HINDI na uli nakabalik sa pagtulog si Vincent matapos silang mag-usap ni Yuri.Napaisip siya nang malalim. Bakit ganoon na lamang kadali na bumitiw si Yuri sa relasyon nilang dalawa?Ilang araw pa lang ang nakalipas nang pag-usapan nila ang planong pagpapakasal. Ang pagsunod niya rito sa Japan. Ang planong pag-i-extend niya roon ng Team Vincent katuwang ito.Bubuo sila ng pamilya roon at mabubuhay sila ng masaya at matiwasay.Pero ano ang nangyari? Sa isang iglap ba, ganoon lang siya kadali na nai-give up nito? Ng dahil umano sa hustisya na matagal na nitong hinahanap para sa ama?Napailing ang binata. Hindi naman kailangang maputol ang relasyon nila habang inaasam ni Yuri na mabigyang katarungan ang sinapit ng ama nito, a? Dahil makakaramay siya nito sa laban nito na iyon. Handa niya itong tulungan malagay man sa peligro ang buhay niya.O, kung dahil man kay Hikaru? Ang dati nitong nobyo na ganoon lang kadaling tinalikuran si Yuri noon sa mga sandaling kailangang-kailangan niya ito?
NAGSERYOSO ang tropa matapos lumabas ni Vincent sa banyo. Bagong ligo na ito. Parang walang nangyari at hindi naapektuhan ng alak kagabi bagama’t namumula pa rin ang mukha palibhasa’y mestisuhin.Hindi ito ngumingiti maging nang biruin uli ni Gino. Nag-dirty sign lang ito sa kaibigan.“Bakit ba nandito kayo? ‘Di ba may mga trabaho kayo?” medyo paangil niyang tanong sa mga ito.“Ang sungit, ah?! Parang babaeng nagmi-menopause!” Tudyo pa ni Gino.“Ba’t mo alam? May syota ka bang mawawalan na ng regla?” ani Fael.“Lol! Gano’n kasi ang tiyahin ko noon.” sagot pa ni Gino.“Legal holiday ngayon para sa tropa ni Vincent Valderama kaya naman nandito kaming lahat ngayon.” Hirit naman ni Roy. “Maupo ka nga rito, oy!” imi-nuwestra pa ni Roy ang bamboo sala set ni Vincent sa kuwarto niya kung saan sila nakaupo.Napailing si Vincent. Alam niyang hindi siya tatantanan ng mga kaibigan.Nagbihis muna siya. Naglolokong sinipulan pa siya ni Fael. “Watah badeh!”“Puwedeng mag-apply na macho dancer sa re
“EXCUSE ME, Ronald.” Paghingi ng paumanhin ni Andrea sa kausap. “Sasagutin ko lang ito.”Tumango si Ronald. “Take your time.”Lumayo ng kaunti si Andrea. “V-vincent? Kumusta? Bakit hindi ka natuloy sa Japan?”Bumuntong-hininga si Vincent sa kabilang linya. “M-mahabang kuwento, Andeng. Saka ko na lang sasabihin pagbalik ko riyan. Maybe next week.”“O-okay. Ikaw ang bahala…” parang nalungkot si Andrea sa narinig. ‘Maybe…’ Hindi tiyak ang pagbabalik dito ni Vincent.“Kumusta kayo ni Vince?”“Okay lang kami. Lalo na ang anak mo. Huwag kang mag-alala.”“I called to ask an apology about last night, Andeng. N-naistorbo kita. At siguro, pinag-alala pa…”“Medyo. Sa pag-aalala, oo. Sa istorbo, kahit kelan ‘di ko ‘yon iisipin. Pero, okay ka na ba ngayon?”“Okay lang. Nothing to worry.” pagkakaila ni Vincent gayong mabigat pa ang kalooban niya.“Salamat kung gano’n…”“Si Vince? Puwede ko bang marinig ang boses ng anak ko?”“Kinuha nina Meldy at Toto kanina.” Sinabi ni Andrea ang dahilan.“Okay.
