“Tama si Mister Mercer!”“Malaki ang naging kawalan sa kumpanya dahil kay Mister Wolf. Kailangan na siyang tanggalin!”“Kasabay nito, kailangan nating siguraduhin na may karapatan tayo na dalhin ito sa korte!”Galit na nagkagulo ang mga executive.“Leon, ano ang masasabi mo para sa sarili mo?!” Pinilit na itago ni Iris ang galit niya.“Wala… akong masabi. Kasalanan ko ang lahat ng ito, at tatanggapin ko ang kahit anong parusa…” Ang mapait na sinabi ni Leon.Hindi niya pa rin maintindihan kung paano napuno ang isang illegal na bagay sa product. Hindi niya alam kung ito ay dahil sa sarili niyang pagkakamali o sa ibang rason.Gunpaman, may isang bagay siya na sigurado. Ngayon, siya ang namumuno sa production, kaya mahirap sa kanya na umiwas sa responsibilidad!Hindi ito ang kritikal na parte. Ang pinakamahalagang parte ay ang nabigo niya si Iris. Pinagsisihan niya talaga ito, at hindi niya maharap si Iris.Ang tanging nagawa niya lang ay ang maging matapang at tanggapin ang respo
“Miss Young, alam ko na hindi legal na bagay ang isobutylparaben, pero simula noong gumawa si Mister Wolf ng bagong cosmetics, siya na ang namumuno sa production. Bukod pa dito, ang lahat ng nasa production line ay istrikto na sumusunod sa kagustuhan niya. Wala akong karapatan para makialam. Bukod pa dito, binigay ko kay Mister Wolf ang dokumento bago dinala ang mga produkto. Pinirmahan niya ito,” Nilabas ni Guido ang dokumento para makita ng lahat, at nakita agad nila na pinirmahan ito ni Leon.“Mister Wolf, ito ang katunayan! Ang mga trabahador sa production line ay nagtatrabaho sa ilalim ng utos mo. Dinagdag nila ang isobutylparaben sa maling instructions mo! Ano ang masasabi mo tungkol dito?!” Ang sabi ni Ashwin ng may malamig na ngiti.Bago pa sumagot si Leon, tumayo si Ariela at sinabi niya, “Mister Mercer, bago pa imbestigahan ang problemang ito, hindi ka dapat mabilis magbigay ng sisi kay Leon!”Pagkatapos, si Ariel ay tumingin ng matalas kay Stanley, “Mister Wallace, ikaw a
“Ariel, hindi kaya’t nagkakamali ka?” Ang hindi sigurado na sinabi ni Leon.Pagkatapos magtrabaho ng magkasama ng ilang araw, nagtiwala si Leon kay Stanley.Gayunpaman, habang iniisip kung paano tumingin si Stanley sa mga dokumento bago ito pirmahan ni Leon, medyo hindi na sigurado si Leon.Tutal, nakakapag hinala na sa taong mahusay na tula dni Stanley, hindi niya napansin ang kahit anong problema.“Miss Summers, wala po itong kinalaman sa akin. Inosente ako,” Hindi inaasahan ni Stanley na tuturo sa kanya si Ariel. Nataranta siya ng konti at pinagpawisan ang mga palad niya sa pagkabalisa.“Alam mo sa sarili mo kung inosente ka! Bilang manager ng workshop, paanong hindi mo napansin ang kahit ano tungkol sa isang malaking problema sa production?! Pati kung may taong gusto ipahamak si Leon, kailangan nila ng tulong mo. Kung hindi, walang paraan para makatakas ito sa mga mata mo! Sa ibang salita, kahit na hindi ikaw ang gustong isabotahe si Leon, alam mo ang mga detalye!” Ngumisi si
“At ano ang ginawa mo? Wala ka bang puso?!” Mas lalong nagalit si Ariel habang nagsalita siya, sinabi niya ang mga bagay na hindi patas para kay Leon.“Ano? Nirekumenda niya ako, at gusto niya makipag hatian ng mga gantimpala sa akin? P-Paano nangyari yun?!” Nabigla si Stanley. Par bang tinamaan siya ng kidlat.“Walang imposible tungkol dito! Kung ayaw mo maniwala, pwede mo tanungin si Miss Young!” Ang malamig na sinabi ni Ariel.Tumango si Iris, “Tama si Miss Summers! Pareho nilang sinabi ni Leon na mahusay at may kakayahan ka. Naisip ko na magreretiro na si Mister Lennon mula sa second factory sa loob ng isang buwan, at plano ko na ikaw ang pumalit sa posisyon niya bilang factory manager!”“Para naman sa kagustuhan ni Leon na ibigay sayo ang kalahati ng dividends, totoo rin ito. Kaya nga lang ay ang dividends ay hindi pwedeng ibigay ng basta basta, kaya hindi ako pumayag dito!”“Yun ay…” Nabigla si Stanley.Akala niya ay si Leon ay naging makasarili. Ngunit, hindi niya inaasaha
