Home / Romance / Married a Secret Billionaire / Kabanata 581 - Kabanata 590

Lahat ng Kabanata ng Married a Secret Billionaire: Kabanata 581 - Kabanata 590

1219 Kabanata

Kabanata 581

Huminto si Liam at malamig na tumingin kay Matthew."Bakit? Sa tingin mo ba papanoorin ko lang si Yale na hilahin ang buong pamilya ng mga Hamerton pababa at wala akong gagawin?"Naguluhan si Matthew.“Kung ikukumpara sa pagnanakaw, ang hustisya sa pamilya ay mas marangal!”Pagkatapos nito, tinalikuran na ni Liam si Matthew at umalis.Bago pa makapag-react si Matthew, nablangko ang isip niya habang pinapanood ang mabilis na pag-alis ng kanyang ama.…Pagkatapos ng pagbaba ng temperatura sa Centrolis, sinalubong ng Centrolis ang isang bihirang, magandang araw ng taglamig.Humupa ang hamog, at bumalik ang kulay asul na kalangitan. Isang hindi inaasahang pag-ulan ng niyebe ang bumalot sa lungsod at kinulayan ito ng kulay puti. Sariwa at presko ang simoy ng hangin.Si Cordelia ay nagwalis ng niyebe sa bakuran at gumawa ng mga cute na snowman mula dito.Nang matapos siya, niyakap siya ni Zephyr mula sa likod at binalot ang namumula at nagyeyelo niyang mga kamay gamit ang kanyang m
last updateHuling Na-update : 2023-12-15
Magbasa pa

Kabanata 582

“Mm.” Tumango si Cordelia. "Narinig ko ‘to kay mom. Sa tingin ko maraming imbitadong tao."“Oo, maliban sa lahat ng miyembro ng pamilya, meron ding mga taong malapit sa’tin mula sa three major families. Dadalo rin sina Fredric at Seth. Pareho silang napakahalagang bisita."Ibinaba ni Zephyr ang ulo niya para magkadikit ang ilong nila. "Siyempre, ang pangunahing layunin ng dinner na ito ay upang ipagdiwang sina Mr. at Mrs. Irwin!"…Ang Hamerton Manor ay masayang napuno ng mga bisita pagdating ng weekend.Tradisyonal na tao si Liam, ngunit siya ay nag-host ng isang sopistikadong kaganapan sa pagkakataong ito, ginawa niya ito, upang magsilbi sa nakababatang henerasyon.Si Fredric ay isang malaking contributor sa usapin at naging VIP ng mga Hamerton. Dagdag pa sa pagiging isang sikat na abogado sa Centrolis at isang eligible bachelor, siya ay naging sentro ng atensyon.Pinalibutan si Fredric ng mga babaeng pinsan ni Zephyr, na bumiyahe nang matagal papunta dito, kaya hindi man lang
last updateHuling Na-update : 2023-12-15
Magbasa pa

Kabanata 583

Mahigit isang libong beses nang pinagalitan ni Zephyr si Rowan sa isip niya. Sa kabila ng kung anumang namumuo sa loob niya, hindi siya naglakas-loob na ipakita ang galit niya at marahan lamang niyang tinanong si Cordelia, "Talaga?"Tumango si Cordelia. "Tumira sa Southeast Aciatic ang mom ko buong buhay niya. Wala namang masama kung gusto niyang bumalik sa bayan niya at doon manirahan, di ba?""Ah… Oo." Napailing na lang si Zephyr sa sinabi niya.“Tradisyunal at konserbatibo ang Southeast Aciatic. Pareho kaming Irwin ni Carter, kaya kailangan naming buuhin at ibalik ang pagkatao namin, di ba?"Dinilaan ni Zephyr ang kanyang labi at patuloy na tumango. "Mm... totoo ‘yun."Hindi napigilan ni Cordelia ang humagikhik at tinapik ang kanyang suit. "Kaya, babalik ako kasama ang mga magulang ko. Magpakabait ka dito—”"Ano!?"Bago siya natapos sa pagsasalita, nagulat siya sa pagtaas ng boses ni Zephyr.Mukhang inosente si Cordelia. "Ayaw mo ba akong umalis?""Syempre!""Kung ganun...
last updateHuling Na-update : 2023-12-16
Magbasa pa

