AKI"Welcome home, Love birds!" Iyon agad ang sumalubong sa amin ni Captain nang makarating kami sa bahay ng parents niya. Ngayon kasi yung gabi na pinangako namin na dadalaw kami sa kanila for dinner. "Mabuti at nakapunta kayo!" Tuluyan nang lumapit sa amin si Tita Andrea at ako ang una niyang niyakap bago si Captain. "I'm so excited to see you again, Akesha!" Halatang kinikilig pa siyang sabihin iyon. "Ako din po, Tita. Thank you po for inviting me. . ." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Mommy na lang kasi itawag mo sa akin! Magiging asawa ka na ng anak ko kaya parte ka na ng pamilya namin." Aniya at hinila niya na ako sa loob na para bang hindi niya napansin ang anak niya sa gilid ko. "Naghihintay na si Daddy Simon mo sa loob." Pakanta niyang sabi sa akin. "Teka po si Captain po. . ." Nilingon ko si Captain na naiwan sa labas pero nakangiti lang si Captain sa akin at masayang nakatingin sa aming dalawa ng Mama niya. "Love!" Tawag ko nang hindi pa rin siya lumakad papasok ng bahay
AKINagising ako bigla dahil sa malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko. Napanganga ako nang habulin ko ang paghinga ko mula sa lalim ng pag kakatulog. Napansin ko na lang naka-upo ako ngayon sa isang bakal na upuan dito sa isang napakalaking bodega. "Gumising ka na po, Mahal na reyna." Ang boses na iyon ay nag mula sa taong sana nilamon na lang ng lupa kanina pa. Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Nang mapansin kong nakatali pala ang mga kamay ko sa likod ko ganun din ang mga paa ko ay nagpupumiglas ako. "Tangina pakawalan niyo ako!" Sigaw ko kay Pablo. Ngumisi siya sa akin at umupo sa harap ko para malebelan ang tingin ko, "Shhh!" nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. "Huwag ka nga maingay, Ruiz. Parating na si Master Hunter kaya 'wag ka na mainip." Muli siyang tumayo ng nakapamulsa na. Tumalikod siya at naglakad na palayo sa akin. "Maganda ka pala lalo sa malapitan. Kung hindi lang tayo sa ganitong paraan nag.kasalubong, baka pinakasalan na kita." Mayamaya
AKI "Anak. . ." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ako ng haplos sa aking mukha. Agad na nakuha ng atensyon ko ang isang babae na naka-upo sa tabi ko habang nakangiti na pinagmamasdan ako. "Ma?" Napabalikwas ako ng upo nang mas malinaw ko siyang nakita. "Ma!" Sa sobrang tuwa nang naramdaman ko ay hindi ko mapigilan mapa-yakap sa kanya. "Mabuti naman at gising ka na. . ." Marahan niyang hinaplos ang likod ko maging ang aking buhok. "Kanina pa ako naghihintay sa paggising mo, Anak." Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ganun din ang sarili ko. Mukang nasa ospital na naman ako dahil sa suot kong hospital gown at dextrose na naka-kabit sa akin."Teka Ma, 'di ba dapat nag papahinga ka din? Pinagbawalan ka ng doctor lumabas-labas hindi ba? Tsaka--" tumigil ako sa pagsasalita at tinitigan siya. "Hindi ka na ba galit sa akin?" Maingat kong tanong. Ngumiti siya at umiling, "Your heart is so strong, Anak." Inilapat niya ang kanyang palad sa dibdib ko kung nasaan ang
AKIR-18"Gusto mo ba dumalaw sa puntod ni Tita Ali, Love?" "Ayoko." Mahinang sagot ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Para saan pa? Ni hindi ko man lang siya naabutan. 'Wag na. Papunta na kami sa Condo ngayon ni Captain dahil nag insist si Lieutenant General Hernandez na mag leave na muna ako hanggang sa tuluyan akong maging okay. Doon na lang sana ako sa bahay namin ni Alex pero sabi ni Captain sa condo na lang daw niya para mabantayan niya ako. "Hey. . ." He reached for my hand and held it softly. "Are you alright?" Nag-aalala na tanong niya. Tumango lang ako nang hindi na siya nilingon. Nakasandal lang ang ulo ko sa salamin ng bintana habang hinahayaan na tumulo ang luha sa mata ko. Nanatili akong tahimik hanggang sa makarating na lang kami sa condo unit niya. Pakiramdam ko lumulutang lang ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako umiyak sa loob lang ng ilang minuto. Pagpasok namin sa loob ng unit dumiretso na ako sa kwarto at doon nahiga sa kama. Hindi ko
AKI"Don't worry, Captain. Walang mangyayari masama sa akin." Kalmadong sabi ko sa kanya. Kanina ko pa iyon sinasabi dito kay Captain pero hindi talaga siya nakakampante sa mga sinasabi ko. Simula nung natanggap niya yung tawag hindi na siya mapakali at kulang na lang itali niya ako sa tabi niya para hindi ako mawala sa paningin niya. "Hindi mo maaalis sa akin na hindi ako mag-alala, Aki. Ikaw ang punterya niya. Idadamay niya ang buong pilipinas para lang sa pera na hindi naman natin alam kung saan nakatago!" He looks so angry and frustrated. Padabog kong binitawang ang kutsara at tinidor ko. "Alas dos pa lang ng madaling araw, King. Nagugutom ako at inaantok na ako. Pwede bang bukas na lang natin problemahin yung letseng Hunter na 'yon? Gusto ko lang naman kumain, pwede ba?!" Tumaas na din ang boses ko dahil sa inis. Hindi siya umimik sa sinabi ko. Nanatili na din akong tahimik at hindi na siya pinansin hanggang sa matapos kaming dalawa kumain. Nauna akong tumayo at inilagay ko n
