Thalia’s Point of view After a one and half month, sa wakas ay tatanggalin na ang gasang nakabalot sa aking mga mata. Malalaman na rin namin kung naging matagumpay ba ang operasyon na ginawa nila sa akin. Matinding pananabik at ibayong kabâ ang nararamdaman ko ng mga oras na ito dahil sa wakas ay masisilayan ko na ang mundo at higit sa lahat ay ang mukha ng mahal kong si Ali.Simula ng operahan ako ay hindi ko na muling narinig pa ang boses ni Ali, maging ang kanyang presensya ay hindi ko narin naramdaman. Parang gusto ko ng magtampo ngunit paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Yaya Lani na unawain ko raw ang aking nobyo dahil abala daw ito sa kanyang mga negosyo. Anya tuwing gabi naman daw ay binabantayan ako nito hindi ko lang namamalayan ang kanyang pagdating dahil mahimbing daw kasi ang tulog ko. Alam ko na mayroon na hindi magandang nangyayari at sinisikap lang nila na pagaanin ang loob ko. Batid ko kung gaano ako kamahal ni Ali kaya iniiwasan ko rin ang mag-isip ng hindi magandang
Thalia’s Point of view Sa bawat sulok ng silid Kaakibat ay alaalaPilitin mang kalimutan Ngunit tila hangin kung magparamdamSa panahong nakasama kaMga salita mo’y tila musika Sa aking pandinigPuso ko’y iyong tinuruan Lumipad ng kay taasSa piling mo ay tila narating ang langitNagugunita ko sa bawat sandali Di ba’t kalungkuta’yWalang puwang sa pusong umiibig?Noo’y mga salitang pagsinta Kahulugan ay ligayaNgunit sa pagbabalik tanawMga matatamis na salita Mula sa nakaraan tila isang talimMatindi kung humiwaIbayong sakit ang dulot Nang matamis mong salitaPaano kakayaning kalimutan Kung ang puso ko’y Kasama mong naglaho.Ikaw na nagturo kung paano ngumitiIkaw na nagbigay liwanag sa madilim Kong mundoBinigyan mo ng liwanag ang aking mundoNgunit bakit kadiliman pa rin ang akingnatatanaw?“Walang humpay sa pagpatak ang aking mga luha, kay sakit isipin na basta na lang akong iniwan ni Ali ng walang dahilan. May mga mata nga ako ngunit nanatili pa ring madilim ang aki
Alistair’s Point of view“I’m so sorry, Mr. Welsh, dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sinasakyan mo ay naipit ang iyong mga binti. Kailangan mong dumaan sa ilang mga pagsusuri para malaman natin kung may pag-asa ka pa bang makalakad.” Paliwanag ng doctor na tila isang suntok na tumama sa dibdib ko. Wala akong magawa kung hindi ang matulala sa kawalan, pakiramdam ko ay ipinagkait na sa akin ang lahat. “Ilang araw akong walang malay, Mama?” Maya-maya ay tanong ko, inilayo ng aking ina ang kanyang sarili mula sa akin saka tumitig sa mukha ko ang luhaan niyang mga mata.“Isang buwan at tatlong linggo na anak.” Anya sa malungkot na tinig, nagimbal ako sa aking narinig. Hindi ko sukat akalain na ganun na pala ako katagal na walang malay, nanlalabo ang aking mga mata parang gusto ko ng umiyak ng pumasok sa aking isipan si Thalia. Sigurado ako na maraming nangyari sa loob ng isa’t kalahating buwan, ngunit ang mas gusto kong malaman ay kung naging matagumpay ba ang operasyon ng aking nobya.“S
