Share

3

Author: MM16
last update Last Updated: 2023-08-14 08:16:15

Chapter 3

"TANGA ka ba?" Iyon ang malutong na tanong ni Dusk sa nakababatang kapatid na si Midnight.

Walang humpay ang pagsilid nito ng pera sa bag, tila nagmamadali na parang hindi na aabutin ng bukas.

Nakamasid siya rito. Ito ang adik niyang kapatid, adik sa sugal, na para bang mamamatay kapag hindi nakapunta sa Casino.

Kaunti na lang, alam niyang quota na ito sa Papa nila.

Si Midnight ay nakaupo sa sofa, sa loob ng kwarto nitong walang kaayusan. Kahit na mukha ng imabakan ng basura ang loob ng kwarto ng kapatid niya ay ayaw nito iyong ipagagalaw dahil nawawala raw ang pagkaka-organize ng gamit.

Nahiya naman siya sa salitang 'organize'. Kung sabagay ay nakukuha niya ang punto nito. Kahit na gaano pa kagulo ang lahat ng bagay basta sila ang may kagagawan, kaya nilang hanapin ang mga bagay na hinaganap nila, pero sa oras na isalansan na ang mga iyon ng mga kasambahay, hindi na nila makita pa.

"Babae lang 'yan na madaling palitan. Kung hindi ka ba naman dalawang kilong tanga, bakit ka nag-propose sa anak ng kaaway ni Papa?" Sermon pa nito na akala naman ay may ambag sa love life niya.

"Labas ako dun," sagot niya sa iritadong boses.

"Labas ka nga pero sila ay gustong idamay ka. And, if that woman…who's that again, Desiree…Desire—"

"Abigail. Desire was the young one. Si Abby ang girlfriend ko," aniya rito pero binato siya nito ng bundle ng pera, na agad naman niyang sinipa, na sinalo naman nito, saka hinalikan.

Mukhang pera.

"Yaday naman sa girlfriend, parang gusto kong maniwala, kapatid!" Humalakhak ito at bigla naman na pumasok ang kanyang isa pang kapatid na si Chaos, nagluluwag ng suot na necktie.

"Problem?" Tanong nito, seryosong nakatingin sa kanya.

"'Yang kapatid mong sira ulo nag-propose sa anak ng kalaban!" Bulalas ni Dusk sabay halakhak ulit.

Napangisi si Chaos at iiling-iling, "You're so foolish."

"Isa ka pa naman," aniya saka pinukol iyon ng masamang tingin.

Parang maling-mali na pumunta siya sa mga kapatid niya. Mas lalo lang sumasama ang loob niya dahil sa mga pinagsasasabi ng mga ito.

What is he expecting from these guys anyway? Dalawa na nga lang ang naiwan sa kanya dahil istokwa na si Cain, lahat pa ay hindi matinong kausap.

"If Papa hears this out, you'll be dead. Was this the woman you were constantly fucking, anak ni Salvatore?" Tanong ni Dusk.

"It was more than fucking. I love her."

Sabay na parang naduwal ang dalawa kaya napatayo na siya. Baka masuntok na ni Midnight ang mga kapatid niyang mga kulang-kulang.

"Bahala kayo sa buhay niyo," naiinis na sabi niya.

Naisip niyang mas mabuti pa sigurong pumunta na lang siya sa court at sumipa ng bola. Hindi niya akalain na ang career na ipinagpalit niya kay Abegail, para lang makasama yun ay mawawalan ng silbi.

"Come on, boy," Chaos said, "Don't let them see you like that. Masyado kang malambot."

Tumingin siya sa kapatid. Somehow, Chaos was right about it.

"Mas lalo ka lang dudurugin ng kaaway kapag ganyan ka. You must learn how to fight back. Kunin mo ang nawala sa'yo. Kung ginago ka ni Salvatore, gaguhin mo rin siya. Kung may kinuha siya sa'yo na mahalaga, kunin mo rin ang mahalaga sa kanya. If he canceled the engagement, wala ka ng magagawa. Ang pinakatama mong gawin, gantihan mo sa paraan na masasaktan din siya tulad ng ginawa niya sa'yo," ani Chaos sa kanya at tumango naman si Dusk, sabay sukbit ng bag sa balikat.

