Home / Romance / One Night Stand with a Stranger / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng One Night Stand with a Stranger: Kabanata 21 - Kabanata 30

54 Kabanata

CHAPTER 19 – THE CONFESSION

CHAPTER 19 - THE CONFESSION --- LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POV Mula pa lang sa di kalayuan, tanaw ko na ang nagkukumpulan mga tao sa labas ng St. Rose Hospital. Makikita ang tensyon sa paligid-mga pulis ang mahigpit na nagbabantay, habang may ilang taong nagmamasid, puno ng tanong at takot. Sa gilid, nakita ko si David, isa sa mga bodyguard na ipinadala ko, na kasalukuyang iniinterbyu ng mga awtoridad. Halatang pagod siya, may mga bahid ng dugo sa kanyang uniporme, at may benda ang kanyang braso. Agad akong bumaba ng sasakyan, hindi na inalintana ang malamig na hangin sa mga oras na to. Tumakbo ako palapit kay David, ramdam ang mabilis na tibok ng puso ko sa kaba. "David! Ano'ng nangyari? Nasaan sila?!" tanong ko, halos habol ang hininga. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang tumingin siya sa akin. "Boss, nasa loob sila... sa emergency room. Kritikal ang sitwasyon," sagot niya, nanginginig ang boses. Tumitig ako sa benda sa braso niya, kita ang bahagyang pagdurugo. "Ano'ng nang
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa

CHAPTER 20 – GETTING CLOSER

CHAPTER 20 - GETTING CLOSER ---- Matapos ang madugong engkwentro sa St. Rose Hospital, agarang ginamot ang mga nasugatan sa parehong ospital. Nagtamo ng tama sa binti si Blaire, habang sa bansang dibdib naman ang tinamo ni Jeric. Samantala, tanging mga galos lamang ang natamo nina Riley, Monica, at ng dalawang bodyguard na ipinadala ni Miguel. Bantay-sarado si Dr. Blaire matapos marinig ng mga pulis ang pahayag ng kanyang ninong, si Dr. Paul. Isiniwalat nito ang lumalalang kondisyon ng utak ni Dr. Blaire, na nagdulot ng kanyang unti-unting pagiging marahas. Dahil dito, minabuting bantayan siya nang maigi at pagtuunan ng atensyon ang kanyang kalagayan. Samantala, tila nagkaroon ng mas makulay na eksena sa gitna ng tensyon at mga sugat. Hindi na kinaya ni Miguel ang pagtitimpi-sa wakas, inamin niya ang kanyang nararamdaman kay Monica. Sa hindi inaasahan, tinanggap ni Monica ang intensyon ni Miguel at pumayag na manligaw ito. Sa kabila ng hirap at sakit ng araw na iyon, tila wala n
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa

CHAPTER 21 – THE SUITORS

CHAPTER 21 – THE SUITORS ---- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Maaga pa lang, gising na kami. Ayon kay Miguel, maaga ang operasyon ni Mama, kaya halos 6:00 AM pa lang, abala na ang buong kwarto—lahat nag-aayos at naghahanda. Matapos mag-alay ng dasal para kay Mama, sabay-sabay na kaming nag-almusal. Natural na hindi mawawala ang kwentuhan at chismisan habang kumakain. At syempre, sino pa ba ang bida? "Ate, Boyfriend mo na ba si Dr. Miguel? Kasi parang sobrang sweet niyo na, eh," tanong ni Faith, na may malisya sa kanyang tono. Napabilaukan si Riley sa tanong ni Faith, kaya hindi ko na maiwasang matawa. "Bunso, alam mo, friendly lang ako kay Dr. Miguel. Tsaka, ano ka ba, Daddy 'yan ng mga anak ko. Dapat lang na pakisamahan ko siya," sagot ko, pinipilit maging seryoso. Biglang ngumisi si Riley, parang may itinatagong lihim. "Haha! Hoy, anong nirereact-react mo diyan? Totoo naman ang sinasabi ko, 'di ba? We're just friends!" sabay irap ko kay Riley. "Bwahaha! Ayy, hala, 'yung bestfr
last updateHuling Na-update : 2023-08-23
Magbasa pa

