Humaharurot ang sasakyan ni Klinton na pumasok sa malapad na gate ng kaniyang mansion. Naglikha ng maraming alikabok sa sahig sa biglaan niyang paghinto. Alas syete na nang gabi, kaya hindi ‘yon kapansin-pansin. Pagbukas ni Klinton ng driver seat ng kaniyang Lamborghini, agad siyang bumaba at maingat itong isinara. Inayos niya ang Rolex Watch na nakasuot sa kaliwang pulsuhan habang naglalakad patungo sa bungad ng pinto. Samantala, si Ace nakasuot ito ng kulay gray long sleeve shirt, sa mangas, may pasundo-sunod na letrang nakatatak; ‘SALVADOR’, kapares iyon ang suot na gray jogger. Ang kasuotan nito branded na gawa ng pinakamagaling na designer. Ito'y eksklusibo na taga-gawa ng kasuotan ng pamilya Pendilton, casual man o formal. Nakapaa lamang si Ace habang palakad-lakad sa sala habang naghihintay sa kaniyang Daddy, nasa likod ang mga kamay habang at may hawak itong isang baseball. Nang malaman ni Ace na pauwi na ito, tumigil siya sa kakaiyak dahil naisip niya na pagtatawanan siy
Last Updated : 2025-02-09 Read more