"I agree. Lalayas na ako bago pa dumating si Papa. Diyan na kayo mga mahal kong kapatid," Dusk said as he walked towards Midnight.

Hinalikan siya nito sa ulo tapos ay ganun din si Chaos, saka ito nag-flying kiss, "To my prodigal brother, nasaang panty ka man nakasuot."

Halos matawa siya. Na-realized niyang lahat sila hindi matino. Hindi niya alam kung kanino sila nagmana dahil matino naman ang Papa nila.

Apat silang barako, na anak ni Leonardo Castelloverde. Iba't iba ang mga nanay nila, may mga kanya-kanya na ring mga pamilya. May mga kapatid sila sa ina pero silang apat talaga ang magkaka-close, magkaka-close sa paggawa ng kalokohan.

Sa kaso naman ni Midnight, ang ina niya ay isang Photographer. Marami kasing uri ng negosyo ang Papa niya, may banking management, may agency, service business, may transport at kung anu-ano pa. Si Chaos ang halos nagmamanage ng lahat dahil wala silang interes sa megosyo. Nagrereklamo na nga ito dahil napapagod na raw pero responsable ito para sa kikitain ng lahat.

Hindi uso sa kanila ang gulangan kahit na kung susumahin ay si Dusk ang nakakalamang dahil sa pagsusugal. Bata pa lang sila, habang lumalaki, parating sinasabi ng Papa nila na kapag nag-away sila sa pera at yaman, ipapakain sa kanila ang pera.

Natakot sila dun dahil kilala nila si Leonardo. Kapag may sinabi yun, gagawin nun kahit na gaano pa sila masaktan. Hindi raw kasi sila pwedeng i-baby dahil mga lalaki sila, at dapat na lumaki silang matatag at matapang.

Si Cain ang kaisa-isang nasobrahan sa tapang, na lumayas sa poder ng Papa nila. Kahit na sila ay walang alam kung nasaan yun. Ni hindi yun sumulpot para humingi ng pera.

Sometimes, he wonders if his little brother is still alive. Mahal nila yun kahit yun ay istokwa.

Bumuntong hininga si Midnight sa sinabi ni Chaos, na sinang-ayunan ng panganay nilang si Dusk.

Tumalikod siya at nag-iisip nang malalim. Bagay na hindi na nakikipag-usap sa kanya si Abby, baka sumunod na lang siya sa sinabi ng kapatid niya. May tama si Chaos. Kung damay siya sa away ng mga magulang ni Abby, it's about time na idamay din niya ang lahat ng mahal ni Salvatore.

Maayos naman kasi sana ang lahat, kaya lang ay humadlang ang iho de putang lalaking yun, kaya malamang takot na takot si Abegail.

He badly knows how his girlfriend fears that General. Kahit na nga kapag maroon yun sa mansyon ay hindi sila halos magkita ni Abegail. Parati silang nagtatago na dalawa.

Desire

SMILING ear to ear, she entered the main door. She saw a family van outside their gate. Nag-iisip siya kung kanino iyon pero ngayon ay parang alam na niya. Masa sala ang mga magulang ni Gian, kaharap ang mga magulang niya at mismong si Abegail.

"Nandito na si Desire," imporma ni Jemena sa dalawang may edsd na babae at lalaki. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga iyon dahil matagal na rin silang hindi nagbabakasyon sa probinsya ng Ate niya.

Naalala niya kung paanong sumasaya ang mga kababata nila roon kapag dumarating sila, pero siya lang naman talaga ang maraming kaibigan doon dahil halos siya naman ang maraming kaedad. Si Gian ang kaedad ng Ate niya kaya malamang ang dalawa ang naging close. Kahit na ang pagpupunta sa mga pasyalan ay ang dalawa ang magkasama.

Hindi nga niya alam kung paano napunta si Abby kay Midnight, dahil mula noon pa man talaga, nakatatak na sa isip ni Desire na ang dalawa amg magkakatuluyan. Mutual understanding ang tawag sa relasyon ng dalawa mula pagkabata pa, but when they started to age and no longer able to visit the province, Abby developed something for Midnight Castelloverde.

