Chapter 7 SHE couldn't focus. What is happening to her defense mechanism against Midnight Castelloverde? Parang may sound system at player sa loob ng kanyang utak, na paulit-ulit na nagpi-play ng mga papuri ni Midnight sa kanya. “Helleeeeer!” Agad siyang napaitlag sa mala-sirena ng bombero na boses na iyon ng kanyang bestfriend. She looked at Devi, “Kainis naman ito,” aniya sa lukot na mukha. Devi just laughed, “Bakit kasi lutang ka? Kahit siguro cadaver ang nandito sa may likod mo, ‘di mo mapapansin.” She looked back at the cadaver room and didn't pay attention. Wala na naman siyang takot sa patay. Darating siya sa punto na hahahawak siya ng mga gano'n sa loob mismo ng cadaver museum na ito, na nasa likod niya. At kung sana nga cadaver ang nasa likod niya, at hindi ang napakagwapong imahe ng mukha ni Midnight. She feels so upset. She can't brush him off her mind. Hindi naman siya ganito noon. “I was with Midnight earlier,” she told Devi at komikal na lumaki ang mga mata nito
Chapter 8 LALONG sumisidhi ang galit na nararamdaman ni Midnight kay Salvatore. Ipasa-salvage pala ha. Tingnan niya kung alin ang mauuna, ang madurog ang puso no'n o maipapatay siya? Not now that Desire slept while the video call was ongoing. His plans are working. Hindi na siya mahuhulog sa isang Arandia. Si Abby ang huli at hindi sa bunsong si Desire. Gagamitin niya lang ito para parasakitan ang ama nitong mayabang. Once he gets Desire's heart, he'll execute his best plan in no time to get what he wants. And he wants revenge. It's like hitting two birds with one stone. Babalik sa kanya si Abby, natitiyak niya, at masasaktan niya si Salvatore nang husto kapag nasaktan si Desire. He doesn't care how he'll look like in the end. Kahit pa demonyo ang maging tingin sa kanya ng lahat ay wala siyang pakialam. Walang Castelloverde na talunan, lalo na kung sa isang laos na Heneral lang naman ng military. Midnight stood up from the mattress and grabbed his key again. He's ready to go now,
Chapter 9 DESIRE didn't bother meeting Midnight before they parted ways. Sinadya niyang huwag ng kausapin ang binata kahit nagsabay silang dalawa. Personally, iiwas pa rin siguro siya dahil iyon ang mas dapat na gawin. Sa chat ay okay lang na magkausap sila. Mahirap pero dapat ay gawin niya. For a peaceful life. She hopped out of her car, and on her left side, a man hopped out of his car, too. Natingnan niya ang lalaki, at tumingin din iyon sa kanya. "Doc Mason!" Agad niyang bati sa trenta y nueve anyos na doktor. "The lovely lady!" Anaman nito sa kanya kaya medyo natawa siya. Si Mason ay may-ari ng ospital kung saan sila nag-duty noong first year College pa lang siya. Her mother personally knows this man. Magaling na doktor ang ama ni Mason, sabi ng Mommy niya. Iyon daw ay isang OB-Gyne doctor kahit na isang lalaki. Ngayon ay babalik silang muli sa ospital nito. Kinukuha nga siya nito bilang assistant, kahit ilang oras lang daw sa gabi para marami siyang matutunan. Hindi pa na
Chapter 10 "MOM," Desire was smiling ear to ear when she saw her mother, walking inside the hospital. Napangiti rin si Jemena nang makita siya, at sinenyasan na ang nurse na bumalik na sa station. "Anak, anong ginawa mo rito?" Tanong nito sa kanya. She kissed her mother immediately, "Nakita ko si Doc Mason sa university." "Oh, really?" Tanong nito sa kanya at saka siya inakay papunta sa office nito. "Mom, I think I want to try his offer, pero morning lang, tapos tutuloy na ako sa school after ng duty ko sa kanya." "Are you sure about that? Hindi ka ba mahirapan sa sched?" "Hindi naman siguro, Mom. Saka kung exam week, pwede naman akong magpaalam kay Doc Mason, 'di ba? Will I earn there?" Nakabungisngis na tanong niya sa ina, na agad naman na natawa. Jemena sat on the chair and nodded, "He said, yes. Kaunti lang siguro, anak." "That's fine." "Ikaw, pwede ko na siyang abisuhan, at kung kailan mo balak na magsimula. Just make sure that this will not affect your studies. Your