“Get out!” Parang kulog sa lakas ang tinig ng binata ng walang awa niyang sigawan ang kanyang private nurse na naghatid ng pagkain at mga gamot sa loob ng kanyang kwarto. Halos manginig sa matinding takot ang lahat ng mga kasambahay dahil sa bagsik ng binata. Malaki ang pinagbago ni Alistair, higit itong naging masungit at mabilis na mag-init ang kanyang ulo lalo na kapag nahuhuli niya ang isang tao na nakatingin sa kanya. Dahil para sa binata ay isang kalapastanganan iyon sa kanyang kondisyon.Halos wala ng makapasok sa loob ng kanyang kwarto dahil lagi na lang siyng pabulyâw kung magsalita o mag-utos. Umiiyak na lumabas ng silid ang Nurse habang patuloy sa panginginig ang kanyang katawan dahil sa matinding takot sa binata. Napalingon ang lahat sa may hagdan ng maramdaman nila ang presensya ni Doña Amanda na kasalukuyang pumapanhik ng hagdan.“Anong nangyayari dito?” Nagtataka na tanong ng ginang sa mga kasambahay na nakahilera sa labas ng kwarto nang kanyang anak. Pawang mga nakayuk
“Napaka Gwapo talaga ng aking anak, mabuti na lang at nagmana ka sa akin.” Ani ni Matilda, ang ina ni Marco.“Huwag mong sayangin ang pagkakataon na ito, Iho, siguraduhin mo na tuluyan ng mapupunta sa iyo ang buong kumpanya.” Maya-maya’y seryosong saad nito habang inaayos ang kurbata ng kanyang anak bago hinaplos ng palad nito ang kaliwang pisngi ng binata.Maagang naulila si Marco sa Ama at tanging silang mag-ina na lang ang nagdadamayan, mataas ang pangarap ni Matilda para sa kanyang anak kaya hinangad nito ang mas mataas na posisyon. Bata pa lang ay itinatak na niya sa isip ng kanyang anak na dapat ay sa kanya mapunta ang kumpanya ng kanilang Abuelo.“Huwag kang mag-alala, Mama, dahil ngayong araw mismo ay mangyayari ang nais mo.” Nakangiting sagot nito bago matamis na nginitian ang kanyang ina. Makikita sa magandang bukas ng kanyang mukha na tila inaasahan na niyang makamit ang labis na inaasam at iyon ay ang maging CEO ng isang dambuhalang kumpanya na kasalukuyang hawak ngayon n
Halos isang oras na ang lumipas ay nanatili pa rin sa loob ng conference room si Alistair, namumula na ng husto ang buong mukha nito dahil sa matinding galit. Labis siyang nasaktan sa naging pahayag ni Marco dahil sinampal siya nito ng isang malaking katotohanan na wala na siyang kakayahan na magkaroon ng anak.“Iho, huwag mong pansinin ang sinabi ni Marco dahil alam naman natin na sa una palang ay mainit na ang dugo ninyo sa isa’t-isa...” malumanay na pahayag ng kanyang ama bago idinantay ang isang kamay nito sa kanang balikat niya.“Totoo naman ang sinabi niya, Papa, maaaring mawala ang lahat sa akin, dahil wala na akong kakayahan na magkaroon ng anak. Kilala ko si Lolo, apo rin niya si Marco at batid ko na may tsansa na mapunta kay Marco ang kumpanya.” Walang gana kong saad habang nakatitig sa kawalan. Ngayon ko nararamdaman ang pagiging inutil ko. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Papa bago ito nagsalita.“Kung anuman ang maging desisyon ng iyong Lolo ay tanggapin
“Maganda na ba ‘yan sa paningin n’yo?” Matigas na tanong ni Alistair sa kanyang mga empleyado habang tahimik na nakayuko ang mga ito. Hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong ng kanilang boss. “For almost one month ay ito lang ang maipapakita ninyo sa akin? All of you are wasting my time on this nonsense!” Parang kulog ang boses ng binata na siyang nagdulot ng takot sa dibdib ng bawat empleyado na nakatayo sa kanyang harapan. Pagkatapos sabihin iyon ay galit na ibinato niya ang may nasa sampung papel na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng drawing para sa mga bagong project ng kanilang kumpanya. Ang nais niya ay unique at walang katulad ang mga disenyo, simple man ngunit high class ang dating. Labis na naiinis ang binata dahil walang nakapasa kahit isa sa kanyang standard mula sa mga gawa ng kanyang empleyado.“May isang linggo pa kayo para bumuo ng mga bagong disenyo at kung hindi ninyo magawa ang mga pinagagawa ko sa inyo, then asahan n’yo na rin na ito na ang huling araw ni