Nangyari ang pagkakakilala ng dalawa nang manood sila live ng game ng football player. Sa batang edad niya nun, ngayon niya napagtatanto na si Abby ang unang nagpahiwatig kay Midnight, habang nagpapa-autograph sila at nagpapa-picture.

And she would never forget what she saw inside Abby's room. Doon unang na-corrupt ang batang isip niya. Hindi siya nun nakatulog ng ilang gabi. Hindi siya nun umiimik. Her mother thought there was something wrong about her, that she was sick. Naroong ipinalaboratoryo pa siya dahil baka raw may kung anong sakit na siya, kaya siya ay matamlay.

Bumalik na lang siya sa normal nang lumaon na siya ay nalibang sa pagsama sa Mommy niya sa ospital. Since then, when Midnight comes, she hides. Natakot siya sa nasaksihan niya, na hindi naman tao pero sumusuka.

"Ang laki na ni Desire!" Bulalas ng Mommy ni Gian sa kanya, nakangiti habang nakatitig sa kanya.

"Tita Del!" Anaman niya saka lumapit sa mga iyon. Nagmano siya sa dalawa, "Nasaan po si Kuya Gian?"

"Susunod siya, may sinaglitan lang na kamag-anak dito. Ngayon ang pamanhikan namin, Desire."

Tumango siya at tumingin sa Ate Abby niya. Hindi niya maintindihan ang nakikita niya sa mukha nito. Parang balewala naman dito ang naudlot na engagement kay Midnight.

Kahit siya ay nalito kung sino ba talaga ang gusto ni Abegail. Napapaisip siya sa mga sandaling ito na baka si Gian din talaga yun.

"Wait lang po, magpapalit lang po akong damit," aniya dahil naka-uniform pa siya.

Makahulugan ang tingin na ibinigay niya sa Ate niya dahil gusto niya itong sumunod sa kanya, pero mukhang hindi nito nakuha yun.

She walked towards the stairs and composed a message.

Desire : Ate, may sasabihin ako. Akyat ka.

Pasimple niya lang na ipinag-send yun at saka siya dumiretso sa itaas.

Nang nasa kwarto na siya ay narinig niya ang pagbukas ng kanyang pintuan. Pumasok doon ang inaasahan niyang kapatid, nakaarko ang mga kilay sa kanya.

"Ate, si Kuya Midnight, hindi mo raw siya kinakausap."

"Sira ulo ba siya?" Halos pabulong na tanong nito saka isinara ang pinto, na parang takot na marinig sila ng Daddy nila.

"He wants an explanation, Ate."

"Hindi pa ba malinaw na hindi ko na nga siya sinasagot, hindi ko siya kayang ipaglaban. Natatakot ako kay Daddy. Bahala siya."

Napatanga siya saglit pero agad din na ibinaling ang mga mata sa pagkuha ng damit sa cabinet.

She wore her dress and removed her shoes.

"So, ano yun, ganun na lang?"

"Oo. Dapat gets na niya yun. Hindi ko rin naman expected yung engagement niya na yun. Kung sinabi mo yun sa akin, ewan."

Desire paused from removing her socks. Sa tono ng pananalita ni Abegail, malinaw na tatanggihan nito ang proposal ni Midnight, bagay na parang ikinasakit ng damdamin niya. Ayaw niyang magkatuluyan ang dalawa, pero ang marinig na parang ginawa lang ng kapatid niya na palipasan ng oras si Midnight ay nakakasakit ngayon sa puso niya.

Siya ang sobrang naaaawa roon dahil wala yung kaalam alam sa mga nangyari. Siya man ay hindi niya napansin ang kawalang damdamin ng Ate niya kay Midnight. Akala niya nagsi-sex ang dalawa ay mahal ng mga ito ang isa't isa. It seems like it was a one sided love affair. Mukhang si Midnight lang ang nagmahal sa Ate Abby niya.

Sukat doon ay parang nakaramdam siya ng galit dito. Ang lalaking gusto niya mula pa noon ay sinasaktan lang nito ngayon. At ang isa namang yun ay walang kaalam-alam.