Nawalan ng pag asa ang mukha ni Guido habang napuno ng takot ang buong katawan niya.Nawala ang kulay sa mukha nila Ashwin at Michael, at lumubog ang puso nila nang napagtanto nila ang nangyayari.Hindi nila maintindihan kung bakit nagbago agad ang sitwasyon. Maayos naman ito kanina, ngunit biglang lumipat ng panig si Stanley at nasira ang plano nila!Ang malala pa dito, paano kung nagdesisyon si Guido na pagtaksilan sila at nabunyag kay Iris na may kinalaman sila dito?“Sabihin mo, sino ang nag utos sayo nito?” Mas lalong nagalit si Iris nang matuklasan niya na may iabgn tao maliban kay Guido na nasa likod nito.“Ito ay—”Napatingin si Guido sa direksyon ni Ashwin at Michael, nguit nang makita niya ang malupit na tingin sa mga mata nila, napahinto siya sa pagsasalita.“Sabihin mo kung sino ito, dali! Kapag hindi ka nag salita, tatawag ako ng mga pulis ngayon at ipapaaresto kita sa ilalim ng fiscal offense!” Ang sabi ni Iris.“Ito ay…” Hindi mapigilan ni Guido na manginig nang ma
Tumingin ng malupit si Michael kay Leon habang sinasabi niya ito.“Nababaliw ka na! Maraming beses ko nang klinaro na hindi ko boyfriend si Leon, at walang namamagitan sa aming dalawa, kaya tumigil ka na sa kalokohan mo!” Ang sabi ni Ariel.“Imposible yun! Ikaw ang nagpakilala sa kanya sa kumpanya natin, at dahil dito, natanggal mo rin si Conrad! Bakit mo ito gagawin para sa kanya kung hindi mo siya boyfriend? Sa tingin mo ba ay isa akong tanga, Ariel?” Nangutya si Michael.“Kalokohan! Sino ang nagsabi sayo na ako ang nagpakilala kay Leon sa kumpanya, at bakit mo naman naisip na sinisante ko si Conrad para sa kanya? Ito ang sasabihin ko sayo; si Iris ang gumawa nito, at wala itong kinalaman sa akin! Ako lang ang nasisis sa mga ginawa niya!” Sumabog na si Ariel.Hindi magandang karanasan at napasa ang sisi sa kanya, at dahil dito, umikot ang tsismis tungkol sa kanya na sila ni Leon, sa punto na nakakaapekto ito sa reputasyon niya. Isang himala na at naging tahimik siya tungkol dito
“Michael, Guido, Stanley, kayong tatlo ay may kinalaman sa pag setup kay Leon para sa fraud, at dahil sa ginawa niyo, nagkaroon ng malaking kawalan sa kumpanya, at hindi ito pwedeng pagbigyan! Simula sa araw na ito, opisyal na kayong sinisisante, at wala na kayong kinalaman sa Elegante Group!” Ang seryosong sinabi ni Iris.Dahil ang tatlo ay nagbigay ng kanilang serbisyo sa kumpanya ng maraming taon, nagdesisyon si Iris na magpakita ng awa sa kanila sa pagsisante sa kanila sa halip na kasuhan sila para sa krimen nila.“Salamat, Miss Young—” Ang tatlo ay pinasalamatan siya at tumayo sila, handa na silang umalis.“Miss Young, sandali lang,” Ang biglang sinabi ni Leon, humakbang siya paharap.“Ano yun?” Tumingin si Iris kay Leon.“Miss Young, sa tingin ko ay dapat pahalagahan ng lahat ang kakayahan ng isang tao na para maintindihan at itama ang pagkakamali ng isang tao. Sigurado ako na napilitan lang si Mister Wallace na maging parte nito dahil sa responsibilidad niya bilang breadwin
Sumunod sa kanya sina Leon at Ariel palabas ng kwarto.Humigpit ang mga kamao ni Ashwin habang pinanood niya na paalis ang mga ito, maputla ang mukha niya.Plano niya ang lahat ng ito upang palayasin si Leon, ngunit nasira ang lahat.Kahit na nakatakas siya ng walang problema, alam niya na naghihinala na sa kanya si Iris.Gayunpaman, dahil marami siyang isinakripisyo at nakamit para sa kumpanya, at dahil ang lolo niya ay isang shareholder sa Young Group, pinili ni Iris na bigyan ng isa pang pagkakataon si Ashwin.Lintik!Kahit na natalo siya, alam ni Ashwin na wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ito.Ang huling tinign ni Iris sa kanya bago ito umalis ay isang babala. Kapag may ginawa ulit si Ashwin, walang kasiguraduhan na hindi magpapakita ng awa si Iris sa kanya sa susunod!Sa oras na matapos na ang meeting, dumiretso si Leon sa Wick Group para humingi ng tawad kay Elder Wick ng personal at klinaro niya ang nangyari.Mapagbigay si Elder Wick tungkol dito; hindi lang sa