Chapter 11 "WHAT the fuzz?" Gulat na sambit ni Desire nang makita ang lalaking may mahabang buhok. Diyos ko naman. Hanggang dito ba naman ay magpapangita sila ni Midnight? "Kuya Night? What are you doing here?" Tanong ng dalaga sabay linga sa paligid. "Why? Masama bang nandito ako sa debut ni... Y-Yasmin." "You know Yasmin?" Nanlalaki ang mga mata na tanong pa ni Desire sa kanya. "She's my fan." Napatanga ito lalo at nag-isip. Mukhang hindi ito naniniwala sa mga kasinungalingan niya. Ang mahalaga sa kanya ay narito na siya at ngayon ay magkakaroon ng kaganapan ang lahat ng kanyang plano... NAPATULALA kay Midnight ang babaeng kanyang kaharap. Literal na hinarang niya ito at pinag-plasteran ng napakagandang ngiti ang kanyang mukha, habang ito naman ay naglalakad sa hallway, kasama ang mga kaibigan. That was his weapon to get what he wanted when it came to women. And now was the only time he used it again. "Y-Yes?" Kandautal na sabi ng dalaga sa kanya, nakatulala sa kanya. Ma
Chapter 12 DIYOS KO. Hinanap ni Desire ang kanyang clutch bag pero sa kasamaang palad ay hindi lang doble ang kanyang tingin. Nakatayo siya sa may fountain, hawak sa kanyang kamay ang kanyang juice. She lifted it and stared at it while her hand was shaking uncontrollably. Why is this happening? Hindi naman alak ang kanyang iniinom para makaramdam siya ng ganito, na daig pa niya ang lasing. She doesn't drink. God knows it. Nilinaw niya sa waiter na walang alak ang juice dahil nagmamaneho siya papauwi. And she promised her mother that she wouldn't drink. She never did even before, not even once. Gusto niyang hilutin ang noo. Ang mesa niya ay nasa malapit lang sa fountain kaya alam niyang naroon lang ang kanyang clutch bag sa upuan. Wala ng laman ang mesa nila dahil lahat ay nasa gitna na ng bulwagan, nagsasayawan, naghihiyawan. Sikat na content creator na si Yasmin kahit paano, kaya hindi na nga nakapagtataka na maraming bisita na mga taga social media. "K-Kuya N-Night?" Kandabul
Chapter 13 SHE shut her eyes when she saw some men at their gate. Ang Mommy niya ang kausap ng mga iyon, at malamang ay miyembro ang mga iyon ng military. Her mother looks panicking. Dumiretso siya sa pagmamaneho papalapit, hanggang sa naagaw na niya ang pansin ng ina na umiiyak. Bumusina siya at saka dumiretso pa rin sa garahe. Sumunod kaagad si Jemena sa kanya. Naroon din si Gian at ang Ate Abby niya. Bumaba siya sa kotse kahit na hindi niya alam kung anong sasabihin sa Mommy niya. "She's here! Wait, hon!" Jemena blurted. Kaagad itong lumapit sa kanya, para bang wala pang tulog, "Desire!" Agad na bungad ng ina sa kanya, bagay na lalo niyang ikipanghina. "Mommy," mahina niyang sabi. "Saan ka ba galing?! You said, you'd be home by 12:00! Namuti na ang mga mata ko sa kakahintay sa iyo! Your Dad was calling for the umpteenth time already, asking where were you. Magpaliwanag ka kaagad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Coming from our daughter who had been true to her words al
Chapter 14PAULIT-ULIT na iniisip ni Midnight kung anong ginawa niya nang nagdaan na gabi. Nalasing siya. Hindi niya iyon plano pero naparami pala ang inom niya. Ngayon, lito siya kung nahugot ba niya ang pagkalalaki niya nang lalabasan na siya.He pursed his lips and massaged the corners. Hinugot niya. Tama. Hinugot niya. Iyon ang kanyang natatandaan, hindi siya pwedeng magkamali. Lasing siya pero naaalala niya. Hindi naman niya gugustuhin na makabuntis lalo pa kung si Desire iyon. He isn't even ready to be a father yet, kaya paano naman na hahayaan niya niya ang sarili na putukan sa loob ang babaeng 'di naman niya mahal? He was not that stupid. Desire is just a part of his revenge.Sumulyap siya sa smartphone. Nababalisa siya dahil wala pang kumukontak sa kanya para panagutan ang ginawa niya. Hindi kaya hindi rin umaayon ang lahat sa plano niya? Shit!Inis siyang napatayo at nag-umpisang magpalakad-lakad. That is not possible. Salvatore has to beg him to be responsible for what he d
Special Chapter 4 months later... MALAKI ang tiyan, hindi naka-uniform. Iyon ang itsura ni Desire nang lumabas sa classroom, kasabay ang pambansang best friend na si Devi. Nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis ngayon. Tapos na halos ang paghihirap tuwing gumigising siya sa umaga ara magsuka. Sumusuka pa rin siya pero hindi tulad ng dati. Noon, ang katawan niya ay mala Jessy Mendiola, noong binabansagan pa iyon na, 'chubby is the new sexy', pero ngayon ay pumayat si Desire. Nabaliktad na ang takbo ng buhay niya. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang little Midnight. The ultrasound last month showed the gender of the baby. Napakaaga para makita pero hindi rin naman imposible. Wala pang nakakaalam no'n, siya pa lang. Ang litrato ng ultrasound ay ipinakita niya kay Midnight, pero tanga naman iyon na hindi alam kung alin ang itlog at ang putotoy ng anak niya. Ang sabi no'n ay ang ganda ng utak ng anak nila. Tawa siya nang tawa at sinarili niya ang sikreto sa kasarian
