kong binitawang ang kutsara at tinidor ko. "Alas dos pa lang ng madaling araw, King. Nagugutom ako at inaantok na ako. Pwede bang bukas na lang natin problemahin yung letseng Hunter na 'yon? Gusto ko lang naman kumain, pwede ba?!" Tumaas na din ang boses ko dahil sa inis. Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nanatili na din akong tahimik at hindi na siya pinansin hanggang sa matapos kaming dalawa kumain. Nauna akong tumayo at inilagay ko n
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa

Chapter 36

AKIDalawang linggo na ang lumipas simula nung araw na nagkaroon kami ng meeting tungkol sa kaso. Team namin ang naatasan magsagawa ng research tungkol sa mga nakaraang transaksyon ni Alonzo at Team naman nila Lia ang naghahanap sa hideout ni Hunter. Hindi na ako sumasali sa training dahil inutusan akong mag focus na lang muna sa research na ginagawa ko. Halos di na kami natutulog dahil sa trabaho namin na hanggang ngayon walang nangyayari. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Pablo sa pagkawala ng pera pero anong magagawa namin? Nakatakas ang hayop. Puro stress na lang nakukuha ko dito sa kasong 'to! Wala naman kasing nangyayari tapos may naamoy pa akong mabaho na hindi ko naman alam kung saan galing!"Love, magpahinga ka nga muna." Utos sa akin ni Captain. Nandito kami nila Alex, Sir Cedrick at Captain ngayon sa Opisina niya dahil may pinag-uusapan kaming importante. Alas onse na ng hatinggabi nandito pa rin kami at nag uusap-usap kaharap ang mga papeles na hindi nauub
last updateHuling Na-update : 2023-09-12
Magbasa pa

Chapter 37

AKI"Hi, Sir Cedrick!" Masayang bati ko kay Sir Salazar habang narito siya sa field at nagsasagawa ng training sa mga sundalo. "Sir?" kinalabit ko siya dahil hindi niya ako pinapansin. Walang reaksyon niya akong nilingon at pinagtaasan ng kilay, "What do you want, Ruiz?" "I want ice cream." Sagot ko. Tinitigan niya ako na may pagtataka. Mukang hinihintay niya na bawiin ko yung sinabi ko pero hindi naman ako nakikipag biruan sa kanya. "Gusto ko ng ice cream." Ulit ko. Tiningnan niya yung mga sundalo na nakatingin na rin pala sa amin na para bang hinuhusgahan na nila ang pag katao ko."Ano?!" Masungit kong tanong sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng mata kaya agad naman sila nag-iwas ng tingin sa akin. "5 minutes break." Ani Sir Cedrick at tinalikuran sila. Naglakad ito palayo sa akin kaya dali-dali akong sumunod sa kanya. "Sir dali na!" Humabol ako sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nakapameywang na humarap sa akin, "Bakit ako, Ruiz?" "Ewan ko. Basta bilhan mo po ako
last updateHuling Na-update : 2023-09-13
Magbasa pa

Chapter 38

AKI "Love mag pregnancy test ka after this, please. . ." Pangungulit niya sa akin simula pa kanina. "Ayoko. Bakit ba ang kulit mo?" Dumaloy ang inis sa buong sistema ko. "Pag ako hindi mo tinigilan hindi kita papansinin ng siyam na buwan." Dugtong ko pa. He shut his mouth and stared at me. I just rolled my eyes and left him alone in this car. Dalawa na lang kasi kaming narito sa loob dahil nauna na si Alex At Sir Cedrick pumasok sa school kung saan nangyari ang pagsabog. Lalayo na lang ako dahil inaatake na naman ako ng topak ko. Wala sa mood akong nag lakad palapit kila Alex na nakikipag-usap sa mga pulis. Hindi din ako nag tagal doon dahil nahagip ng tingin ko ang ginamit na bomba na nakalagay na ngayon sa isang gilid. Akma na sana akong lalapit doon nang pigilan ako ni Alex. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan mag lakad. "Teka lang Aki, baka biglang sumabog ulit yan." "Hindi na sasabog yun. I need to check it, Alex." Tinanggal ko ang kamay niya at nagpatuloy na ako sa pa
last updateHuling Na-update : 2023-09-13
Magbasa pa

Chapter 39

AKI "Alex?" Pabulong na tawag ko sa kanya. Mahina ko siyang niyuyugyog habang binabanggit ko paulit-ulit ang pangalan niya. "Alex. . ." Sa huling tawag ko ay kinurot ko na ang pisngi niya "Aray puta!" Bumalikwas siya ng bangon dahil sa ginawa ko. Tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya at napalingon sa mga kasamahan namin na natutulog na dito sa kwarto. "Huwag ka nga maingay." Pabulong na sabi ko. Naiinis niyang tinanggal ang kamay ko na nasa bibig niya at hinaplos ang pisngi niya. "Ano bang problema mo, Aki? Bakit ka nangungurot?" kunot noo niyang tanong. "Nagugutom ako." Mahinang sagot ko. Kahit madilim dito sa loob ng kwarto kitang-kita ko ang pag kunot ng noo niya sa akin. "Sira ba ulo mo?" Kinuha niya ang cellphone niya na nasa ilalim ng kanyang unan para tignan ang oras. "Tang-ina alas tres pa lang ng madaling araw! Nantr-trip ka ba?" Kahit na pabulong niya lang iyon sinabi ramdam na ramdam ko ang inis niya. Napabuntong hininga akong umupo sa kama niya. "Eh nagugutom ako
last updateHuling Na-update : 2023-09-13
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status