Home / Urban / Realistic / The Ex-Husband's Revenge / Kabanata 221 - Kabanata 230

Lahat ng Kabanata ng The Ex-Husband's Revenge: Kabanata 221 - Kabanata 230

450 Kabanata

Kabanata 221

Huminga ng malalim si Ashwin, ginawa niya ang lahat para huminahon siya.“Ang ibig niyong sabihin ay ang plano natin para sirain ang production…” Mabilis na naintindihan ang ibig sabihin ni Ashwin.Noon, pareho nilang pinag usapan ang makipag tulungan para harapin si Leon, ngunit napatagal ito dahil sa problema sa development ng products at sa pagtaas ng efficiency ng pagproseso ng raw materials nila.Dahil tapos na ang problemang ito, oras na para magpatuloy sila sa plano nila!“Tama! Nakaisip na ako ng plano na walang butas. Walang masamang mangyayari dito…” Ngumisi si Ashwin habang pinalapit niya si Michael para ibulong ang plano ng detalyado.“Mabuti, magandang ideya ito! Basta’t maging maayos ang plano, mapapatalsik natin si Leon mula sa kumpanya!” May kinang sa mga mata ni Michael habang nagsimula siyang tumawa.“Syempre! Ngayon, sundan mo lang ang plano ko at kumilos. Ngayon naman, gusto ko na masira ng tuluyan ang reputasyon niya. Hindi siya makakabangon mula dito!” May k
Magbasa pa

Kabanata 222

“Sana ay magamit mo siya ng mabuti sa darating na panahon! Ah, ganun ba? Mahusay talaga siya?” Nabigla si Iris.“Sobra! Kung hindi ka naniniwala sa akin, pwede mo tanungin si Ariel.” Tumuro si Leon kay Ariel sa tabi niya.“Oo, tama si Leon. Maraming kakayahan si Mister Wallace,” Tumango si Ariel.Kasama niya si Leon sa factory sa nakalipas na mga araw at nakita niya mismo ang kakayahan ni Stanley. Talentado ang lalaking ito.“Mukhang mahusay siya! Bakit hindi ko ito gawin? Ang manager ng second factory, si Mister Lennon, ay magreretiro na sa susunod na buwan. Kapag nag retiro na siya, si Mister Wallace ang gagawin kong kapalit niya,” Ang sabi ni Iris.Dahil recomenda ito nila Leon at Ariel, mas mataas na ang tingin ni Iris kay Stanley kaysa sa dati.“Sige,” Masaya si Leon. Pagkatapos nito, tila may naisip siya habang idinagdag niya, “Iris, may isa pa.”“Tungkol doon sa ten percent dividend. Pakiramdam ko ay hindi ko ito kayang tanggapin ng mag isa. Sa tingin ko ay kalahati nito
Magbasa pa

Kabanata 223

“Leon, binigay ko sayo ang ten percent ng dividends hindi lang dahil pinataas mo ang efficiency ng raw material at dahil gumawa ka ng mga bagong produkto, ito rin ay dahil nagawa mong makuha ang partnership ng Wick Group para sa kumpanya! Nararapat sayo ang mga reward na ito, hindi mo dapat makipag hati sa kahit sino! Para naman kay Mister Wallace, ang lahat ng mga higher-up sa kumpanya ay may mga dividend na base sa posisyon at kontribusyon nila.“Kapag nakuha niya na ang posisyon ng manager sa second factory, magiging isang company executive na siya. Pagkatapos, natural na makakuha din siya. Hindi mo kailangan mag alala tungkol sa kanya!” Ang matatag na sabi ni Iris.Ang karamihan sa mga executive sa kumpanya ay meron lang one o two percent. Kahit sina Ashwin at Ariel at mayroon lang eight at six percent.Ang karamihan sa mga tao ay kasama ni Iris ng higit sa dalawang taon. Lahat sila ay may kontribusyon sa kumpanya.Kapag si Stanley ay nakakuha ng dividends dahil lang tumulong s
Magbasa pa