Epilogue BUKOD sa napakahaba ng leeg ni Desire ay kandahaba rin ang binti niya habang nasa sidestand ng Red Bull Arena, kasama ang Mommy at Daddy niya at si Leonardo. Tatlong taon pa lang ang lumipas. Ang anak nila ni Midnight na si Rafayel na magtatatlong taon na ay hindi pa nasusundan. Sobra-sobra ang pag-iingat nila ni Midnight para makapagtapos na rin kaagad siya ng pag-aaral. Naoagkasunduan nila iyon, kahit na gusto sana nila na marami silang maging anak. Kasama niya ang anak, nasa side bench din kasama si Jocelyn. Iyon ang nag-aalaga kay Leaf, palayaw ng anak nila. Nasa stadium sila, sa Harrison, New Jersey para suportahan si Midnight at ang buong team, para sa fun game fir a cause. Ang mananalo sa laro na ito ay mabe-benepisyuhan ang mga homeless people sa Pilipinas. Si Midnight ay naimbitahan na sumali sa laro at dalahin ang Pilipinas sa laban. Sikat na sikat pa rin ang mister niya sa larangan ng football. Nagsisipagtilian ang mga dating fans nito, magpa Pilipino o foreig
Chapter 60.1 "JESUS!" Bulalas ni Midnight sa may likod ng dalawang babae na nagsipag-tilian. Si Desire ay agad na nakadampot ng kung anong bagay at pikit-mata na inihampas sa kanya. "Damn it!" Bulalas din ng binata matapos na dumapo sa mukha niya ang isang matigas na bagay. "Oh God!" Anito at agad siyang nahawakan sa mukha. Mabuti na lamang at hindi matalim o kahoy ang nadampot nito, paglalamayan sana ang gwapo niyang mukha, mukha na tinitilian, pinipilahan at kinababaliwan. "Ikaw talaga, lagi kang nanggugulat," she sassed and hugged him right away, "Sorry," masuyo nitong sabi. "Diyos ko naman, pards. Makatalsik kaluluwa ka naman. Alam mo naman na nandito tayo sa historical place ng baliw na doctor tapos may pabalikat ka," anaman ni Devi na parang hiningal, hindi niya alam kung sa takot o sa katabaan. "I decided to come to check the place. Mahirap na. Kahit may bodyguards, mas tiwala pa rin ako sa abilidad ko," pagmamayabang naman niya kaya natawa ang dalawa. "Sus, may nalala
Chapter 60 HAWAK ang sumakit na tagiliran ay napangiwi si Midnight. Ganoon na lang ang pagkataranta ni Desire at kaagad na ipinihit ang mukha ng binata. "Achy?" She asked right away. They even paused at the door. Tumango ito nang kaunti. "Babalik tayo sa hospital," aniya pero natawa ito sa kanya. "I can handle this, love," anito sa kanya pero naiinis siya. "Napakayabang mo naman kasi!" Angil niya rito kaya pangiti-ngiti si Chaos na pumasok at nilagpasan sila. "Castelloverde, Sire," ani Chaos sa kanya habang bitbit no'n ang ilang bag, na may mga gamit nila ni Midnight. "Ay pogi," komento ng mga kasambahay nang makita si Chaos. "Love naman," ani naman ni Midnight sa kanya. "You're so mapilit kasi na umuwi. You don't even want to use the wheelchair. Now, you'd complain because your stitch was aching," naiinis na litanya niya. Si Matilde ay nangingiti habang nakahawak pa rin sa pintuan, naghihintay na tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay. "Tak tak tak tak," an
Chapter 59DESIRE wasn't in the room when the police officers came with Salvatore. Tanging kasama ni Midnight ay ang ama niya. Lumabas kasi ang dalaga para ihatid ang mga kaibigan na bumisita sa kanila."Sorry, it took a while for me to visit you. I was busy. I was cooperating with these people to finally get what kind of justice you deserve," Salvatore told him.Nasa tabi nito ang asawa, na siyang nag-aalaga sa kanya roon. Iyon ang tumatayo niyang doctor, bukod pa sa mga surgeon na umopera sa kanya."Thank you, Tito," he said and cleared his throat, "Where is the demon anyway?" Galit na tanong niya.Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa tuwing naalala ang kwento ni Desire sa kanya. Damn that Mason for tasting his woman."Three counts of attempted murder, wala siyang kawala, Midnight. Nasa ospital siya, inopera ang ulo pero pagkatapos ay sa kulungan na ang bagsak niya. I will not let him get away with this, not with what he did to my daughter, to you and to my grandchild," anito sak