Kinabukasan ay binulabog ang buong angkan ng mga Welsh dahil sa malaking eskandalo na naka-lathala sa isang news paper.“My ghod! Sinong walang puso ang nagpakalat ng walang kwentang balita na ‘to?” Nanggagalaiti sa galit na tanong ni Doña Amanda bago padabog na inihagis nito sa lamesa ang hawak na news paper. Halos namumula na ang buong mukha nito at pakiramdam niya ay umakyat na yata ang lahat ng dugo niya sa ulo. Maging si Don Manolo ay hindi na maipinta ang mukha ng mabasa ang nilalaman ng balita. “The CEO of the WELSH company has a secret affair with her cousin Melissa Miles, and according to sources Mr. Alistair Welsh is the father of her unborn child.” Ito ang laman ng lahat ng mga tabloid na may kalakip na larawan ng magpinsan na magkahalikan at mabilis itong kumalat sa social media. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono at kaagad itong sinagot ni Doña Amanda.“Melissa, kumusta ka na iha?” Nag-aalala na tanong nito sa kanyang pamangkin, labis siyang nabahala ng marinig na
One year later…“Ahhhh! Pagkatapos ng isang malakas na sigaw ay kasabay nito ang paghawi ni Marco sa mga gamit na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Malakas na nag taas-baba ng kanyang dibdib sanhi ng matinding galit. Maya-maya ay nanlulumo na naupo siya sa kanyang swivel chair. Mula sa kanyang balintataw ay biglang lumitaw ang imahe ng kanyang asawa. Iniisip niya ngayon kung ano na ang kalagayan nito marahil ay malaki na ang kanilang anak. Sa isang iglap ay napuno ng kalungkutan ang puso nito at nakadama ng pananabik na masilayan ang kanyang mag-ina kaya isang desisyon ang nabuo mula sa kanyang isipan. Mabilis na tumayo at inayos ang lahat ng kanyang gamit. Bitbit ang isang makapal na envelope na lumabas ng kanyang opisina.Isang taon ang mabilis na lumipas ng maluklok siya bilang isang CEO ng WELSH company. Habang si Alistair ay tuluyang tinalikuran ang kanyang mana. Nagsikap siya na maitaguyod ang sariling kumpanya na kanyang pinaghirapan. Dahil sa malaki ang tiwala sa kanya ng mga i
Mula sa labas ng resthouse ay nahinto sa pagwawalis si Alice dahil sa isang mamahaling sasakyan na pumarada sa mismong tapat ng bahay. Maging si Nelia na nagdidilig ng halaman ay sandaling tumigil sa kanyang ginagawa at kapwa nakatingin sa isang makintab at itim na sasakyan.Ilang sandali pa ay bumaba ang sakay nito at ganun na lang ang labis na pagkagulat ng dalawa ng makita nila si Ali. Kalaunan ang gulat sa kanilang mga mukha ay napalitan ng galit.“Ano ang ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Nelia sabay harang sa dinaraanan ni Alistair ngunit nanatiling seryoso ang mukha nito na hindi apektado sa galit ng mga taong kaharap.“Kukunin ko ang asawa ko.” Matigas na sagot ni Alistair bago nilampasan nito ang dalawa. Nanlaki ang mga mata ng magkapatid at hindi makapaniwala sa kanilang mga narinig. Diretsong pumasok si Alistair sa loob ng bahay ng walang paalam dahil iniisip niya na pag-aari din niya ang lahat ng ito. Sapagkat ang lahat ng pag-aari ng kanyang asawa ay pag-aari din niya
