Home / Romance / Love Between The Words / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Love Between The Words: Kabanata 11 - Kabanata 20

47 Kabanata

Chapter 11

Thalia’s Point of view Sa bawat dantay ng mga labi niya sa makinis kong balat ay naghahatid ito ng matinding kilabot sa aking pagkatao. Tila kuryenteng gumapang sa bawat himaymay ng aking laman na siyang gumigising sa aking kamalayan habang ang pangahas na kamay nito ay marahang humahaplos sa ‘king kahubdan. Sinamba ng kanyang mga labi ang lahat ng parte ng aking katawan, ipinaramdam niya kung gaano ako kahalaga sa kanya habang ako ay walang humpay sa pagpapakawala ng mga ungol dulot ng matinding sarap na nararanasan.Mga katawan ay pawisan di alintana ang malagkit na pakiramdam, dahil higit na pinagtutuunan ng pansin ang nagliliyab na pagnanasa na nararamdaman ng isa’t-isa. Walang humpay sa pag-indayog ayon sa saliw ng musika na tanging kami lang ang nakakaalam habang humahampas sa aking mukha ang marahas niyang hininga.“Ohhhh…” isang mahabang ungol ang aking pinakawalan ng maging marahas ang kanyang pagkilos, walang habas na inangkin nito ang aking katawan. Ang hinuha ko ay madali
last updateHuling Na-update : 2023-10-04
Magbasa pa

Chapter 12

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, nakatakdang sumailalim sa isang operasyon si Thalia. Pinaghalong kabâ at pananabik ang nararamdaman ni Thalia ng mga oras na ito habang nakaupo sa gilid ng kanyang kama.Hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan at nagulat pa siya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang nobyo niyang si Ali na abot hanggang tainga ang ngiti sa bibig nito.“Babe, we need to go now.” Ani ni Ali at kaagad na lumapit ito kay Thalia, hinawakan niya ito sa kamay saka hinapit sa baywang. Sabay silang humakbang palabas ng kwarto, ito ang unang pagkakataon na lalabas ng kwarto ang dalaga kaya kakaiba sa kanyang pakiramdam ang presensya ng paligid sa labas ng kwarto.Sa paghakbang ng kanyang mga paa sa bawat baitang ng hagdan ay nanibago siyang bigla, mahigpit siyang kumapit sa katawan ng nobyo.Dahil hindi na siya pamilyar sa kanyang paligid ay kinailangan na niyang mangapa sa pader gamit ang kanang kamay nito. Iba na ang kilos niya kumpara sa loob ng kan
last updateHuling Na-update : 2023-10-04
Magbasa pa

Chapter 13

Alistair’s Point of view “You need to do something, Mr. Welsh. Kailangan mong gumawa ng paraan bago pa tuluyang maapektuhan ang imahe ng kumpanya.” Ani ng isang board member, Ang mukha nito ay kababakasan mo ng labis na pag-aalala. Nahaharap sa isang malaking eskandalo ang pangalan ng aking kumpanya dahil sa lihim na pakikipag alyansa ni Marco sa LYCOM company ayon na rin sa report na natanggap ko. Batid ko na siya ang nasa likod ng lahat ng ito dahil siya lang naman ang taong labis na naghahangad sa aking posisyon.Ang LYCOM company ay ang mahigpit na katunggali ng WELSH LTD. company sa marketing at may hinuha ako na ninakaw ni Marco ang mga orihinal na kopya ng mga bagong design ng condo unit na ilalaunch na sana ng kumpanya sa susunod na buwan. Ngunit labis na gumimbal sa aming lahat ng nauna pang maglabas ang LYCOM company ng kanilang bagong model ng mga condo units at halos kuha nito ang lahat ng detalye ng design na nasa blueprint ng kumpanya na pinaghirapan namin ng mga empleya
last updateHuling Na-update : 2023-10-05
Magbasa pa