NAUWI sa malalim na pag-iisip ang utak ni Vincent matapos magpaalam sa kan’ya si Roy.Oo nga, may usapan sila ni Andrea. Nagkaintindihan na sila nito hinggil sa magiging sitwasyon sakali ng kanilang mga puso. Pero sa kanilang dalawa, siya itong laging nagpapatumpik-tumpik. May alinlangan. Kaya nga hindi niya matiyak ang damdamin.Ngunit may isa siyang natitiyak sa pag-aalinlangan ng kan’yang damdamin. Kasi, ayaw niya rin na masaktan niya ang nanay ng anak niya kung sakali.Mahalaga sa kan’ya si Andrea. Totoo iyon. Hindi iyon pagkukunwari. Kamahal-mahal ang isang katulad ni Andrea. Kaya nga ba sa unang kita pa lamang niya rito, may atraksyon na siyang nadama sa dalaga. Lamang, nasa buhay niya si Yuri na ayaw niya rin namang masaktan dahil marami rin itong pinagdaanang masasakit na pangyayari sa kan’yang buhay. At siya ang nagsilbing kalakasan nito nang pumasok siya sa buhay ng Haponesa.Pero wala na si Yuri ngayon. Pinakawalan siya at pinakawalan niya rin. Nang ganoon kadali.Nasaktan
“LIGAWAN mo si Andeng!” Halos sabay pang turan ng mag-asawa kay Vincent.Napamaang uli ang binata. Expected niya na iyon. Alam niyang gusto talaga ng mga ito na magkatuluyan sila ni Andrea, pero parang nasorpresa pa rin siya na ganoon talaga ang hangad ng mga ito. Na magkamabutihan silang dalawa gayong may iba palang naghahangad na masungkit ang puso ng nanay ng anak niya. At sa palagay niya ay deserving naman para kay Andrea.Sino ba siya kumpara sa politiko na nauugnay ngayon sa dalaga? Likas na mayaman din pala ang angkan na pinagmulan nito. Kilala at prominente sa lipunan ang pamilya. At kung papalarin ito na maging Gobernador, baka lalo siyang walang binatbat dito.Tila may narinig uli si Vincent na bumulong sa utak niya – ‘ano ba! Huwag mong minemenos ang sarili mo! Nakahihigit ka roon!’“P-pumayag kaya si Andeng na ligawan ko siya…?”Kinikilig na napatingin si Meldy kay Toto. “Toto! Heto naaa! Manliligaw na si Vincent Valderama sa kaibigan kooo!!!”“Over acting ka, Imelda!” k
PARANG hindi makapaniwala si Andrea sa mga narinig kay Vincent tungkol sa natapos nitong relasyon kay Yuri. “G-ganoon ka lang niya kadaling pinakawalan?”Nagkibit balikat ang binata. “Maybe, I'm not good enough to be loved.” Malungkot niyang tugon.Umiling si Andrea. Pinisil nito ang palad ni Vincent. “Don’t say that. Sapat ka. Walang kulang sa ‘yo. Nagkataon lang na hindi ka ang naging priority dahil may kan’ya-kan’ya silang dahilan para hindi ikaw ang piliin.”“Salamat sa pagpapalakas ng loob ko, Andrea. But, okay na ako. I am now in the process of slowly learning how to move on.” Napabuntong-hininga si Vincent. Pagkuwa’y matamis nitong nginitian ang ina ng kan’yang anak. Siya naman ang pumisil sa palad nito.“Good to hear that.”“Yes. And this is the last time na pag-uusapan natin ang tungkol sa past ko. Ayoko na silang ungkatin pa.”“Okay, kung ‘yan ang mas makakatulong sa ‘yo para maka-move on ka na talaga.”“May mas makakatulong pang iba para maka-move on ako agad.” Titig na tit