Alistair Point of view“Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinahi-higaan, hindi ako makatulog dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko. Wala sa loob na bumangon at lumipat sa aking wheelchair. Sa totoo lang ay dalawang araw na akong walang maayos na tulog dahil nasanay na ako na nasa tabi ko si Thalia. Parang hindi ko yata kayang panindigan ang aking galit dahil ngayon ay hinahatak ako ng aking katawan patungo sa naka-saradong silid ng aking asawa. Pinihit ko ang seradura ng pintuan at tuluyan itong binuksan ngunit sumalubong sa akin ang bakanteng silid.Inisip ko na baka nasa loob lang siya ng banyo, tuluyan na akong pumasok at isinarado ang pintuan. Nakakabinging katahimikan ang nangingibabaw sa loob ng silid kaya batid ko na walang tao sa loob ng banyo. Pinaandar ko ang wheelchair patungo sa closet at ng buksan ko ito ay wala na ang ilang pirasong damit ni Thalia maging ang ilang importanteng gamit nito. Nilamon ng matinding takot ang puso ko dahil sa isipin na tuluyan na akong
Thalia’s Point of viewIsang araw na ang lumipas at parang dinudurog ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng aking asawa. Mula ng magalit siya sa akin ay sa ibang kwarto na ito natutulog ni hindi niya ako magawang hawakan. Wari moy isa akong taong may sakit na ketong kung kanyang pandirihan. Ganun pa man ay hindi ako nagtanim ng galit sa kanya bagkus ay higit ko pang nilawakan ang aking pang-unawa. Sapagkat ako ay umaasa na maayos din ang sigalot na ito sa pagitan naming mag-asawa. Alang-alang sa aming anak ay magtitiis ako at gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ko ito ng isang buo at masayang pamilya.Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina ngunit isang bakanteng lamesa ang sumalubong sa akin. Batid ko na hindi na naman kumain si Alistair at labis akong nababahala para sa kanyang kalusugan. “Manang, hinatiran na ba ng pagkain ang aking asawa?” Malumanay kong tanong sa aming Mayordoma. “Naku, Iha, simula kahapon ay walang maayos na pagkain si Señorito dahil la
“Ahhhh!” “Crash!” Nilamon ng malakas na sigaw ni Marco ang buong kabahayan. Sumabog na siya sa matinding galit dahil isang katotohanan ang kanyang natuklasan. Kahit anong gawin niya ay kailanman hindi niya matatalo ang pinsan na si Allistair dahil bago pa man ito nadisgrasya ay nabuntis na niya si Thalia.Malinaw pa sa sikat ng araw na isa siyang talunan at ang lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya. Biglang pumasok mula sa kanyang isipan ang imahe ng asawa kaya lalong nagpupuyos ang kanyang kalooban.“Hindi ako papayag na magtagumpay ka na makuha ang lahat sa akin, Alistair…” nanggagalaiti niyang bulong sa hangin. Mabilis na dinampot ang susi at kaagad na tinungo ang kinaroroonan ng kanyang pinsan. Determinado siya na sirain ang buhay nito.Alistair Point of View“Sir, Mr. Marco was here, he wants to talk to you.” Magalang na pagbibigay alam ng aking secretary, kumunot ang noo ko dahil labis akong maguguluhan kung ano ang kailangan sa akin ni Marco. Ngayon lang na nangyari ito na sina
Thalia’s Point of view“Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng kwarto. Alas nuebe na ng gabi at naghihintay na lang kami kung kailan dalawin ng antok. Itiniklop ni Ali ang laptop na nakapatong sa mga hita nito at inilagay ito sa ibabaw ng maliit na side table kung saan nakalagay ang lampshade. Isinandal niya ang likod sa headboard bago matamang tinititigan ang aking mukha.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumipat sa kanyang kandungan, umupo ako paharap sa kanya bago isinandig ang aking ulo sa dibdib nito. Dinig ko ang bawat pintig ng kanyang puso na para bang musika sa aking pandinig na sinamahan pa ito ng init na nagmumula sa kanyang katawan kaya pakiramdam ko tuloy ay para akong idinuduyan.“Nag-aalala kasi ako kay ate Ashley, baka mamaya ay sinasaktan siya ni Marco.” Ani ko sa malungkot na tinig bago ko niyakap ang may kalakihan niyang katawan. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat
“Thalia, may bisita ka.” Natigil ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi ng aming Mayordoma. Nagtataka ako kung sino ang bisita na sinasabi nito gayong wala naman akong ibang maisip na pwedeng dumalaw sa akin dito. Wala ngayon ang aking asawa dahil may dinaluhan ito na isang mahalagang meeting.Pagdating ko sa bungad ng hagdan ay sumalubong sa akin ang malungkot na mukha ng aking kapatid na si Ashley. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang panay ang pisil ng kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay nito kaya hindi maikakaila ang pagiging balisâ ng aking kapatid. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay may pagmamadali itong tumayo bago ngumiti sa akin. Matinding kasiyahan ang naramdaman ko dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako nito sa mismong tahanan namin.“Ate Ashley!” Masaya kong tawag sa kanyang pangalan bago ito sinugod ng yakap. Mahigpit naming niyakap ang isa’t-isa, naramdaman ko na yumugyog ang kanyang mga balikat tanda na umiiyak ito habang nanatiling mahigpit ang pag
“Ahhhh…” walang ibang maririnig sa buong kwarto kundi pawang mga ungol na nagmumula sa bibig ni Marco. Patuloy niyang hinahalikan ang mga labi ni Ashley habang walang habas na naglalabas masok ito sa lagusan nito. Mariing nakapikit si Ashley habang nilalasap ang ligayang dulot ng pag-iisa ng kanilang mga katawan. Ilang sandali pa ay umangat ang kanyang likod mula sa higaan ng isagad ng asawa ang sandata nito sa kanyang sinapupunan. Bahagya pang napangiwi ang kanyang mukha ng kagatin siya ni Marco sa balikat. Hindi niya ininda ang sakit dahil nasasapawan ito ng sarap mula sa magkahugpong nilang katawan. “Ouch! Ano ba? nasasaktan na ako!” Naiinis kong sabi habang pilit siyang itinutulak palayo sa akin. Balewala ang lakas ko dahil nagpatuloy lang ito sa kanyang ginagawa na para bang walang pakialam sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng may mamagitan sa aming dalawa. Madalas na ganito ang ginagawa niya sa akin, aangkinin kung kailan niya gusto at kung sakalin
Kasalukuyan akong naglilinis sa loob ng kwarto namin ni Alistair dahil wala akong magawa ay naisipan kong ayusin ang aming mga gamit. Halos natapos ko ng linisin ang lahat at isang cabinet na lang ang natitira. Lumapit ako dito habang bitbit ang isang basahan. Binuksan ko ito upang simulan na sanang linisan ngunit natigilan ako sa mga bagay na tumambad sa aking paningin. Para akong natuklaw ng ahas dahil pamilyar sa akin ang mga gamit na nasa aking harapan at kahit pa yata nakapikit ako ay makikilala ko pa rin ang mga gamit na ito.Kunot noo na kinuha ko ang lumang makinilya maging ang mga ilang pirasong papel. Ilang sandali pa ay kusang pumikit ang aking mga mata at bigla ang pagdaloy ng mga alaala mula sa aking isipan. Ang bawat parte ng mga alaala sa amin ni Ali maging ng lalaking pinakasalan ko ay ngayon ko lang napagtugma-tugma.Habang nakapikit ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng kwarto. Nagsimulang bumangon ang matinding kilabot sa buong pagkatao ko dulot ng matinding ten