Narinig niya ang paglabas ni Abby sa kwarto niya pero siya ay tuod pa rin sa kinauupuan. Hindi niya pwedeng sabihin kay Midnight ang nalaman niya. Mas lalong masasaktan yun kapag nalaman ang totoo, that her sister never invested any feelings for him.

Posible pala yun, na kahit ilang taon na magkasama ay parang wala lang? Hindi niya alam, kasi siya naman ay kabaliktaran. Mula noon ay si Midnight lang, hanggang ngayon na nagduduktor na siya.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rosalie Ogena Fugaban
ud po ganda ai
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
update po maganda to
goodnovel comment avatar
esiolehcat
naku exciting din to.. Miss A
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Midnight's Fall - DBS 1   4

    Chapter 4DesireSHE couldn't sleep. Pabali-baliktad siya sa mamahaling kama, na mula pa sa pagkabata ay kama na niya.Hindi mawaglit ni Desire ang mukha ni Midnight sa sistema niya. Nag-aalala siya sa pwedeng gawin ng lalaki dahil mukhang desperado iyon. Kapag nagkataon, isa sa apat na barako ng mga Castelloverde ang magkakaroon ng depression.Her imagination got worse. She visioned Midnight hanging from the ceiling, lawit ang dila at sabog ang abot balikat na buhok.Agad siyang napabangon at kumamot sa ulo. Bakit ba ito ang nasa isip niya? Nalalapit na ang kanyang hospital affiliation. That is only two days from now. That will be on Monday. She's being preoccupied by Midnight and his downfall.Busy pa rin sa ibaba ang kanyang pamilya. Kasalukuyan na narito si Gian. Rinig niya ang hagikhik ng Ate Abby niya sa labas ng kwarto.How could Abby act so happy while she just broke up with her other ‘boyfriend’? Nawiwindang si Desire. Kung sana ay katulad siya ni Abby na mala-dyosa ang kagan

    Last Updated : 2024-05-28
  • Midnight's Fall - DBS 1   5

    Chapter 5MATULIS ang labi ni Midnight nang lumabas ang nurse sa kwarto na inuukupa niya. His elder brother Chaos was standing in front of him, arms crossed over his chest.Mataman siya nitong pinagmamasdan habang walang imik.“What happened?” Finally, Chaos broke the silence.It wasn't Midnight’s intention to let this man know about what happened, kaya lang ay mukhang tsismoso talaga ang kanyang kapatid, na nagkataon pang napadaan daw sa pinangyarihan ng aksidente, kung saan siya nabangga.He got a minor cut on his forehead. Lucky for him. If not, he'll be needing plastic surgery.Tahimik lang naman siya na umiinom, hanggang sa may babae na lumapit sa kanya at nilandi-landi siya. He didn't even pay attention to that slut. Wala siyang kaalam-alam na ang babae ay may boyfriend na nasa loob din ng bar. That had put him into trouble. He was about to go home when he was confronted by a stranger who had a backup. Umiwas siya sa gulo hindi dahil sa takot siya pero dahil wala siya sa mood

    Last Updated : 2024-06-11
  • Midnight's Fall - DBS 1   6

    Chapter 6PIGIL na pigil ni Desire na kumustahin si Midnight ng mga sumunod na araw. Kasalukuyan silang nagpapasukat ng damit para sa kasal ng Ate niya at ni Gian. Mabilisan ang preparasyon. Money makes everything so possible to be accomplished in no time. Hindi na bago iyon. Sa panahon ngayon talagang pera ang nagsasalita at kumikilos sa lahat ng bagay.She doesn't even know why her father was in a hurry. Hindi naman buntis ang kanyang ate para madaliin ang lahat.She was holding her phone and her fingers were itching to chat with Midnight. He was online. Naka-move on na kaya ito pagkatapos ng dalawang araw, matapos na mabangga?Who knows. Kung oo man, nagpapasalamat siya. Magiging masaya siya para roon.“Hi!”A message popped up with a profile pic. Napamulagat ang dalaga dahil hindi siya makapaniwala sa nakita. Naroon na luminga pa siya sa paligid dahil baka may malisyosong nakatingin sa kanyang smartphone.And there was her mother behind her, looking at her phone.“Mom,” ngumiti s