“ABA, ‘di ba dapat bisita rin ako? Kasama ako nang umakyat ng ligaw, ah. Bakit, ako ang naghahanda ng ipapakain sa bisita?” Kunwari ay reklamo ni Meldy habang gumagawa ng sandwich. Tumawa si Andrea. “Bahala ka diyan!” “Sarapan mo, Meldy ha?” Sabi naman ni Vincent. “Konti lang ang kinain naming hapunan ni RJ sa hotel, eh. Gutom na ako.” “Ang daya mo! Dapat may dala ka ring pagkain, eh…!” Sabi naman ni Andrea sa binata. “Sorry na. Sa sobrang excited kong umakyat ng ligaw, nakalimutan ko ‘yun. Ang nasa isip ko lang kanina, bumili ng roses at chocolates.” “Don’t worry, Papa Vincent. Ikaw lang, sapat na! Kahit hindi kumain si Andeng! Mas yummy ka pa sa lafang!” biro pa ni Meldy. “Huyyy!” kunwaring saway ni Andrea sa kaibigan. “Baka maniwala ang lalaking ito! Ayan o, lumalaki tuloy ang butas ng ilong!” Sinundot ni Vincent ang bewang ni Andrea. “Hmmnn, kunwari!” tumawa ito. “Huwag kang mag-alala, Meldy. Naniniwala ako sa ‘yo!” “Pinagtutulungan n’yo ako, ha? Sige lang, pahihirapan kita
“RJ…” “T-tita Liz…” atubiling sagot ni RJ nang sagutin niya ang tumawag sa kan’yang telepono. “For God’s sake, RJ! Ilang beses ko na bang sinabi sa ‘yo na baguhin mo na ang tawag mo sa akin? Hindi mo ako tiyahin. Matagal mo nang alam na nanay mo ako!” Napangiwi si RJ. Makirot sa tenga ang malakas na boses ni Liz, pero parang mas makirot ang sinabi nito. Makirot dahil – kelan ba ito nagpaka-ina sa kan’ya ng literal? Hindi na lang siya kumibo at hindi pinansin ang sinabi nito. Mahirap na. Baka makasagot lang siya ng kapwa nila hindi magugustuhan. “N-napatawag ho kayo?” “Nakakapagtaka bang tawagan kita uli? Na kumustahin ka uli bilang anak ko?” Napailing si RJ. ‘Heto na naman…’ “M-may kailangan ho kayo? Kulang ba ‘yong pinapadala ko sa inyo? Dadagdagan ko…!” “Hindi pera ang kailangan ko, RJ! Ikaw!” umiyak si Liz. “Kelan ka babalik dito?” “H-hindi ho puwede. Inaasahan ako ni Papa. Tinuruan niya na ako ng pasikot-sikot sa negosyo. Kailangan niya ako rito.” “At ako? Paano ako? Hi
ANG WAKAS… SIKAT na ang araw nang magmulat ng mga mata niya si Andrea nang umagang iyon. Wala si Vincent sa tabi niya. Maging si Vince ay wala na rin sa kama nito. Naisip niya, marahil ay isinama ni Vincent na maglakad-lakad ang anak para bumili rin ng pandesal sa ‘di kalayuang bakery doon. Alam kasi nito na hindi kumpleto ang almusal niya pag walang pandesal na isinasawsaw niya lang sa mainit na kape. Pasado alas sais na ng umaga. Tinanghali siya ng gising kasi’y late na ring nakauwi si Vincent kagabi dahil pinagkatuwaan aniya ito ng mga kaibigan na bigyan ng bachelor’s party. Medyo napuyat siya sa paghihintay dito. Ngayong araw na ang kasal nila sa huwes na kasabay ng birthday niya. ‘Birthday niya…’ Ngayon. Napangiti si Andrea. This day is her 41st birthday. Akalain niya ba? Na sa edad niyang ito, makapag-aasawa pa pala siya? Na may lalaki pang magpapakasal sa kan’ya? At ang lalaking iyon ay pinakamamahal niya? Ito na ang pinakamasayang kaarawang dumating sa buong buhay niya.