Kabanata 584

Ang mga lalaking Hamerton ay mahusay—maliban sa madali silang sumuko sa sandaling makita nila ang kanilang asawa.Sinasabi na ang mga ninuno ng mga Hamerton ay mga matataas na heneral, maharlika, at iskolar na walang awa at malakas ang loob, ngunit sunud-sunuran sila sa mga asawa nila sa oras na makauwi sila sa bahay nila, at pinapasaya nila ang mga kababaihan nang walang katapusan.Minsan ay sinabi ni Nicholas na ang paranoia nagpasalin-salin na sa mga Hamerton. Yung totoo, ang pagmamahal sa kanilang mga asawa ang nakaukit sa kanilang mga gene.Mahinang sinabi ni Cordelia, “Darling, kita mo na? Payag din si Mom!"Nagtaas ng kilay si Zephyr. “Pumayag si mom pero si lolo? Lolo—”"Zephyr." Medyo seryoso ang ekspresyon ni Liam habang naglalakad siya mula sa karamihan.Medyo nahiya si Cordelia habang hinihila ang manggas ni Zephyr at umiling siya sa kanya. Ang intensyon niya ay makipagbiruan sa kanya, pero ipapahamak niya ang sarili niya kapag nagalit ang matanda sa kanya."Lolo, hu
last updateHuling Na-update : 2023-12-16
Magbasa pa

Kabanata 585

Matagal nang narinig ni Rowan ang masayang kwentuhan dito at papalapit siya sa kanila kasama si Xyla habang magkahawak ang kanilang kamay.Agad na bumalik si Liam sa kanyang seryosong ekspresyon upang ngumiti at makipagpalitan ng magalang na pagbati. Kapwa sila kumuha ng wine glass sa waiter at inubos ang laman nito.Pagkatapos ng inuman, nagtanong si Liam, "Kailan mo balak bumalik sa Southeast Aciatic, Mr. Irwin?""Ang joint hospital project ay nadagdagan lamang ng 1/3 sa progress nito. Babalik lang ako pagkatapos maitayo ang ospital!""Oh..." Kinalkula ni Liam ang oras. “Paghahandain ko si Zephyr nang maaga! Bibigyan ka niya ng mga problema kapag nasa Southeast Aciatic na siya sa hinaharap!""Ano?" Napahinto si Rowan. "Sinong nagsabing sasama din siya?"Nanlaki ang mga mata ni Liam sa pagkalito.Nakangiting pumunta si Cordelia sa pagitan nila. "Lolo, binibiro ko lang si Zephyr, noong sinabi ko na babalik ako sa Southeast Aciatic!"“Oo!” Nakangiting sabi ni Xyla, “Si Cordelia
last updateHuling Na-update : 2023-12-16
Magbasa pa

Kabanata 586

Agad na nairita si Yale nang marinig ang pangalan ni Michelle. Ang babaeng yun ay walang dinala kundi ang gulo!“Mr. Yale.” Kabadong hinintay ng katulong ang sagot niya. “Si Ms. Carmichael, dapat po bang—”Bago pa matapos ang pangungusap, pumasok si Michelle.Nabigla si Matthew, alam niya na ang anak niya ay isang playboy at madalas nitong kasama ang mga celebrity at model. Nandoon dati si Yelena, ang laruan ni Yale na laging nasa tabi, ngunit hindi niya inaasahan na ganitong babaero pala ang anak niya!Galit na galit si Matthew. “Yale Hamerton! Ikaw—Ang ginagawa mo lang ay ang makipaglaro sa mga p*ta na ito!”Gumulong ang mga mata ni Yale at kumaway siya para palabasin si Matthew.Naglakad si Matthew at nagalit siya, “Ako ang tatay mo, at hindi kita pwedeng abalahin? Sige, magsaya ka! Mamamatay ka balang araw sa ginagawa mo! Walang kwentang bata…”Galit na galit si Yale at humawak siya sa cup mula sa mesa at hinagis niya ito sa pader.Tumama sa mukha ni Michelle ang bubog, at
last updateHuling Na-update : 2023-12-16
Magbasa pa

Kabanata 587

Habang mas lalo itong pinag iisipan ni Michelle, mas lalo siyang nagalit. Gayunpaman, wala siyang magagawa. Ang pag iyak lang ang tanging paraan para ilabas niya ang nararamdaman niya ngayon.Naiirita si Yale at uutusan niya na sana ang mga tauhan niya para palabasin si Michelle nang tumunog ang phone niya. Nakatanggap siya ng isang litrato ng isang lalaki na medyo malabo.Nakilala ito ni Yale sa isang tingin na ito ay si Marcus!Pagkatapos ay nakatanggap siya ng isang text.[Si Marcus ay nasa Centrolis.]Napuno ng kalupitan ang mga mata ni Yale.Tama lang ito. Bumagsak na si William, kaya hindi na pwedeng manatili si Marcus sa Jangasas. Kailangan humanap ni Marcus ng paraan para mabuhay.Ang Centrolis ang pinakamagandang lugar na puntahan niya dahil nandoon si Yale.Ngumisi si Yale at para bang nag iisip siya habang nakatingin siya sa phone niya. Ang plano niya na pagpalitin ang tunay na tagapagmana pati ang peke ay hindi natuloy noon, at ngayon at nandito na ulit si Marcus, b
last updateHuling Na-update : 2023-12-17
Magbasa pa

