CHAPTER 42 - THE ONE BIG PROBLEM --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Bago umalis si Monica, tulad ng nakasanayan namin, humingi muna ako ng goodbye kiss kay Monica. Syempre, hindi ako aalis nang hindi nakukuha ang dose ng lambing niya. "Bye, love. Ingat kayo," sabi ko habang hinahaplos ang tiyan niya, parang kinakausap na rin si baby dragon. "Bye!" sagot niya, pero syempre, may pahabol pa. "Yung Sharon ko, ha? Don't forget. Alam ko namang hindi ka sanay matulog sa labas, 'di ba, love?" sabay taas-baba ng kilay. Napailing na lang ako. Paulit-ulit niyang sinasabi 'yan, kaya kahit kailan, hindi ko nakakalimutan ang pag-"Sharon" sa kanya-o ang pag-uwi ng leftovers galing sa mga restaurant na pinupuntahan ko. At hindi din pwedeng sa Tupperware ilalagay, ha! Dapat sa plastic, kasi mas masarap daw ang lasa. Minsan nga, gusto ko nang kanselahin ang meetings, lalo na kapag sa mamahaling restaurants kami nagpupunta. minsan kasi nakakahiya magbalot, lalo na ngayong sa Shangri-La pa ang ven
Terakhir Diperbarui : 2023-09-04 Baca selengkapnya