Mabilis na lumipas ang oras dahil nang sumapit ang hapon ay naggayak na si mommy pauwi dahil madaling araw daw ang flight nila.“Oh, paano ’yan, pag-uwi na namin ulit kita mabibisita but we can talk through video call. If naiinip ka rito at gusto mo ng trabaho pwede ka pumunta sa company natin para may pagkaabalahan ka, your Tita Lalaine will assist you dahil siya muna ang mag-manage ng company natin. Or you can also go to your husband company, siya ang iniwanan ng parents niya to manage” saad niya. Napatitig ako sa kanya nang marinig ko ang pangalan ni Tita Lalaine, alam ko na masama rin loob niya sa akin. Hays!“Mom, Tita Lalaine is mad at me?” mahinahon kong tanong. Ngumiti si mom at hinaplos ang buhok ko. “Hmm. No, nagtatampo lang ’yon pero I'm sure magiging okay rin kayo. Don’t overthink too much, baka ma-stress ka. Basta, tandaan mo that everything will be okay, alright?” aniya. Tumango ako. “Okay, mauuna na ako. Sana magustuhan mo ang mga librong binili ko para sa ’yo,” wika
Last Updated : 2023-05-12 Read more