Kabanata 224

“Wag mong kwestyunin ang mga bagay na walang kinalaman sayo! Gawin mo na lang ang sinabi sayo!” Ang hindi masaya na sinabi ni Guido.“Yun ay…” Tila problemado talaga si Stanley. Pagkatapos, kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi niya, “Mister Boyd, pasensya na po, pero hindi ko ito magagawa!”May malamig na tingin sa mga mata ni Guido, “Hindi mo ito gagawin?”“Sige, mag impake ka na at umalis ka na! Hindi mo na kailangan magtrabaho dito!”“Ano? Paano niyo ito nasabi?! Mister Boyd, nagtrabaho ako sa kumpanyang ito ng halos sampung taon. Ako ay…” Nabigla si Stanley. Gusto niya pa magsalita, ngunit sumingit si Guido bago pa siya matapos.“Sundin mo ang sinabi sayo kung hindi ay umalis ka na! Ikaw mismo ang gagawa ng desisyon!” Ang malamig na sinabi ni Guido.“Pero…”“Walang pero!”“Nakita mo na dapat ang announcement sa human resources, hindi ba? Tinulungan mo si Mister Wolf sa mga nakalipas na araw. Kahit anong pagsisikap ang ibigay mo, hindi ka man lang nakatanggap ng kahit a
Magbasa pa

Kabanata 225

“Sige,” Tumango si Leon.Nagtitiwala siya kay Stanley, kaya pinirmahan niya ang pangalan niya sa dokumento.Pagkatapos, ang mga produkto ay nilagay sa iba’t ibang mga truck at dinala ito sa Wick Group.Sa Wick Group, naglabas ng ilang sample si Jenson mula sa mga produkto pagkatapos nila matanggap ito at binigay nila ito sa R-and-D department ng kumpanya para sa testing.Business ay business, hiwalay ito sa personal na mga relasyon.Kahit na magkasundo sina Jenson at Leon, ito ang unang beses na nagtrabaho ang Elegante Group at Wick Group. Kailangan niya gumawa ng testing upang mapigilan na mangyari ang masamang bagay.Hindi nagtagal, ang head ng R-and-D department ay nagdala ng isang test report na tila hindi makapaniwala.“Mister Lloyd, kamusta ang resulta? Walang mga problema, tama?” Ang tanong ni Jenson.Alam ni Leon ang pagkatao ni Leon. Sa pagiging makatarungan ni Leon, naisip ni Jenson na walang magiging problema sa mga produkto ng Elegante Group.Ginagawa niya lang ang
Magbasa pa

Kabanata 226

Mula dito, halata kung gaano kalala ang problema!“Hindi, masyadong seryoso ang problemang ito! Kailangan ko tumawag agad kay Mister Wolf!” Masama ang itsura ni Jenson habang mabilis niyang kinuha ang phone niya para tumawag kay Leon.Sa factory, nabigla si Leon pagkatapos makatanggap ng call mula kay Jenson.Hindi niya inaasahan na may seryosong problema na nangyari sa mga produkto!Hindi lang yun, kumalat ang problema sa loob ng kumpanya. Si Iris at ang ilang mga executive ay mabilis na kumilos.Ang total assets ng Elegante Group ay umaabot sa ilang hundred thousand. Hindi lang sa nasayang ang seven million na halaga ng produkto, baka humingi pa ang Wick Group ng seventy million bilang kabayaran!Ito ang unang beses na ang kumpanya ay nakaharap ng ganitong seryosong problema!Halata ang panganib ng sitwasyon!Pagkatapos nito, agad na tumawag ng isang emergency meeting si Iris sa headquarters, sinabihan niya sina Leon at Arial pati na rin ang factory manager, si Guido, at ang
Magbasa pa

Kabanata 227

“Tama si Mister Mercer!”“Malaki ang naging kawalan sa kumpanya dahil kay Mister Wolf. Kailangan na siyang tanggalin!”“Kasabay nito, kailangan nating siguraduhin na may karapatan tayo na dalhin ito sa korte!”Galit na nagkagulo ang mga executive.“Leon, ano ang masasabi mo para sa sarili mo?!” Pinilit na itago ni Iris ang galit niya.“Wala… akong masabi. Kasalanan ko ang lahat ng ito, at tatanggapin ko ang kahit anong parusa…” Ang mapait na sinabi ni Leon.Hindi niya pa rin maintindihan kung paano napuno ang isang illegal na bagay sa product. Hindi niya alam kung ito ay dahil sa sarili niyang pagkakamali o sa ibang rason.Gunpaman, may isang bagay siya na sigurado. Ngayon, siya ang namumuno sa production, kaya mahirap sa kanya na umiwas sa responsibilidad!Hindi ito ang kritikal na parte. Ang pinakamahalagang parte ay ang nabigo niya si Iris. Pinagsisihan niya talaga ito, at hindi niya maharap si Iris.Ang tanging nagawa niya lang ay ang maging matapang at tanggapin ang respo
Magbasa pa