CHAPTER 22 – MISSION IMPOSSIBLE

CHAPTER 22 – MISSION IMPOSSIBLE --- Habang nag iintay sina Monica sa operasyon ng kanilang Mama Emma ay sunod sunod naman ang pagdating nga mga surpresa sa kanila na galing sa mga, obvious na mga tagahanga nila. 25 na piraso ng dhalia ang natanggap ni Monica samantalang 2 piraso ng sunflower naman ang kay Riley. Ito ang ginawang nilang pampakalma habang nag iintay sa kanilang mahal na ina. Samantala, halos tatlong oras naman ang tinagal ng operasyon at naging tagumpay ang kanilang pag opera kay Emma. Agad naman itong nilipat sa ICU kung saan masusi itong babantayan ng 1 to 3 days depende sa magiging reaksyon ng katawan nito. At nang magdiwang sina Miguel sa kanilang successful na operasyon ay bigla na lamang itong nakaramdam ng pagkahilo, panlalamig, hanggang sa mawalan ito ng malay. Mabuti nalang at nandun ang katuwang nitong Doctor na si Dr. Fabian Dominguez at agad niya itong tinulungan. Hanggang sa magkamalay ito at inabisuhan ito ng Doctor na magpahinga na muna dahil lowbloo
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa

CHAPTER 23 – SURPRISE!

CHAPTER 23 - SURPRISE! --- GABRIELLA MONICA JIMENEZ POV Hoo! Nakahinga na rin ako nang maluwag. Sa wakas, nakita ko na rin siya-at ang swerte ko pa, hindi siya nagising sa biglaan kong pagsigaw kanina. Dahan-dahan akong pumasok sa loob, iniwan muna ang mga anak ko sa labas na mukhang nagkukumpulan pa sa pintuan. Mula sa malayo, kita ko agad na may dinaramdam si Miguel. Halata ang pangangayayat niya, at ang mukha niyang pagod na pagod na tila bang ilang linggo nang hindi nakakapahinga ng maayos. Hay, kawawa naman 'tong taong 'to. Pasensya ka na, Miguel, nagkasakit ka pa dahil sa amin... Lumapit ako sa kanya nang marahan, sinusuri kung may lagnat ba siya. Naka-kumot siya nang mahigpit, naka-off ang aircon, at wala ring bukas na bentilador-signs na baka mainit ang pakiramdam niya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa noo niya para tingnan ang temperatura. Pero bago ko pa maabot ang noo ni Miguel... "Hehehe..." Narinig ko ang mahinang hagikhikan mula sa likuran ko. Sinilip k
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa

CHAPTER 24 – POUTY LIPS

CHAPTER 24 – POUTY LIPS --- Tila isang himala ang nangyari. Agad na bumuti ang pakiramdam ni Miguel matapos siyang pakainin ni Monica. Mula sa itsurang nangayayat at hinang-hina, ngayo'y masigla na siyang nakikipaglaro at nakikipagkulitan sa mga anak. Parang biglang nagbalik ang dati niyang sigla, na ikinagaan ng loob ni Monica. Ngunit hindi nila inaasahan ang isang nakakabiglang tagpo sa parehong araw—ang biglaang pagbisita ng mga magulang ni Miguel sa opisina nito. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasilayan ng mga ito ang dalawa na magkadikit ang mga labi at parehong nakahiga sa sahig! Subalit isang aksidente lamang iyon. Sa sobrang bilis ng pagtakbo ni Monica habang naglalaro, hindi niya nakontrol ang sarili at nabunggo niya si Miguel. Ang resulta? Ang hindi nila inaasahang awkward moment na nasaksihan pa ng kanyang mga magulang. Ngayon, habang pauwi sa kanilang kwarto, tila isang bagong problema naman ang bumabagabag kay Monica. Ramdam na ramdam niya ang pamamaga ng kanyang l
last updateHuling Na-update : 2023-08-25
Magbasa pa

CHAPTER 25 – SHARPSHOOTER

CHAPTER 25 – SHARPSHOOTER ---- Makalipas ang isang araw ng pag-obserba kay Emma sa ICU, napagpasyahan ng mga doktor na ilipat na siya sa kwarto nina Monica. Wala na silang nakitang anumang komplikasyon, at ang natitira na lang ay ang unti-unting pagpapagaling ng mga sugat mula sa operasyon. Labis ang tuwa ng pamilya ni Emma nang makita muli ang kanilang pinakamamahal na ina. Ang saya at pasasalamat ay kitang-kita sa kanilang mga mukha, lalo na kay Monica na halos di na mapakali sa kakatanong sa mga doktor kung maayos na ba talaga ang kalagayan ni Emma. Samantala, dalawang araw na ang lumipas at tila nagiging mas malapit na si Miguel, hindi lamang kay Monica at sa mga anak nito, kundi pati na rin sa pamilya ni Monica—sina Lucy, Faith, at Riley—dahil sa halos araw-araw niyang pagbisita. Mas naging bukas si Miguel sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman para kay Monica, at tila naging bahagi na siya ng kanilang pang-araw-araw na buhay. Araw-araw niyang dinadalhan ng pagkain si Monic
last updateHuling Na-update : 2023-08-26
Magbasa pa

CHAPTER 26 – A BAD DAY?