    Last Updated : 2024-06-12
  • Midnight's Fall - DBS 1   6.1

    Chapter 6.1 WHAT the fuck? Napaka-manang naman ni Desire. Halos mapahilamos pa si Midnight sa mukha nang mag-umpisang mag-SONA ang dalaga sa chat box. “I will not go to your place. Excuse me.” “You better find another place where we can talk, not in your pub.” “Baka mamaya ay may makakita pa sa akin, makarating pa ito kay Daddy, ako na naman ang maging problema.” “I just want to help you and make sure you'll be okay. We better talk in a restaurant, total it's lunch pa naman.” Naka-ilang message na ito habang siya ay iyon lang naman ang sinabi. His plans will not go according to his will if this woman will keep on evading him. Dapat ay mapalapit ito sa kanya. At iyon nga ang gusto niya, ang mabwisit si Salvatore at mamatay-matay sa iritasyon. Saglit siyang nag-isip, hilot ang gilid ng mga labi. He has to think. Okay. Kung ayaw ni Desire sa pub ngayon, sa susunod na lang. Mag-a-aktong Santo na muna siya ngayon dahil siya ang may kailangan. Kumpara kay Abby, mas malambot si Desi

    Last Updated : 2024-06-13
  • Midnight's Fall - DBS 1   7

    Chapter 7 SHE couldn't focus. What is happening to her defense mechanism against Midnight Castelloverde? Parang may sound system at player sa loob ng kanyang utak, na paulit-ulit na nagpi-play ng mga papuri ni Midnight sa kanya. “Helleeeeer!” Agad siyang napaitlag sa mala-sirena ng bombero na boses na iyon ng kanyang bestfriend. She looked at Devi, “Kainis naman ito,” aniya sa lukot na mukha. Devi just laughed, “Bakit kasi lutang ka? Kahit siguro cadaver ang nandito sa may likod mo, ‘di mo mapapansin.” She looked back at the cadaver room and didn't pay attention. Wala na naman siyang takot sa patay. Darating siya sa punto na hahahawak siya ng mga gano'n sa loob mismo ng cadaver museum na ito, na nasa likod niya. At kung sana nga cadaver ang nasa likod niya, at hindi ang napakagwapong imahe ng mukha ni Midnight. She feels so upset. She can't brush him off her mind. Hindi naman siya ganito noon. “I was with Midnight earlier,” she told Devi at komikal na lumaki ang mga mata nito

    Last Updated : 2024-06-14
  • Midnight's Fall - DBS 1   8

    Chapter 8 LALONG sumisidhi ang galit na nararamdaman ni Midnight kay Salvatore. Ipasa-salvage pala ha. Tingnan niya kung alin ang mauuna, ang madurog ang puso no'n o maipapatay siya? Not now that Desire slept while the video call was ongoing. His plans are working. Hindi na siya mahuhulog sa isang Arandia. Si Abby ang huli at hindi sa bunsong si Desire. Gagamitin niya lang ito para parasakitan ang ama nitong mayabang. Once he gets Desire's heart, he'll execute his best plan in no time to get what he wants. And he wants revenge. It's like hitting two birds with one stone. Babalik sa kanya si Abby, natitiyak niya, at masasaktan niya si Salvatore nang husto kapag nasaktan si Desire. He doesn't care how he'll look like in the end. Kahit pa demonyo ang maging tingin sa kanya ng lahat ay wala siyang pakialam. Walang Castelloverde na talunan, lalo na kung sa isang laos na Heneral lang naman ng military. Midnight stood up from the mattress and grabbed his key again. He's ready to go now,

    Last Updated : 2024-06-15
  • Midnight's Fall - DBS 1   9

    Chapter 9 DESIRE didn't bother meeting Midnight before they parted ways. Sinadya niyang huwag ng kausapin ang binata kahit nagsabay silang dalawa. Personally, iiwas pa rin siguro siya dahil iyon ang mas dapat na gawin. Sa chat ay okay lang na magkausap sila. Mahirap pero dapat ay gawin niya. For a peaceful life. She hopped out of her car, and on her left side, a man hopped out of his car, too. Natingnan niya ang lalaki, at tumingin din iyon sa kanya. "Doc Mason!" Agad niyang bati sa trenta y nueve anyos na doktor. "The lovely lady!" Anaman nito sa kanya kaya medyo natawa siya. Si Mason ay may-ari ng ospital kung saan sila nag-duty noong first year College pa lang siya. Her mother personally knows this man. Magaling na doktor ang ama ni Mason, sabi ng Mommy niya. Iyon daw ay isang OB-Gyne doctor kahit na isang lalaki. Ngayon ay babalik silang muli sa ospital nito. Kinukuha nga siya nito bilang assistant, kahit ilang oras lang daw sa gabi para marami siyang matutunan. Hindi pa na

