Home / Romance / My Naughty Young Wife (Filipino) / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of My Naughty Young Wife (Filipino): Chapter 51 - Chapter 60

109 Chapters

Chapter 51

Amber PovPagkatapos naming mag-usap ni Migz ay sabay na kaming nagbalik sa table namin. Nagulat ako nang makita kong lasing na lasing na si Phil."Ano ang nangyari sa kanya? Bakit lasing na lasing siya?" tanong ko kay Mildy nang maupo akong muli sa aking upuan. Halos kalahating oras lamang akong nawala tapos pagbalik ko ay makikita kong lasing na lasing na si Phil? Ang bilis naman niyang malasing."Wala kaming kasalanan kung bakit nalasing ang pinsan mo, Amber. Pag-alis mo ay halos ubusin na niya ang laman ng alak na binili niya," si Henry ang sumagot sa tanong ko kay Mildy."Amber, nandito ka na pala. Anong ginawa niyo ni Migz sa banyo at ang tagal niyong bumalik dito?" tanong ni Phil sa akin, namumungay na ang mga mata niya sa sobrang kalasingan. Ngunit nakakabilib na kahit lasing na lasing siya ay straight pa rin siyang magsalita."Guys, mauuna na akong umuwi sa inyo. Nakita niyo naman ang pinsan ko, kailangan ko nang iuwi sa bahay," paalam ko sa mga kaklase ko. "Happy birthday ul
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 52

Amber PovKung nahirapan akong dalhin si Phil papunta sa kanyang kotse ay mas nahirapan akong madala siya papunta sa aming silid. Masyado kasi siyang malikot at nag-aalala ako na baka mahulog kami sa hagdanan. Kaya nang tuluyang maipasok ko siya sa aming silid ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Pasalamat din ako na lahat ng mga katulong ay nasa loob na ng kani-kanilang silid at nagpapahinga na nang dumating kami. Hindi nila nakita si Phil na kumikilos na parang bata dahil sa sobrang kalasingan. Tiyak na walang mukhang maihaharap si Phil sa mga katulong niya sakaling nakita nila siya na malayo sa araw-araw nilang nakikita na pag-uugali nito."Amber," mahinang ungol ni Phil habang nakadapa sa ibabaw ng kama."Huwag ka nang maingay at matulog ka na lang ng mahimbing," kausap ko sa kanya kahit alam ko na hindi naman magre-rehistro sa kanyang utak ang sasabihin ko.Napangiti ako nang makita kong nasa ulo pa rin niya ang headband na bunny. Tiyak na magugulat siya kapag nagising siy
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 53

Amber PovPaggising ko kinabukasan ay mahimbing pa rin na natutulog si Phil sa kanyang puwesto. Agad akong nagtungo sa banyo para deretso nang maligo habang tulog pa siya. Tapos na akong maligo pero tulog pa rin siya kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid namin para magtimpla ng kape.Balak ko sanang ipagluto si Phil ng sopas ngunit biglang nagbago ang aking isip nang maalala kong tinulugan niya ako kagabi habang nasa kalagitnaan kami ng masarap naming ginagawa. Kaya sa halip na ipagluto ko siya ng sopas ay sarili ko na lamang ang aasikasuhin ko. Lalabas na sana ako sa silid namin nang maalala ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni kagabi ni Migz. Nasa bulsa pa pala iyon ng suot kong uniform at nakalimutan kong kunin. Agad kong kinuha sa laundry basket ang bracelet at isinuot ko sa aking kaliwang kamay. Wala naman dito si Migz kaya hindi niya makikita at malalaman na isinuot ko ang bracelet na ibinigay niya. Gusto ko lang namang i-try kung bagay ba sa kamay ko ang bracelet. Sa buon
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 54

