Home / Romance / FALLING INTO TROUBLE / Kabanata 41 - Kabanata 45

Lahat ng Kabanata ng FALLING INTO TROUBLE: Kabanata 41 - Kabanata 45

45 Kabanata

Chapter Forty

"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
Magbasa pa

Chapter Forty-one

Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
Magbasa pa

Chapter Forty-two

Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Magbasa pa

Chapter Forty-three

"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Magbasa pa

Epilogue

Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status