    Last Updated : 2024-06-16
  • Midnight's Fall - DBS 1   10

    Chapter 10 "MOM," Desire was smiling ear to ear when she saw her mother, walking inside the hospital. Napangiti rin si Jemena nang makita siya, at sinenyasan na ang nurse na bumalik na sa station. "Anak, anong ginawa mo rito?" Tanong nito sa kanya. She kissed her mother immediately, "Nakita ko si Doc Mason sa university." "Oh, really?" Tanong nito sa kanya at saka siya inakay papunta sa office nito. "Mom, I think I want to try his offer, pero morning lang, tapos tutuloy na ako sa school after ng duty ko sa kanya." "Are you sure about that? Hindi ka ba mahirapan sa sched?" "Hindi naman siguro, Mom. Saka kung exam week, pwede naman akong magpaalam kay Doc Mason, 'di ba? Will I earn there?" Nakabungisngis na tanong niya sa ina, na agad naman na natawa. Jemena sat on the chair and nodded, "He said, yes. Kaunti lang siguro, anak." "That's fine." "Ikaw, pwede ko na siyang abisuhan, at kung kailan mo balak na magsimula. Just make sure that this will not affect your studies. Your

    Last Updated : 2024-06-17

Latest chapter

  • Midnight's Fall - DBS 1   Special Chapter

    Special Chapter 4 months later... MALAKI ang tiyan, hindi naka-uniform. Iyon ang itsura ni Desire nang lumabas sa classroom, kasabay ang pambansang best friend na si Devi. Nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis ngayon. Tapos na halos ang paghihirap tuwing gumigising siya sa umaga ara magsuka. Sumusuka pa rin siya pero hindi tulad ng dati. Noon, ang katawan niya ay mala Jessy Mendiola, noong binabansagan pa iyon na, 'chubby is the new sexy', pero ngayon ay pumayat si Desire. Nabaliktad na ang takbo ng buhay niya. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang little Midnight. The ultrasound last month showed the gender of the baby. Napakaaga para makita pero hindi rin naman imposible. Wala pang nakakaalam no'n, siya pa lang. Ang litrato ng ultrasound ay ipinakita niya kay Midnight, pero tanga naman iyon na hindi alam kung alin ang itlog at ang putotoy ng anak niya. Ang sabi no'n ay ang ganda ng utak ng anak nila. Tawa siya nang tawa at sinarili niya ang sikreto sa kasarian

  • Midnight's Fall - DBS 1   Epilogue

    Epilogue BUKOD sa napakahaba ng leeg ni Desire ay kandahaba rin ang binti niya habang nasa sidestand ng Red Bull Arena, kasama ang Mommy at Daddy niya at si Leonardo. Tatlong taon pa lang ang lumipas. Ang anak nila ni Midnight na si Rafayel na magtatatlong taon na ay hindi pa nasusundan. Sobra-sobra ang pag-iingat nila ni Midnight para makapagtapos na rin kaagad siya ng pag-aaral. Naoagkasunduan nila iyon, kahit na gusto sana nila na marami silang maging anak. Kasama niya ang anak, nasa side bench din kasama si Jocelyn. Iyon ang nag-aalaga kay Leaf, palayaw ng anak nila. Nasa stadium sila, sa Harrison, New Jersey para suportahan si Midnight at ang buong team, para sa fun game fir a cause. Ang mananalo sa laro na ito ay mabe-benepisyuhan ang mga homeless people sa Pilipinas. Si Midnight ay naimbitahan na sumali sa laro at dalahin ang Pilipinas sa laban. Sikat na sikat pa rin ang mister niya sa larangan ng football. Nagsisipagtilian ang mga dating fans nito, magpa Pilipino o foreig