Amber PovPasado alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ng bahay si Phil. Madalas ay dumarating siya sa bahay bago mag-alas siyete at sabay-sabay kaming kumakain bago mag-alas otso ng gabi. Pero ngayon ten na ay wala pa rin siya. Hindi naman siya nagsabi na mali-late siya ng uwi dahil kapag may dinner meeting siya ay sinasabi niya sa akin o di kaya kay Lolo para hindi namin siya hintayin pa bago kami kumain. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala sa kanya lalo pa at umuuso ngayon ang pangingidnap ng tao. Kahit puro mga babae lamang at halos kaedad ko ang kinikidnap nila ay baka nagbago na sila ng isip at mga katulad naman ni Phil ang gusto nilang kidnapin dahil tiyak na malusog ang kanilang organs. Sinubukan kong tawagan sa kanyang cellphone si Phil pero hindi siya sumasagot. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Nagpasya akong lumabas ng silid namin para silipin kung dumating na ba siya. Hindi na ako nagbukas ng ilaw dahil nakabisado ko na ang bawat sulok ng
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 55

Amber PovHindi ko ipinaalam kay Phil na nakita ko siya sa mall kasama sina Bovic at Pao. Hindi rin ako nagtanong kung may relasyon ba silang dalawa. Ko rin ipinakitang galit ako sa kanya dahil sa nakita ko. Baka sabihin lamang niya sa akin na masyado akong assumming. Siguro ay may lihim na relasyon silang dalawa at nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan kaya niya pinaalis noon si Bovic sa bahay na ito. At siguro para na rin makumbinsi niya akong bumalik sa bahay niya at ipagpatuloy ang nasimulan naming drama na batay sa contract na pareho naming pinirmahan."Coding ngayon ang kotse mo, Amber. Magpahatid ka na lamang kay Phil papunta sa school mo para hindi ka ma-late pagpasok," kausap sa akin ni Lolo nang makita niya akong bumaba mula sa hagdan. Akmang ibubuka ko ang bibig ko para tanggihan ang suggestion niya ngunit naunahan ako ng pagsasalita ni Phil."Nagmadali ako kaya hindi ko siya maihahatid, 'Lo," mabilis na tanggi ni Phil. At bago pa makapagsalita so Lolo ay mabilis ng lum
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 56

Amber PovKanina pa ako nakatayo at naghihintay ng masasakyang taxi ngunit wala akong masakyan. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil mag-isa lamang akong nakatayo sa gilid ng kalsada na naghihintay ng masasakyan. Minsan lamang ang mga taxi na humihinto sa area na ito dahil kapag dumaraan sila rito ay may mga sakay na silang pasahero. Wala namang nagdaraang jeep sa lugar na ito dahil tanging mga private cars, taxi at SUV lamang ang ang nagdaraan sa lugar na ito. Ang malas ko talaga dahil unti-unti nang bumubuhos ang malakas na ulan.Gusto ko nang magpapadyak dahil wala man lang masisilungan sa bahaging ito. Kapag tumawid naman ako ng kalsada pabalik sa park ay mas nakakatakot naman doon dahil madilim. Ewan kung bakit hindi nilalagyan ng street light ng local na pamahalaan ang park na iyon. Ito lang yata ang park na walang ilaw kapag gabi. Sabagay. konti lang naman ang namamasyal sa park na iyon dahil tatlong slide lamang ang mapaglilibangan ng mga bata roon. Kaya siguro hindi na pinag-a
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 57

Amber PovNagising ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot na bagay na dumampi sa aking mga labi. May humahalik sa akin.Agad na pumasok sa aking isip ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Sa pag-aakalang ang humahalik sa akin ay isa sa mga lalaking humahabol sa akin bago ako hinimatay ay bigla kong kinalmot ang mukha nito. Narinig ko ang kanyang pagdaing ngunit wala akong pakialam. Patuloy ko pa rin siyang kinakalmot habang sumisigaw ako ngunit hindi ko na siya muling natamaan pa."Layuan mo ako! Halimaw ka! Lumayo ka sa akin!" nagsisigaw ako habang nakapikit ang aking mga mata."Amber, calm down. It's me, Phil."Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napahinto ako sa pag-atake sa kanya kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. "P-Phil," sambit ko sa pangalan niya. Agad na tumulo ang aking mga luha at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Pansamantalang kinalimutan ko ang mga nakita ko tungkol sa kanya at kay Bovic. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay masaya akong siya ang aking
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 58