Chapter 58 KALIWA at kanan ng pakikipag-usap sa telepono ang parating nakikita ni Desire sa labas ng pinto ng kwarto ni Midnight. Nakahanda na iyon para sa paglipat sa binata mula sa ICU. Hindi na siya makapaghintay sa sandaling iyon. Leonardo decided to let his son stay inside the intensive care unit to fully monitor Midnight. Bente kwatro oras, iyon ang gusto ng matanda kaya matyaga siyang naghihintay sa natitirang trenta minutos bago tuluyang makita ang pinakamamahal niyang lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay taon na ang ipinaghihintay niya na makausap si Midnight. Though he was doing okay, she still missed him so much. Nalulungkot siya dahil alam niyang masakit ang mga sugat, at masa masakit ang nangyari. Lumabas na muna siya para hindi siya mainip, at parehas na nasa lobby ang dalawang matanda, kanya-kanyang style sa pagdakip kay Mason. She had given her full testimony to the police. Masakit man na balikan ang lahat ng nangyari, kailangan niyang gawin iyon para sa ikalulutas
Chapter 57 DESIRE ran to her father after seeing the old man walking in the hallway. Papalapit ang ama sa kanya sa mabalasik na anyo, na kahit may uban na ay mababakas pa rin ang pagiging isang walang kasing tikas na militar. "Daddy," she sobbed. His men surrounded her. She wasnt able to tell him the story over the phone because she was in a hurry. Kinamayan si Salvatore ng mga pulis na nasa ospital, na nag-i-imbestiga sa kanya dahil halos hindi matapos-tapos ang kanyang magku-kwento. "General Salvatore Arandia," Salvatore introduced himself. Sumaludo ang mga pulis dito habang siya ay hindi makatikal sa ama. "Maupo tayo, Desire," anito sa kanya. Mula sa pasilyo pakaliwa ay lumabas naman si Chaos, galing sa banyo. Lumapit iyon sa kanila at kinamayan ang ama niya. "Does your father know?" Tanong ni Salvatore kay Chaos. Napakabigat ng loob ng matanda sa nangyari. Kahit hindi nito alam ang kabuuan ng kwento, umpisa at katapusan, alam nito ang nangyari. Ang anak niya
Chapter 56 NAPAKADILIM ng buong bahay at lahat ng ilaw sa labas ay patay. At dahil walang mga tao sa bahay na nasa may 'di kalayuan ay hindi na nagtataka si Midnight, na kakarampot na liwanag lang mula sa solar lamps sa mga poste ang tumatanglaw sa kalsada, na naaabot ang inuupahang bungalow ni Desire. Ang kanyang dibdib ay sumikip nang tuluyan nang makita ang estado ng bahay. He was damn sure he left the lights on in the living room. Hindi brownout. May ilaw ang lahat sa phase 1 and 2 ng subdibisyon. May nangyayaring hindi maganda. At sukat sa kaisipan na iyon ay gusto niyang umiyak. Nasa loob ang Desire niya, mag-isa. He called his brother Chaos before hopping out of the car. Hindi niya masasabing tanga si Desire para tumira sa ganitong lugar. Maayos naman kasi ang subdibisyon, at kahit siya ay wala naman isip na masama noong una, pero ngayon, napagtatanto niya na may mali. "Hello—" "Backup," iyon lang ang sinabi niya at agaran na nag-type ng mensahe para sabihin sa kapati
Chapter 55 UMAGOS ang mga luha ni Desire sa mata habang nakatitig sa kisame na balot ng kadiliman. Kahit anong pilit ay hindi niya lubos na maisip kung ano ang pumasok sa isip ng napakabait na Mason para gawin ang kahayupan na ito sa kanya. He undressed her. She remembered now. Naalimpungatan siya kanina nang tumunog ang grills sa may garahe pero dahil sa sobrang antok at pagod dala ng pagbubuntis hindi niya nagawang bumangon. She was expecting it to be Midnight. Kampante siyang iyon ang pumasok dahil iyon lang naman ang may duplicate key. Wait. Hindi kaya may nangyaring masama kay Midnight? Lalo siyang napahikbi. Naalala niya na may tumakip sa ilong niya, at naamoy niya ang isang panyo na siyang naging dahilan ng kanyang lubos na pagkahilo at pagkakatulog. Now, she's naked. "Let me go!" She cried again, "Let me go, please..." Nahahapo niyang pakiusap, "Paano mo ito nagawa sa akin, Doc Mason?" Napailing siya sa sobrang sakit ng kalooban. She trusted this man since she