  • Midnight's Fall - DBS 1   60.1

    Chapter 60.1 "JESUS!" Bulalas ni Midnight sa may likod ng dalawang babae na nagsipag-tilian. Si Desire ay agad na nakadampot ng kung anong bagay at pikit-mata na inihampas sa kanya. "Damn it!" Bulalas din ng binata matapos na dumapo sa mukha niya ang isang matigas na bagay. "Oh God!" Anito at agad siyang nahawakan sa mukha. Mabuti na lamang at hindi matalim o kahoy ang nadampot nito, paglalamayan sana ang gwapo niyang mukha, mukha na tinitilian, pinipilahan at kinababaliwan. "Ikaw talaga, lagi kang nanggugulat," she sassed and hugged him right away, "Sorry," masuyo nitong sabi. "Diyos ko naman, pards. Makatalsik kaluluwa ka naman. Alam mo naman na nandito tayo sa historical place ng baliw na doctor tapos may pabalikat ka," anaman ni Devi na parang hiningal, hindi niya alam kung sa takot o sa katabaan. "I decided to come to check the place. Mahirap na. Kahit may bodyguards, mas tiwala pa rin ako sa abilidad ko," pagmamayabang naman niya kaya natawa ang dalawa. "Sus, may nalala

  • Midnight's Fall - DBS 1   60

    Chapter 60 HAWAK ang sumakit na tagiliran ay napangiwi si Midnight. Ganoon na lang ang pagkataranta ni Desire at kaagad na ipinihit ang mukha ng binata. "Achy?" She asked right away. They even paused at the door. Tumango ito nang kaunti. "Babalik tayo sa hospital," aniya pero natawa ito sa kanya. "I can handle this, love," anito sa kanya pero naiinis siya. "Napakayabang mo naman kasi!" Angil niya rito kaya pangiti-ngiti si Chaos na pumasok at nilagpasan sila. "Castelloverde, Sire," ani Chaos sa kanya habang bitbit no'n ang ilang bag, na may mga gamit nila ni Midnight. "Ay pogi," komento ng mga kasambahay nang makita si Chaos. "Love naman," ani naman ni Midnight sa kanya. "You're so mapilit kasi na umuwi. You don't even want to use the wheelchair. Now, you'd complain because your stitch was aching," naiinis na litanya niya. Si Matilde ay nangingiti habang nakahawak pa rin sa pintuan, naghihintay na tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay. "Tak tak tak tak," an

  • Midnight's Fall - DBS 1   59

    Chapter 59DESIRE wasn't in the room when the police officers came with Salvatore. Tanging kasama ni Midnight ay ang ama niya. Lumabas kasi ang dalaga para ihatid ang mga kaibigan na bumisita sa kanila."Sorry, it took a while for me to visit you. I was busy. I was cooperating with these people to finally get what kind of justice you deserve," Salvatore told him.Nasa tabi nito ang asawa, na siyang nag-aalaga sa kanya roon. Iyon ang tumatayo niyang doctor, bukod pa sa mga surgeon na umopera sa kanya."Thank you, Tito," he said and cleared his throat, "Where is the demon anyway?" Galit na tanong niya.Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa tuwing naalala ang kwento ni Desire sa kanya. Damn that Mason for tasting his woman."Three counts of attempted murder, wala siyang kawala, Midnight. Nasa ospital siya, inopera ang ulo pero pagkatapos ay sa kulungan na ang bagsak niya. I will not let him get away with this, not with what he did to my daughter, to you and to my grandchild," anito sak

  • Midnight's Fall - DBS 1   58

    Chapter 58 KALIWA at kanan ng pakikipag-usap sa telepono ang parating nakikita ni Desire sa labas ng pinto ng kwarto ni Midnight. Nakahanda na iyon para sa paglipat sa binata mula sa ICU. Hindi na siya makapaghintay sa sandaling iyon. Leonardo decided to let his son stay inside the intensive care unit to fully monitor Midnight. Bente kwatro oras, iyon ang gusto ng matanda kaya matyaga siyang naghihintay sa natitirang trenta minutos bago tuluyang makita ang pinakamamahal niyang lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay taon na ang ipinaghihintay niya na makausap si Midnight. Though he was doing okay, she still missed him so much. Nalulungkot siya dahil alam niyang masakit ang mga sugat, at masa masakit ang nangyari. Lumabas na muna siya para hindi siya mainip, at parehas na nasa lobby ang dalawang matanda, kanya-kanyang style sa pagdakip kay Mason. She had given her full testimony to the police. Masakit man na balikan ang lahat ng nangyari, kailangan niyang gawin iyon para sa ikalulutas