Amber PovPagkatapos ng muntikan ko nang pagkakakidnap ay hindi na hinayaan ni Lolo Fidel na umalis ako ng bahay na walang dalang kotse. Kahit tutol ako ay nagpabili siya ng isa pang kotse kay Phil para raw kapag coding ang kotse ko ay may ibang kotse akong magagamit.Naisip ko na mabuti na lamang at wala rito si Karen dahil nasa bahay ng kanyang tiyuhin. Busy kasi ito sa pagre-review sa darating na exam nito kaya nag-decide itong sa bahay ng kanyang tiyuhin muna manatili. Maa malapit kasi ang bahay ng tiyuhin nito kaysa sa bahay ni Phil. Laking-pasasalamat ko nang pansamantalang nawala sa bahay si Karen dahil walang nanggugulo sa akin. Pero kapag nalaman niya ang ginawa ko kay Phil ay tiyak na uuwi siya rito para awayin ako kahit na hindi ko naman sinasadya ang nangyari. Pansamantalang nanahimik ang aking mundo.Nang may humintong kotse sa tapat ng bahay ni Phil ay napasimangot ako. Inisip ko na umuwi na si Karen. Ngunit nang kumatok ito sa pintuan at ako ang nagbukas dahil nasa sal
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 59

Amber Pov"Are you okay, Amber?"Nagulat ako nang ipitik ni Migz ang kanyang dalawang daliri sa tapat ng aking mukha. Kasama ko siya sa loob ng isang restaurant sa isang mall dahil pumayag ako nang niyaya niya akong kumain sa labas. Wala namang pasok kaya pumayag ako. At para na rin mawala ang isip ko kay Phil na tuluyang wala nang atensiyon sa akin.Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya dahil busy siya palagi. Madalas ay mainit ang kanyang ulo at kung minsan nga nasisigawan niya ang mga katulong niya nang hindi sinasadya. Hindi na rin siya natutulog sa silid namin. Sa guest room na ginawa niyang kuwarto niya na siya natutulog.Mabuti na lamang wala rito sa bahay si Lolo. Kinuha kasi siya ni Tita Aloha at isinama sa Canada para naman makapagbakasyon ito. Kung nakikita lang sana ni Lolo kung paano ako tratuhin ni Phil ay tiyak na pagagalitan niya ang kanyang apo.Hindi ko alam kung bakit tila palaging mainit ang ulo ni Phil. Palagi siyang wala sa mood kaya nakakailang siya
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 60

Amber PovPagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Phil ay nagkulong ako sa aking silid. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin sa akin iyon. Parang wala kaming magandang pinagsamahan. One week na akong nagkukulong sa aking silid at dinadalhan na lamang ako ng pagkain ni Chel. Minsan hindi ko nagagalaw ang pagkain kaya inilalabas sa aking silid na wala pang bawas. Minsan naman kapag nakaramdam ako ng gutom ay tumitikim lamang ako ng kaunti sa pagkaing dala niya para sa akin. Five days na sports festival sa school namin kaya okay lang na hindi ako pumasok. Wala naman kasi akong sinalihan na sport. Ngunit dahil hindi ko sinasagot ang mga text messages at calls sa akin ni Mildy kaya tiyak na nag-aalala siya sa akin ngayon at kaya siya tawag ng tawag sa cell phone ko. Ngunit wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Ang gusto ko lamang gawin ay mahiga at matulog sa aking silid.Gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa. Natatakot ako na totohanin niya ang kanyan
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more
PREV
1
...
45678
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status