Chapter 14

Thalia’s Point of view After a one and half month, sa wakas ay tatanggalin na ang gasang nakabalot sa aking mga mata. Malalaman na rin namin kung naging matagumpay ba ang operasyon na ginawa nila sa akin. Matinding pananabik at ibayong kabâ ang nararamdaman ko ng mga oras na ito dahil sa wakas ay masisilayan ko na ang mundo at higit sa lahat ay ang mukha ng mahal kong si Ali.Simula ng operahan ako ay hindi ko na muling narinig pa ang boses ni Ali, maging ang kanyang presensya ay hindi ko narin naramdaman. Parang gusto ko ng magtampo ngunit paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Yaya Lani na unawain ko raw ang aking nobyo dahil abala daw ito sa kanyang mga negosyo. Anya tuwing gabi naman daw ay binabantayan ako nito hindi ko lang namamalayan ang kanyang pagdating dahil mahimbing daw kasi ang tulog ko. Alam ko na mayroon na hindi magandang nangyayari at sinisikap lang nila na pagaanin ang loob ko. Batid ko kung gaano ako kamahal ni Ali kaya iniiwasan ko rin ang mag-isip ng hindi magandang
last updateHuling Na-update : 2023-10-05
Magbasa pa

Chapter 15

Thalia’s Point of view Sa bawat sulok ng silid Kaakibat ay alaalaPilitin mang kalimutan Ngunit tila hangin kung magparamdamSa panahong nakasama kaMga salita mo’y tila musika Sa aking pandinigPuso ko’y iyong tinuruan Lumipad ng kay taasSa piling mo ay tila narating ang langitNagugunita ko sa bawat sandali Di ba’t kalungkuta’yWalang puwang sa pusong umiibig?Noo’y mga salitang pagsinta Kahulugan ay ligayaNgunit sa pagbabalik tanawMga matatamis na salita Mula sa nakaraan tila isang talimMatindi kung humiwaIbayong sakit ang dulot Nang matamis mong salitaPaano kakayaning kalimutan Kung ang puso ko’y Kasama mong naglaho.Ikaw na nagturo kung paano ngumitiIkaw na nagbigay liwanag sa madilim Kong mundoBinigyan mo ng liwanag ang aking mundoNgunit bakit kadiliman pa rin ang akingnatatanaw?“Walang humpay sa pagpatak ang aking mga luha, kay sakit isipin na basta na lang akong iniwan ni Ali ng walang dahilan. May mga mata nga ako ngunit nanatili pa ring madilim ang aki
last updateHuling Na-update : 2023-10-06
Magbasa pa

Chapter 16

Alistair’s Point of view“I’m so sorry, Mr. Welsh, dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sinasakyan mo ay naipit ang iyong mga binti. Kailangan mong dumaan sa ilang mga pagsusuri para malaman natin kung may pag-asa ka pa bang makalakad.” Paliwanag ng doctor na tila isang suntok na tumama sa dibdib ko. Wala akong magawa kung hindi ang matulala sa kawalan, pakiramdam ko ay ipinagkait na sa akin ang lahat. “Ilang araw akong walang malay, Mama?” Maya-maya ay tanong ko, inilayo ng aking ina ang kanyang sarili mula sa akin saka tumitig sa mukha ko ang luhaan niyang mga mata.“Isang buwan at tatlong linggo na anak.” Anya sa malungkot na tinig, nagimbal ako sa aking narinig. Hindi ko sukat akalain na ganun na pala ako katagal na walang malay, nanlalabo ang aking mga mata parang gusto ko ng umiyak ng pumasok sa aking isipan si Thalia. Sigurado ako na maraming nangyari sa loob ng isa’t kalahating buwan, ngunit ang mas gusto kong malaman ay kung naging matagumpay ba ang operasyon ng aking nobya.“S
last updateHuling Na-update : 2023-10-06
Magbasa pa

Chapter 17

“Get out!” Parang kulog sa lakas ang tinig ng binata ng walang awa niyang sigawan ang kanyang private nurse na naghatid ng pagkain at mga gamot sa loob ng kanyang kwarto. Halos manginig sa matinding takot ang lahat ng mga kasambahay dahil sa bagsik ng binata. Malaki ang pinagbago ni Alistair, higit itong naging masungit at mabilis na mag-init ang kanyang ulo lalo na kapag nahuhuli niya ang isang tao na nakatingin sa kanya. Dahil para sa binata ay isang kalapastanganan iyon sa kanyang kondisyon.Halos wala ng makapasok sa loob ng kanyang kwarto dahil lagi na lang siyng pabulyâw kung magsalita o mag-utos. Umiiyak na lumabas ng silid ang Nurse habang patuloy sa panginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding takot sa binata. Napalingon ang lahat sa may hagdan ng maramdaman nila ang presensya ni Doña Amanda na kasalukuyang pumapanhik ng hagdan.“Anong nangyayari dito?” Nagtataka na tanong ng ginang sa mga kasambahay na nakahilera sa labas ng kwarto nang kanyang anak. Pawang mga nakayuk
last updateHuling Na-update : 2023-10-07
Magbasa pa