AKIDalawang linggo na ang lumipas simula nung araw na nagkaroon kami ng meeting tungkol sa kaso. Team namin ang naatasan magsagawa ng research tungkol sa mga nakaraang transaksyon ni Alonzo at Team naman nila Lia ang naghahanap sa hideout ni Hunter. Hindi na ako sumasali sa training dahil inutusan akong mag focus na lang muna sa research na ginagawa ko. Halos di na kami natutulog dahil sa trabaho namin na hanggang ngayon walang nangyayari. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Pablo sa pagkawala ng pera pero anong magagawa namin? Nakatakas ang hayop. Puro stress na lang nakukuha ko dito sa kasong 'to! Wala naman kasing nangyayari tapos may naamoy pa akong mabaho na hindi ko naman alam kung saan galing!"Love, magpahinga ka nga muna." Utos sa akin ni Captain. Nandito kami nila Alex, Sir Cedrick at Captain ngayon sa Opisina niya dahil may pinag-uusapan kaming importante. Alas onse na ng hatinggabi nandito pa rin kami at nag uusap-usap kaharap ang mga papeles na hindi nauub
AKI"Hi, Sir Cedrick!" Masayang bati ko kay Sir Salazar habang narito siya sa field at nagsasagawa ng training sa mga sundalo. "Sir?" kinalabit ko siya dahil hindi niya ako pinapansin. Walang reaksyon niya akong nilingon at pinagtaasan ng kilay, "What do you want, Ruiz?" "I want ice cream." Sagot ko. Tinitigan niya ako na may pagtataka. Mukang hinihintay niya na bawiin ko yung sinabi ko pero hindi naman ako nakikipag biruan sa kanya. "Gusto ko ng ice cream." Ulit ko. Tiningnan niya yung mga sundalo na nakatingin na rin pala sa amin na para bang hinuhusgahan na nila ang pag katao ko."Ano?!" Masungit kong tanong sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng mata kaya agad naman sila nag-iwas ng tingin sa akin. "5 minutes break." Ani Sir Cedrick at tinalikuran sila. Naglakad ito palayo sa akin kaya dali-dali akong sumunod sa kanya. "Sir dali na!" Humabol ako sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nakapameywang na humarap sa akin, "Bakit ako, Ruiz?" "Ewan ko. Basta bilhan mo po ako
AKI "Love mag pregnancy test ka after this, please. . ." Pangungulit niya sa akin simula pa kanina. "Ayoko. Bakit ba ang kulit mo?" Dumaloy ang inis sa buong sistema ko. "Pag ako hindi mo tinigilan hindi kita papansinin ng siyam na buwan." Dugtong ko pa. He shut his mouth and stared at me. I just rolled my eyes and left him alone in this car. Dalawa na lang kasi kaming narito sa loob dahil nauna na si Alex At Sir Cedrick pumasok sa school kung saan nangyari ang pagsabog. Lalayo na lang ako dahil inaatake na naman ako ng topak ko. Wala sa mood akong nag lakad palapit kila Alex na nakikipag-usap sa mga pulis. Hindi din ako nag tagal doon dahil nahagip ng tingin ko ang ginamit na bomba na nakalagay na ngayon sa isang gilid. Akma na sana akong lalapit doon nang pigilan ako ni Alex. Hinawakan niya ako sa braso para pigilan mag lakad. "Teka lang Aki, baka biglang sumabog ulit yan." "Hindi na sasabog yun. I need to check it, Alex." Tinanggal ko ang kamay niya at nagpatuloy na ako sa pa
AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
KING "Pre, Ruiz is back!" Cedrick shouted from outside my office. My heart was beating so fast as I heard him. I put down the files I was reading and stared at the door. After 4 years, she's back. I stood up and walked towards the door and opened it. I saw Cedrick sitting on the chair waiting for me so I sat beside him. "Alex told me." Cedrick says. "Kailan pa daw?" I asked."Kanina lang daw. Hinatid niya sa Kampo nila General Orlando. Back to duty na daw ulit.""Bakit doon? Bakit hindi sa akin?" I frowned."I don't know." Nilingon niya ako. "Gusto mo puntahan natin?" I smirked, "Pupuntahan ko talaga siya kahit di mo ako yayain." "Tsk. Mahal na mahal?" Napangiwi pa siya. "Why are you like that, Ell? You already have a girlfriend but you are always acting so bitter." I rolled my eyes on him."Eh ikaw, bakit ka ganyan? Why are you still inlove with her even though she left you?" "She has her reason, Ell. I understand her." Agad na nangunot ang noo niya sa akin. "Edi puntahan
AKI"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?" Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak. "Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?" "Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida. "N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill
AKI "Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said. Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan. "Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?" Tumango ako. "Yes, Sir.""Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon." "Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?" "Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. " "Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group." "A-Ano?!" Agad na dumaloy s
AKI "Akhin, Keisha, I'm home!" I shouted as I entered the door. Nauna na akong pumasok dito sa loob kasi nagpa-park pa ng kotse si Captain. May hawak-hawak pa akong supot ng jollibee. Bumili kasi kami kanina on the way dahil isa ito sa mga favorite nilang dalawa."Mommy!" It's Keisha, she is running towards me. "Mommy!" She immediately hugged me on my legs. Umupo ako at nilapag ang jollibee sa gilid ko, "Hi baby! How are you?" Hinawi ko ng kaonti ang bangs niya na tumatakip sa mata niya. "I'm good!" She said and giggled. "I miss you, Mommy!" Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi. "I miss you too, Anak. Where's your Kuya and Tito Daddy?" Nilibot ko ang tingin ko sa sala at kusina pero hindi ko sila nakita doon. "Upstairs, Mommy." She said, "We have pasalubong! Yehey!" Napatalon pa siya sa sobrang saya. "Akhin! Kuya!" Pagtawag ko nang hindi pa rin sila bumababa. "Mommy!" Sigaw ni Akhin mula sa pinaka dulo ng hagdan sa taas. "Yehey!" Halos liparin na niya ang hagdan sa sobra
AKIR-18"Anong pangalan nila?" He asked. Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. "Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Anong ginagamit nilang surname?" "Yung sayo." "Paano nangyari 'yon?""Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. "What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" "Oo." "Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." "Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—""That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. Nara
AKIDahan-dahan akong nagmulat ng mata nang nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang braso ko. Napainda pa ako habang mabagal kong ginagalaw ang nangangalay kong braso. "Shit naman." Mahinang aniko habang mahinang hinihilot ang braso ko. Nakasimangot akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Hala! Nakatulog pala ako dito sa sofa ng opisina ni Captain habang umiiyak kanina."Teka anong oras na ba?" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Shit! Shit! Shit!" Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng madaling araw. Nag mamadali kong hinanap ang number ni kuya Akiro para itanong kung kamusta na yung kambal pero natigilan ako bigla nang makitang hindi pala ako nag-iisa dito sa opisina."Captain!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at nakakunot noo na nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?!" Pinagkunutan ko din siya noo. "Wal
AKI A/N: This chapter is the continuation of the prologue (Reporting for Duty) "Akala ko ba mahal niya pa ako? Bakit kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala?" Umiiyak na tanong ko kay Alex. Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ko. Kakaalis lang ni Captain ngayon at naiwan ako ditong umiiyak. Hawak-hawak ko pa ang singsing na binalik niya sa akin kanina lang. "Hindi na niya ako mahal. . ." Panay ang pag-iyak ko kay Alex. Hinagod niya ang likod ko para patahanin. "Sabi ko naman sayo kahapon diba? Mahihirapan kang suyuin yun kasi nga galit 'yon sayo. After 4 years ito ang unang beses niyong nag kita. Intindihin mo na lang muna si Captain, Aki." "Bakit kailangan niya ibalik 'tong singsing sa akin? Para ano? Para konsensyahin ako? Para mas lalo akong maguilty sa pag-iwan ko sa kanya?" "Hindi naman siguro. . . Baka gusto niya lang ibalik sayo kasi diba sa'yo naman talaga—""Ang sabihin mo gusto niya lang talagang mag dusa ako sa ginawa ko sa kanya! Gusto niya ipaalala sa
AKI "Akhin, Keisha! Bumaba na kayo at kailangan niyo na kumain!" I shouted from our dinning area. Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanila pero hindi pa rin sila lumalapit sa akin. Ang kukulit talaga ng mga batang 'to! Unti-unti ko na talagang nakikita ang ugali ko sa kanila. "Mommy we are coming!" It's my baby girl, Keisha. "Mommy, Sasha hit me!" It's my baby boy, Akhin. He called her sister Sasha, mas sanay siya sa tawag na iyon. Napahilot ako sa sintido ko bago kinuha ang hinanda kong almusal sa kanila. Narinig ko ang mga takbo nila palapit dito sa dining area. Pareho ko silang nilingon nang pareho silang yumakap sa binti ko. Umupo ako at hinarap silang pareho, "Sasha, why did you do that to your kuya?" Mahinahon kong tanong."I didn't do it intentionally, Mommy. I almost tripped kaya humawak ako sa arm niya. . . Sorry, Kuya Akhin." Aniya at lumapit siya sa kuya niya para yakapin ito. "I'm sorry." She cutely said. "You're forgiven, Sister!" Mabilis niyang sabi at yumakap din