Chapter 2"AY!" Ang lakas ng tili ni Desire nang papasok na siya sa university, sakay ng kanyang kotse pero may sumulpot na isang sasakyan sa harapan niya.Agad niyang naapakan ang preno na halos ikaalog ng ulo niya. Sinong siraulo? Agad siyang natigalgal nang tumingin siya sa windshield.Nakikita niya ang long hair na nilalang, pinakagwapong nilalang na nakita niya sa tanan ng buhay niya.Midnight.Bumuka ang bunganga nun pero di niya naririnig ang sinasabi, papalapit sa passenger's side ng kanyang kotse.Shit.Nataranta ang hormones niya. Ang kanyang great crush, papalapit, aburido. Kung sana lang ay nagmamadali ito dahil gusto siyang makita, ang saya sana ng buhay niya kaya lang ay hindi. Papunta ito malamang sa kanya dahil sa nangyari kagabi sa pa-engagement nito.Lumapit ito sa pinto ng sasakyan niya kaya naman agad niyang binuksan yun."Desire, nasaan ang Ate mo?" He asked abruptly, holding her arms, shaking her a bit.Hanapan ba siya ng naunsyaming future wife? Hindi na siya an
Last Updated : 2023-08-14 Read more