Home / Romance / Another Hundred Years to Love You / Chapter 61 - Chapter 70

All Chapters of Another Hundred Years to Love You: Chapter 61 - Chapter 70

71 Chapters

Sixty

LanceGanoon na lang ang laki ng pasasalamat ko nang makita si Liza na pumasok ng school ng umagang iyon. Maging ako man ay bumalik na din sa pag-aaral ko dahil na din sa pakiusap nina Tito Rodrigo at Tita Estrella. Idagdag pa na hindi ako tinatantan ng pangungulit ni Mom Zennedy. Malayo ang babae at kasama nito ang nobyo nitong si Jaspher Del Valle, isa din sa mga kinikilalang anak at may pangalang iniingatan sa lipunan. Tapos na eksena at hindi ko iyon alam kung ano pero nakita ko pa ang mga nagkalat na petals ng red rose sa lugar na kinaroroonan.May nakita akong nagwawalis ng mga nagkandahulog na petals. Siguro ay binayaran ang mga iyon ni Jaspher matapos ang makakapigil-hiningang performance nito para sa babae. Hindi naman ako nakaramdam ng inggit sa klase ng preparations ng lalaki at wala akong say doon. Mas importante sa akin ay makausap ang isa sa mga kaibigan ni Mj at umaasang may makukuha akong ideya kung nasaan ang babae. Hangga't hindi ko natitiyak kung nasaan ang babae
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

Sixty One

Crystal Nagulat ako nang isang pamliyar na boses ang tumawag sa akin habang nasa Drugstore kami ni Jarred. May binili lang ako sandali roon, mga disenfectants at ointment para kung sakaling manakit nag aking puson ay may magagamit ako. Nilingon ko at hinanap ang pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mga mata ko na hindi makapaniwala sa nakikitang pamilyar na bulto. Naumid din ang dila ko na hindi agad nakahuma at parang napako sa kinatatayuan. Wala doon si Jarred nang mga oras na iyon dahil nagpaalam ito sandali at may pupuntahan lamang. Nang ganap na makabawi ay walang salitang tinalikuran ko na lamang si Kent. Wala din naman akong dahilan para kausapin ito. Napahinto ako ng paghakbang nang bigla niya ako tinawag ulit. "Sandali--" Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit at alam kong mula iyon kay Kent. Nilingon ko siya na puno ng pagkairita. Sa loob ng halos dalawang buwan ay para siyang naging hangin matapos makuha ang gusto sa akin. Ngayon ay bigla itong magpapakita para ano?
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

Sixty Two

] Lance Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan. Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito. Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila. Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

Sixty Three

Lance Alam kong kahit anong oras ay puwede kong sugurin at kunin si Mj sa bahay ni Liza pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Dapat maingat ako sa aking mga kilos at hindi padalus-dalos. Pagkalipas ng ilang linggo ay sa wakas at natagpuan ko na rin ang babae. Ang buiong akala ni Liza ay basta na lamang akong maniniwala sa sinabi nitong wala itong nalalaman tungkol sa lokasyon ni Mj. Masyado itong naging kumpiyansiya at panatag kaya nakalimutan nito kung anong ugali mayrooon ang isang kagaya kong si Lance Jericho Ballesteros. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapaamin rito at sinamahan ko na din ng konting pananakot ay napakanta ko din si Liza. Nanginginig ito noong tinakot ko na masasaktan kung hindi magsasalita. Sariwang-sariwa pa sa isip ko ang pamimilit kong nagawa rito noon. Nasa isip ko pa din ang kawawa at hindi maipintang mukha ng babae ng minsan ay magkita kami at makorner ko siya. ~~~ Hindi ko alam kung saan siya noon nanggaling pero inabangan ko ang kaniyang pagdaan sa lugar
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

Sixty Four

Lance Hindi ko alam kung panaginip lang ito pero umaasa akong sana nga. Hawak-hawak ko ang isang magnum na baril ng mga oras na iyon at itinututok ko iyon kay Mj. Noon ko din narealized na nakagapos si Mj sa isang tabi, tigmak sa luha ang mga mata nito at nagmamakaawa. “P-please, don’t do this Lance.” Pagsusumamo niya sa akin. “I-i know it is not you. Sabihin mong hindi ikaw ito, Lance. Hindi ikaw ang Lance na kilala ko… at nakilala ko.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita at napalunok ng laway. “H-hindi ikaw si Lance na nakilala ko at natutunan kong mahalin. I swear, hindi ikaw ‘to.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay parang napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko habang nakikita ang babae, luhaan, sugatan, gapos at nagmamakaawa sa akin. Parang nahahati ang kaluluwa ko. Naroon ang pagkamuhi ngunit nandoon din ang pusong mapagpatawad. Hindi ko maisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon pero I swear, parang isang bahagi ng puso ko ang may basag. Nagulat ako nang n
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more

Sixty Five

Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a
last updateLast Updated : 2024-02-25
Read more

Sixty Six

Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban
last updateLast Updated : 2024-02-25
Read more

Sixty Seven

Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
last updateLast Updated : 2024-02-26
Read more

Sixty Eight

Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more

Sixty Nine

Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta
last updateLast Updated : 2024-02-27
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status