NASA Maynila na uli sina Vincent. At dahil sa pag-aalala na wala siyang naririnig na anoman mula sa kasintahang Haponesa, naging balisa ang binata. Hindi ito mapalagay kahit kinokontra ng mga kaibigan niya ang mga negatibong naiisip niya tungkol kay Yuri.“Nag-out of town lang siguro iyon, pare. At hindi ka agad na-inform.” ani Fael.“Maaari nga. At baka walang signal doon sa pinuntahang lugar.” Segunda naman ni Gino.”“Okay lang si Yuri, pare. Huwag kang mag-isip nang ‘di maganda.” Saad naman ni Roy.“Ngayon lang nangyari ito. At kababalik niya lang sa Japan para i-assign agad siya sa labas, ng management ng kompanya nila. Saka, any move na gagawin niya, ini-inform niya agad ako, mga pare.“Nagtataka lang talaga ako na since the other night nang dumating tayo kina Andeng, hindi niya sinagot ang text ko at ang mga tawag ko kinabukasan.”“Baka naman nagseselos, ‘di kaya?” wika ni Fael.“Alam niya naman na dadalawin ko ang anak ko at hindi namin iyon pinagtalunan.”“At ang nanay ng anak
Last Updated : 2023-06-29 Read more