  • Midnight's Fall - DBS 1   57

    Chapter 57 DESIRE ran to her father after seeing the old man walking in the hallway. Papalapit ang ama sa kanya sa mabalasik na anyo, na kahit may uban na ay mababakas pa rin ang pagiging isang walang kasing tikas na militar. "Daddy," she sobbed. His men surrounded her. She wasnt able to tell him the story over the phone because she was in a hurry. Kinamayan si Salvatore ng mga pulis na nasa ospital, na nag-i-imbestiga sa kanya dahil halos hindi matapos-tapos ang kanyang magku-kwento. "General Salvatore Arandia," Salvatore introduced himself. Sumaludo ang mga pulis dito habang siya ay hindi makatikal sa ama. "Maupo tayo, Desire," anito sa kanya. Mula sa pasilyo pakaliwa ay lumabas naman si Chaos, galing sa banyo. Lumapit iyon sa kanila at kinamayan ang ama niya. "Does your father know?" Tanong ni Salvatore kay Chaos. Napakabigat ng loob ng matanda sa nangyari. Kahit hindi nito alam ang kabuuan ng kwento, umpisa at katapusan, alam nito ang nangyari. Ang anak niya

  • Midnight's Fall - DBS 1   56

    Chapter 56 NAPAKADILIM ng buong bahay at lahat ng ilaw sa labas ay patay. At dahil walang mga tao sa bahay na nasa may 'di kalayuan ay hindi na nagtataka si Midnight, na kakarampot na liwanag lang mula sa solar lamps sa mga poste ang tumatanglaw sa kalsada, na naaabot ang inuupahang bungalow ni Desire. Ang kanyang dibdib ay sumikip nang tuluyan nang makita ang estado ng bahay. He was damn sure he left the lights on in the living room. Hindi brownout. May ilaw ang lahat sa phase 1 and 2 ng subdibisyon. May nangyayaring hindi maganda. At sukat sa kaisipan na iyon ay gusto niyang umiyak. Nasa loob ang Desire niya, mag-isa. He called his brother Chaos before hopping out of the car. Hindi niya masasabing tanga si Desire para tumira sa ganitong lugar. Maayos naman kasi ang subdibisyon, at kahit siya ay wala naman isip na masama noong una, pero ngayon, napagtatanto niya na may mali. "Hello—" "Backup," iyon lang ang sinabi niya at agaran na nag-type ng mensahe para sabihin sa kapati

  • Midnight's Fall - DBS 1   55

    Chapter 55 UMAGOS ang mga luha ni Desire sa mata habang nakatitig sa kisame na balot ng kadiliman. Kahit anong pilit ay hindi niya lubos na maisip kung ano ang pumasok sa isip ng napakabait na Mason para gawin ang kahayupan na ito sa kanya. He undressed her. She remembered now. Naalimpungatan siya kanina nang tumunog ang grills sa may garahe pero dahil sa sobrang antok at pagod dala ng pagbubuntis hindi niya nagawang bumangon. She was expecting it to be Midnight. Kampante siyang iyon ang pumasok dahil iyon lang naman ang may duplicate key. Wait. Hindi kaya may nangyaring masama kay Midnight? Lalo siyang napahikbi. Naalala niya na may tumakip sa ilong niya, at naamoy niya ang isang panyo na siyang naging dahilan ng kanyang lubos na pagkahilo at pagkakatulog. Now, she's naked. "Let me go!" She cried again, "Let me go, please..." Nahahapo niyang pakiusap, "Paano mo ito nagawa sa akin, Doc Mason?" Napailing siya sa sobrang sakit ng kalooban. She trusted this man since she

DMCA.com Protection Status