Chapter 18

“Napaka Gwapo talaga ng aking anak, mabuti na lang at nagmana ka sa akin.” Ani ni Matilda, ang ina ni Marco.“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito, Iho, siguraduhin mo na tuluyan ng mapupunta sa iyo ang buong kumpanya.” Maya-maya’y seryosong saad nito habang inaayos ang kurbata ng kanyang anak bago hinaplos ng palad nito ang kaliwang pisngi ng binata.Maagang naulila si Marco sa Ama at tanging silang mag-ina na lang ang nagdadamayan, mataas ang pangarap ni Matilda para sa kanyang anak kaya hinangad nito ang mas mataas na posisyon. Bata pa lang ay itinatak na niya sa isip ng kanyang anak na dapat ay sa kanya mapunta ang kumpanya ng kanilang Abuelo.“Huwag kang mag-alala, Mama, dahil ngayong araw mismo ay mangyayari ang nais mo.” Nakangiting sagot nito bago matamis na nginitian ang kanyang ina. Makikita sa magandang bukas ng kanyang mukha na tila inaasahan na niyang makamit ang labis na inaasam at iyon ay ang maging CEO ng isang dambuhalang kumpanya na kasalukuyang hawak ngayon n
last updateHuling Na-update : 2023-10-08
Magbasa pa

Chapter 19

Halos isang oras na ang lumipas ay nanatili pa rin sa loob ng conference room si Alistair, namumula na ng husto ang buong mukha nito dahil sa matinding galit. Labis siyang nasaktan sa naging pahayag ni Marco dahil sinampal siya nito ng isang malaking katotohanan na wala na siyang kakayahan na magkaroon ng anak.“Iho, huwag mong pansinin ang sinabi ni Marco dahil alam naman natin na sa una palang ay mainit na ang dugo ninyo sa isa’t-isa...” malumanay na pahayag ng kanyang ama bago idinantay ang isang kamay nito sa kanang balikat niya.“Totoo naman ang sinabi niya, Papa, maaaring mawala ang lahat sa akin, dahil wala na akong kakayahan na magkaroon ng anak. Kilala ko si Lolo, apo rin niya si Marco at batid ko na may tsansa na mapunta kay Marco ang kumpanya.” Walang gana kong saad habang nakatitig sa kawalan. Ngayon ko nararamdaman ang pagiging inutil ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Papa bago ito nagsalita.“Kung anuman ang maging desisyon ng iyong Lolo ay tanggapin
last updateHuling Na-update : 2023-10-09
Magbasa pa

Chapter 20

“Maganda na ba ‘yan sa paningin n’yo?” Matigas na tanong ni Alistair sa kanyang mga empleyado habang tahimik na nakayuko ang mga ito. Hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ng kanilang boss. “For almost one month ay ito lang ang maipapakita ninyo sa akin? All of you are wasting my time on this nonsense!” Parang kulog ang boses ng binata na siyang nagdulot ng takot sa dibdib ng bawat empleyado na nakatayo sa kanyang harapan. Pagkatapos sabihin iyon ay galit na ibinato niya ang may nasa sampung papel na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng drawing para sa mga bagong project ng kanilang kumpanya. Ang nais niya ay unique at walang katulad ang mga disenyo, simple man ngunit high class ang dating. Labis na naiinis ang binata dahil walang nakapasa kahit isa sa kanyang standard mula sa mga gawa ng kanyang empleyado.“May isang linggo pa kayo para bumuo ng mga bagong disenyo at kung hindi ninyo magawa ang mga pinagagawa ko sa inyo, then asahan n’yo na rin na ito na ang huling araw ni
last updateHuling Na-update : 2023-10-10
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status