Kabanata 228

“Miss Young, alam ko na hindi legal na bagay ang isobutylparaben, pero simula noong gumawa si Mister Wolf ng bagong cosmetics, siya na ang namumuno sa production. Bukod pa dito, ang lahat ng nasa production line ay istrikto na sumusunod sa kagustuhan niya. Wala akong karapatan para makialam. Bukod pa dito, binigay ko kay Mister Wolf ang dokumento bago dinala ang mga produkto. Pinirmahan niya ito,” Nilabas ni Guido ang dokumento para makita ng lahat, at nakita agad nila na pinirmahan ito ni Leon.“Mister Wolf, ito ang katunayan! Ang mga trabahador sa production line ay nagtatrabaho sa ilalim ng utos mo. Dinagdag nila ang isobutylparaben sa maling instructions mo! Ano ang masasabi mo tungkol dito?!” Ang sabi ni Ashwin ng may malamig na ngiti.Bago pa sumagot si Leon, tumayo si Ariela at sinabi niya, “Mister Mercer, bago pa imbestigahan ang problemang ito, hindi ka dapat mabilis magbigay ng sisi kay Leon!”Pagkatapos, si Ariel ay tumingin ng matalas kay Stanley, “Mister Wallace, ikaw a
Magbasa pa

Kabanata 229

“Ariel, hindi kaya’t nagkakamali ka?” Ang hindi sigurado na sinabi ni Leon.Pagkatapos magtrabaho ng magkasama ng ilang araw, nagtiwala si Leon kay Stanley.Gayunpaman, habang iniisip kung paano tumingin si Stanley sa mga dokumento bago ito pirmahan ni Leon, medyo hindi na sigurado si Leon.Tutal, nakakapag hinala na sa taong mahusay na tula dni Stanley, hindi niya napansin ang kahit anong problema.“Miss Summers, wala po itong kinalaman sa akin. Inosente ako,” Hindi inaasahan ni Stanley na tuturo sa kanya si Ariel. Nataranta siya ng konti at pinagpawisan ang mga palad niya sa pagkabalisa.“Alam mo sa sarili mo kung inosente ka! Bilang manager ng workshop, paanong hindi mo napansin ang kahit ano tungkol sa isang malaking problema sa production?! Pati kung may taong gusto ipahamak si Leon, kailangan nila ng tulong mo. Kung hindi, walang paraan para makatakas ito sa mga mata mo! Sa ibang salita, kahit na hindi ikaw ang gustong isabotahe si Leon, alam mo ang mga detalye!” Ngumisi si
Magbasa pa

Kabanata 230

“At ano ang ginawa mo? Wala ka bang puso?!” Mas lalong nagalit si Ariel habang nagsalita siya, sinabi niya ang mga bagay na hindi patas para kay Leon.“Ano? Nirekumenda niya ako, at gusto niya makipag hatian ng mga gantimpala sa akin? P-Paano nangyari yun?!” Nabigla si Stanley. Par bang tinamaan siya ng kidlat.“Walang imposible tungkol dito! Kung ayaw mo maniwala, pwede mo tanungin si Miss Young!” Ang malamig na sinabi ni Ariel.Tumango si Iris, “Tama si Miss Summers! Pareho nilang sinabi ni Leon na mahusay at may kakayahan ka. Naisip ko na magreretiro na si Mister Lennon mula sa second factory sa loob ng isang buwan, at plano ko na ikaw ang pumalit sa posisyon niya bilang factory manager!”“Para naman sa kagustuhan ni Leon na ibigay sayo ang kalahati ng dividends, totoo rin ito. Kaya nga lang ay ang dividends ay hindi pwedeng ibigay ng basta basta, kaya hindi ako pumayag dito!”“Yun ay…” Nabigla si Stanley.Akala niya ay si Leon ay naging makasarili. Ngunit, hindi niya inaasaha
Magbasa pa
PREV
1
...
2122232425
...
45
DMCA.com Protection Status