"Ayos ka lang? " Nanindig ang balahibo ni Nadia nang dumampi ang mainit na hininga ni Enrico sa kanyang tainga at leeg ng pabulong siyang tanungin nito. Nakasiksik sa kanya si Enrico sa pang isahan na couch kung saan naka upo si Nadia. Hindi makatingin kay Enrico na tumango si Nadia. "Ayos lang ako. Nanghihina nga lang ako kaya ayaw kong gumagalaw, " sagot niya. Nang makarating sila kanina saglit lang siyang nakisalamuha sa mga bisita dahil bigla siyang nahilo. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kakapanganak niya pa lang o sa kaba na nararamdaman. Pinahinga siya muna ni Enrico at sinabihan ang mga kamag-anak na huwag munang guluhin si Nadia. Nang dahil sa sinabi ni Enrico, naging pulutan siya ng tukso. Ngunit imbis na magalit o mainis ay natutuwa pa siya at proud pa. "Sa kwarto ko na lang ikaw magpahinga. Maingay rito, magulo. "Nag-aasaran kase ang mga kamag-anak niya. Pinag-aagawan ang kanilang anak, nagtutulakan, nagtatalo kung sino ang susunod na hahawak. "Hep! Wala ng hah
Last Updated : 2024-01-23 Read more