Phil Pov"Tama na iyan, Bro. Lasing ka na. Iuuwi na kita sa inyo," awat ni Alex nang akmang magbubukas ulit ako ng isa pang bote ng alak.Tinawagan ko siya kanina at pinuntahan sa bahay niya para makipag-inuman. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Gusto kong pansamantalang kalimutan ang aking natuklasan."Don't stop me, Pare. Ito lang ang paraan para pansamantalang makalimot ako sa kinakaharap kong problema ngayon." Itinuloy ko ang pagbubukas ng bote ng alak at nagsalin sa baso ko. Agd kong ininom ang alak na para bang matindi ang aking pagkauhaw."Isipin mo ang mga taong nag-aalala sa'yo, Phil. Your grandfather and Amber. Tiyak na parehong nag-aalala na sila ngayon dahil madaling araw na ay hindi ka pa umuuwi sa bahay mo na hindi mo naman ginagawa noon. Kaya tumigil ka na sa pg-inom at ihahatid na kita sa inyo," patuloy na pangungumbinsi ni Alex sa akin. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi nang banggitin ni Alex ang pangalan ni Amber."Amber," sambit ko sa pang
Last Updated : 2023-08-25 Read more