PAGKATAPOS ng senaryo na iyon sa memorial park, tahimik na umalis at umuwi na sina Vincent. Tila ba talo pa nila ang kasalukuyang sitwasyon ni Liz na sobrang nagluluksa sa pagkamatay ng asawa nito dahil ganoon na lamang ang palahaw nito kanina habang unti-unting ibinabaon ang kabiyak nito sa ilalim ng lupa.Sa kotse, habang nagmamaneho si Vincent, walang nagsasalita ni sinuman. Maging si Meldy na mahilig magbiro at magpatawa, tila ba hanggang sa mga sandaling iyon ay bigat na bigat pa rin ang kalooban sa nasaksihang tagpo kanina.Idinaan na muna ni Vincent ang mag-asawang Meldy at Toto sa hotel na tinutuluyan ng mga ito bago nila binagtas na muli ang direksyon pauwi.Hanggang sa makarating sila ng bahay, sobrang katahimikan pa rin ang namamayani kina Vincent at Andrea. Kaya lang nagkaroon uli ng conversation, nang sumalubong sa kanila si Edna habang karga ang tuwang-tuwa na si Vince pagkakita sa mga magulang nito.“Naku boss, Ma’m Andeng, kanina pa ‘to nangungulit sa katatanong sa in
NAGISING kinabukasan si Andrea na magaan ang pakiramdam kahit may tensyon na nagpabigat ng dibdib niya nang nagdaang gabi.Bigla niya lang naisip, bakit nga pala hindi niya naitanong kay Vincent kagabi kung bakit hindi siya nito pormal na ipinakilala kay Trina? Sabagay, importante pa ba ‘yon? Kay Yuri man, sa naging girlfriend nitong Haponesa, kahit alam nito ang tungkol sa kan’ya, hindi rin naman siya ipinakilala ni Vincent sa ex nito na ‘yon. Pero hindi niya itatanggi, kahit paano, kwestyonable iyon sa kan’ya.Napabuntong-hininga ang dalagang ina. Hayaan niya na nga lang. Hindi na mahalaga ang bagay na iyon.Pinagmasdan niya ang lalaking pakakasalan. Himbing pa ito. Naghihilik pa nang mahina. Napangiti si Andrea. Ang sarap-sarap pagmasdan ng guwapong lalaking ito na tatay ng anak niya.Akalain niya ba? Na ang binatang ito na hinanap niya mahigit dalawang taon na ang nakalipas ay kapiling niya na ngayon? At pakakasalan siya?Higit sa lahat, minahal din siya…!Namasa sa luha ang mga m
BAGAMA’T pumayag siya na makipag-usap si Vincent kay Trina, hindi itatanggi ni Andrea sa sarili, nagseselos siya. Pero kailangan niyang pigilan ang damdaming iyon dahil naniniwala siya na tapos na talaga ang kabanata ni Trina sa buhay ni Vincent. May isa lang na ipinagkukukot na mabuti ng kalooban niya. Kung bakit hindi man lang siya nagawang ipakilala ni Vincent kanina sa dati nitong kasintahan. Na-excite ba ito nang muling makita si Trina? Nataranta, kaya nakalimutan nito na ‘ibida’ siya nito sa dating nobya na siya na ang babaeng pumalit sa kan’ya sa puso ni Vincent at siya nitong pakakasalan? Ibig mag-init ng mga mata ni Andrea sa pagdaramdam sa tatay ng anak niya. Sumulyap siya sa relo niya sa bisig. Mahigit kalahating oras nang wala si Vincent. Ang tagal naman yata nang pag-uusap ng dalawang iyon? Malinaw na sabi ni Vincent kanina, wala na silang dapat pag-usapan ni Trina. Pero bakit ang tagal na ay hindi pa ito bumabalik? Ibig sabihin, hindi totoo na wala na silang dapat pan
SA BUROL ng asawa ni Liz na si Mario, pormal na ipinakilala ni Vincent si Andrea sa mga kamag-anakan nilang naroroon. At katulad nang dapat asahan, nagulat at nagtaka ang lahat kung paanong nangyari na may anak na si Vincent bagay na hindi naman pinag-aksayahan ng panahon ng binata na ipaliwanag sa mga ito ang dahilan. Hindi niya ilalagay sa kahihiyan at lalong hindi niya hahayaang husgahan ng mga ito ang nanay ng kan’yang anak.Kaswal lang si Liz nang ipakilala ni Vincent si Andrea rito. Napansin ni Andrea na may pang-uuyam ang tingin nito sa kan’ya. Winalang bahala na lamang niya ang napansin na iyon sa tiyahin ng mapapangasawa, at sa halip, nag-abot pa rin siya rito ng pera bilang abuloy sa namayapa nitong asawa.“Salamat.” ani Liz kay Andrea nang abutin nito ang sobreng ibinigay ng dalaga. Matabang ang pagtanggap niya sa presensiya nito.Medyo malayo noon si Vincent at kausap ang isa nitong pinsan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Liz na usisain ang dalagang ina, habang magkalapit