Kabanata 588

Gabing gabi sa Royal Manor…Malamig ang temperatura sa labas.Nagpahinga si Zephyr sa kama, kuntento, habang mahimbing ang tulog ni Cordelia sa mga braso niya pagkatapos ng kanilang ginawa.Hinalikan niya ang asawa niya at hinila niya ang braso niya mula sa ulo nito habang dahan dahan niyang binuksan ang drawer sa bedside table at nilabas niya ang ilang bill ng pera.Binilang niya ang pera sa ilalim ng madiliim na ila. ‘$10, $20, $30…’ Ngumiti siya ng masaya nang makuha niya ang ika-walong papel na para bang ito ang unang beses na makakita siya ng ganito kalaking halaga ng pera.Mabilis na ibinalik ni Zephyr ang pera pagkatapos itong bilangin, ngunit hindi nagtagal ang tuwa. Naisip niya na hindi sapat ang pagsisikap niya ngayong buwan dahil konti lang ang pera. Halata na ibig sabihin nito ay dapat pa siyang magsikap lalo!Bukod pa dito, ito dapat ay hindi kapag wala siyang makukuhang bunga sa pagsisikap niya.Kinamot ni Zephyr ang ulo niya at kumunot ang noo niya. Ayaw niya ng a
last updateHuling Na-update : 2023-12-17
Magbasa pa

Kabanata 589

“Edi ikaw ang may problema?”“Loko ka!”“Bakit ka galit? Hindi ko sinasabi na baog ka!” Hininaan ni Nicholas ang boses niya. “Ang ibig kong sabihin… masyadong mdalas niyo ba itong ginagawa?”Tumingin ng masama si Zephyr kay Nicholas.Sinuntok ng mahina ni Nicholas si Zephyr sa dibdib, nang makita ang ekspresyon nito. “Tama ako, no?! Isang tip ko sayo, hindi mo pwedeng gawin ng masyadong madalas. Huminto ka ng ilang araw, at kapag dumating ang tamang oras, ilabas mo ang lahat, at dito mo tatamaan ang bullseye!”Nakasimangot ng naiinip si Zephyr. “Saan mo naman nakuha ang lahat ng kalokohan na ito?”“Siyensya ito.” Tumingin ng seryoso si Nicholas kay Zephyr.‘Kalokohan!’ Ang sabi ni Zephyr sa isip niya.Kumikita lang siya ng ilang dolyar noong hindi niya ginagamit ang ‘siyensya’. Paano siya magsisikap at kikita ng pera kung gagawin niya ang ‘siyensya’ na itinuro sa kanya?!Habang mainit ang pag uusap nila Nicholas at Zephyr, ang malungkot na likod ni Fredric sa bar ay hindi tugm
last updateHuling Na-update : 2023-12-17
Magbasa pa

Kabanata 590

“Oh… pamilya? Tumango si Fredric ng may misteryosong ngiti.Hindi ba’t si Zephyr ang selosong lalaki na nagagalit tuwing binabanggit si Neil noon?Alam ni Fredric ito, ngunit wala siyang sinabi, uminom siya ng wine ng mag isa. Tutal, isa siyang lawyer na marami nang nakita. Paano siya matatakot sa ilang salita lang mula kay Zephyr?Kaya naman, sumagot siya at tumingin siya kay Zephyr. “Z, pinsan na kayo ni Neil ngayon, no? Gusto ko lang ipaalala sayo na ang Southeast Aciatic ay tradisyunal at konserbatibo. Maraming mga malaking pamilya ang pinagpapakasal ang mga pinsan para masiguradon ang katayuan nila.“So, hindi imposible para sa mga magpinsan na magkatuluyan sa Southeast Aciatic. Legal yun doon!”Diniin ni Fredric ang mga salitang ‘magpinsan’ at ‘legal’.Hindi niya inaasahan na mahulog si Zephyr sa patibong.Lumubog ang lalaki sa sofa habang braso niya ay nasa likod ng sofa. Ang isa niya pang braso ay inikot ang baso ng wine habang may maliit na ngiti.“Nabalitaan ko na ang
last updateHuling Na-update : 2023-12-17
Magbasa pa
PREV
1
...
5758596061
...
122
DMCA.com Protection Status