CHAPTER 26 – A BAD DAY?----Matapos ang masayang bonding ng mag aama ay nauwi pa rin ito sa isang maemosyonal na tagpo nang magpaalam ang mga ito sa isa't isa. Tila napamahal na talaga ang mga anak nito kay Miguel at ganun rin si Miguel sa kanila kaya ganun na lang ang naging pamamaalam nila sa isa't isa.Matapos ang kaganapang iyon ay nagpatuloy sina Miguel at Monica sa kanilang mga gawain sa kanilang mga buhay at bagamat si Monica ay nananatili muna sa kanilang bahay ay may napagkukuhanan pa rin naman ito para sa kanilang gastusin sa araw araw dahil nakapagipon pa rin naman ito kahit na papaano.Si Miguel naman ay nagpatuloy sa kanyang tungkulin sa kanilang hospital. Tuwing weekends naman ay bumibisita ito kina Monica para makabonding ang mga ito.Hanggang sa lumipas ang halos dalawang linggo, at para bang may ipinag aalala si Miguel...---LORENZO MIGUEL SAMANIEGO POVIt started as an ordinary day, pero parang sinusubok ata talaga ako ng tadhana. Una, nabutas ang gulong ng sasakyan
last updateHuling Na-update : 2023-08-27
Magbasa pa

CHAPTER 27 – CANT HELP FALLING IN LOVE

CHAPTER 27 – CAN'T HELP FALLING IN LOVE---GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVIlang araw na rin ang lumipas simula nang magsimula kami ni Riley sa trabaho bilang mga bagong Nurse sa Samaniego Medical Hospital. Hindi namin inasahan ang mainit na pagtanggap sa amin ng mga staff dito. Ang saya lang dahil parang ang tagal na naming magkakasama kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas.For the first time, nakakatrabaho ako nang walang masyadong iniisip na stress o kung ano pa man. Hindi tulad dati sa St. Rose na halos hindi ako mapalagay sa kaba—laging iniisip kung kailan na naman susulpot si Madam Olivia o si Dr. Blaire na tila laging may dalang problema. Hayy! Ayoko nang balikan ang mga panahon na 'yun, masaya na ako rito.Habang naka-duty, hindi namin maiwasang mag-chikahan kapag tapos na ang mga gawain. Nasa Nurse Station kami ni Riley kasama si Nurse Summer, isa sa mga matagal nang nagtatrabaho dito. Ang gaan niyang kasama, kaya naman mabilis kaming naging close.Nabanggit ko na rin sa kani
last updateHuling Na-update : 2023-08-27
Magbasa pa

CHAPTER 28 – A NIGHT TO REMEMBER

CHAPTER 28 – A NIGHT TO REMEMBER----GABRIELLA MONICA JIMENEZ POVAng sarap pala...Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo. Yung tipong lahat ng bagay ay kaya niyang isakripisyo para lang mapasaya ka. Lahat gagawin niya para patunayan na mahalaga ka. Kaya minsan hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako kaswerte na meron akong katulad ni Miguel sa buhay ko.Araw-araw, pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo pa niyang hinihigitan. Kahit na may mga pagkakataon na nasusungitan ko siya o nasisigawan, heto pa rin siya. Nasa tabi ko, minamahal ako sa kabila ng imperfections ko. Kaya hindi ko mapigilang mapasabi, sobrang swerte ko.“Salamat, Miguel,” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya. “Sobrang salamat sa pagmamahal mo sa amin ng mga anak natin. Hindi mo alam kung gaano kami ka-grateful na ikaw ang naging ama nila. Kahit nung una, pinigilan pa kitang makilala sila. Akala ko kasi... akala ko noon, katulad ka r
last updateHuling Na-update : 2023-08-28
Magbasa pa
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status