Umusok ang ilong niya sa galit habang naglalakad sa pasilyo papalayo ng lugar na iyon.Gigil na gigil si Scarlet pagdating sa loob ng madilim at maingay na club. Maririnig ang malakas na tugtog ng musika, kalansing ng nag-uumpugang mga bote at baso , halakhakan at kuwentuhan nang mga taong nag-iinuman.Inagaw ni Scarlet ang shotglass ni Hera at walang sabi-sabing nilagok ang alak nito.“Anong problema natin, Scarlet?”“I almost got his attention. That guy! Ugh, he really pisses me off!” Ibinagsak niya ang baso sa sobrang inis. Napatingin ang mga lalaki sa kanilang tabi. “One more vodka please!” Order nito sa bartender.“Gigil na gigil ka, girl ha! Sino ba ang kaaway mo?”“Forget it! Let’s drink. Sagot ko!”“Wohoo! Tuloy ang ligaya, guys!”Gustong kalimutan ni Scarlet ang nakaraan. Kahit ipikit niya ang kanyang mga mata, buhay na buhay sa kanyang alaala ang gabing umuwi siya na duguan ang magkatabing katawan ng kanyang mga magulang.“Mama! Papa!” Puno ng basyo ng bala sa loob ng kanila
Magbasa pa