LAKING pasasalamat ni Toto dahil isang linggo bago dumating ang bagyo ay nakaangkat na uli ng abaka ang Team Vincent kaya kaunti lamang ang mga tanim niyang nasira nang nagdaang bagyo. Nakaka-panghinayang din kahit paano pero ganoon talaga ang hanapbuhay. Minsan ay inaabot din ng pagsubok, ika niya. Ang mahalaga'y ligtas silang mag-anak.Masayang-masaya ang mag-asawa na dumating si Vincent, hindi lamang sa buhay ni Andrea kun’di maging sa buhay din nila. Isang biyayang maituturing ang isang katulad ni Vincent na kasalukuyan ding nagbibigay ng magandang kita sa kanilang hanapbuhay. At wala rin silang masasabi sa ipinakikita nitong kabutihan sa kanila.Napag-usapan na rin nila na tutulungan sila ni Vincent na magkaroon ng kotse. Si Vincent mismo ang nagpursige na makapundar si Toto ng magandang sasakyan na para rin sa pamilya niya. At cash iyon na babayaran ng binata na huhulugan na lamang ni Toto ayon sa kakayanan nito na wala ni bahagya mang tubo, kaya ganoon na lamang ang katuwaan n
TUMAWAG si Meldy bago pa sila gumayak patungo sa plantasyon ng abaka ni Toto. Sarado aniya ang munisipyo nang araw na iyon, hindi lamang dahil Sabado kun’di busy din ang LGU sa pagresponde sa mga binagyo partikular sa ibang baryo o barangay na hindi nakapaghanda o nakalikas nang kasagsagan ng unos. At ang Mayor ng bayan, kasalukuyan pala itong may trangkaso bago pa man bumagyo kahapon. Out of town naman ang isang kilalang Judge na malapit lamang sana ang tirahan sa lugar na iyon, kaya hindi uubra na magpakasal sina Vincent at Andrea sa araw na iyon. “S-seryoso ka talaga na pakasalan ako ngayong araw? Kung posible na may magkakasal sa atin?” paniniyak pa ni Andrea kay Vincent. “Gusto ko nang magtampo, sweetheart. Bakit ba duda ka pa rin?” “K-kasi, pabigla-bigla ka naman diyan. Baka, binobola mo lang ako...” Niyakap ni Vincent si Andrea. “Ano pa bang patunay ang kailangan kong gawin o sabihin sa ‘yo para maniwala ka na mahal kita? Gusto mo bang ulitin natin ang senaryo natin kagabi
“HALA, tanghali na talaga! Nakapagbukas kaya ng tindahan ang mga tao ko?” parang nataranta at biglang napaisip si Andrea. Dali-dali nitong binuksan ang pinto upang alamin kung bukas na ang grocery niya, nang bigla siyang magulat sa tumambad sa kan’ya. “M-meldy? Toto? Kanina pa kayo diyan?” “Mismo!” Nakairap na sagot ni Meldy. “Mabuti naman at sa wakas, gumising at bumangon na kayo at nagbukas na kayo ng bahay! Aba’y tirik na ang araw, a?” Nagpalinga-linga pa si Meldy sa loob ng bahay. “Mu’kang sumabay din kayo ni Vincent sa lakas ng bagyo kagabi, ah? Lovers in typhoon Urduja ang peg, huh? May panunuksong tinitigan pa nito ang kaibigan. “Nag-enjoy ka ba sa kandungan ni Papa Vincent, my friend?” Napahagikgik si Toto na nasa likuran lang ni Meldy. “Imelda, naman! Ang bunganga talaga nito kahit kelan…!” inis na sabi ni Andrea. Napalabas na si Vincent na karga-karga si Vince. “Pareng Toto, good morning! ‘Andiyan pala kayong mag-asawa. Kanina pa kayo?” “Tanghali na, Mr. Valderama.” Si
NANATILI sa kan’yang lakas ang unos na dinaranas ng probinsiya ng Catanduanes sa mga sandaling iyon. At ayon sa huling update ng PAG-ASA, namataan ang mata ng bagyo sa Sibuyan Island na nagsisilbing boundary ng Visayas at Bicol region.Patuloy pa rin sa pangangalit ang hangin at ulan sa labas. Marami na itong itinumbang mga puno at ilang poste ng kuryenteng halos bumagsak na rin sa pagkakatindig.Malalakas din at malalaki ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Good thing, umaga pa lang naman nang araw na iyon, kahit wala pang signal warning mula sa ahensyang responsable sa weather forecast, pinalikas na ng LGU ang mga residente roon partikular nga ang mga nakatira malapit sa baybayin.Sa barangay naman nina Andrea, nasanay nang laging handa ang mga residente roon sa ganitong sitwasyon, dahil normal na nga sa kanila ang dalawin lagi ng masamang panahon.Napaghandaan na nila ang kalamidad na tulad noon na paulit-ulit na humahagupit sa kanilang probinsiya.Matitibay ang pagkakagawa